25/05/2026
LITERARY| The Code
Byahe Patungo sa Pangarap
Panibagong byahe na naman ang nag-aabang,
Tila kailan lang, hirap pa tayong makipagsiksikan sa daan.
Bitbit ang pangarap at pusong lumalaban,
Makaraos lamang at makarating sa patutunguhan.
Subalit lahat ng pagod ay unti-unti nang nagbubunga,
Bawat puyat at hirap ay may saysay na tinatamasa.
Kaunting tiyaga na lamang at malapit na sa ginhawa,
Pangarap na minimithiβy unti-unti nang nadarama.
Handa ka na bang muling bumiyahe?
Makikipagsiksikan at kakapit kung kinakailangan, patungong NEUST.
Mapagod man ang isip at katawan sa hirap at pangamba,
Huwag lang masayang ang lahat ng paghihirap at pagtitiis na dala.
Sa panibagong byahe, maraming pasaherong magiging bago sa paningin,
May mga sasabay saβyo habang kayoβy may parehong mithiin.
Mayroon ding mga pasaherong tuluyan nang bababa sa daanin,
Patungo sa bagong yugto ng kanilang sariling mithiin.
Byaheng First Year, para sa mga mag-uumpisa pa lamang.
May halong kaba at pananabik ang bawat hakbang habang marahang inaabot ang bayad, βKuya, bayad poβ¦ freshie lang po.β
Byaheng Second Year, para sa mga unti-unti nang nasasanay sa laban.
Pagod man sa mga gawain, puyat sa mga sharing at report, at maagang nakikipagsabayan sa sakayan, nagagawa pa ring humanap ng paraan makatipid lang, βKuya, may discount po ba? May sharing pa po kasi kami.β
Byaheng Third Year, para sa mga malayo na ang nararating ngunit mas marami pang haharapin.
Sa gitna ng sunod-sunod na pagsusulit, deadlines, at pagod sa biyahe, bitbit ang kape at mga matang halos wala nang tulog, mapapasambit na lamang,
βKuya, huwag ka na muna magpa-gas, may super duper long long quiz pa po kasi kaming hahabulin.β
At Byaheng Fourth Year, para sa mga naghahanda nang harapin ang tunay na hamon ng buhay.
Bitbit ang kaba, pag-asa, at pangarap, buong tapang nilang sinasabi,
βKuya, diretso na po kami sa OJT at thesis defense.β
Ano man ang byahe na iyong sasakyan,
Makakarating ka rin sa iyong paroroonan.
Tiwala lamang sa sarili at sa proseso ng daan,
Dahil bawat hakbang ay papalapit sa tagumpay na inaasam.
Padayon, SDCians! Patuloy lang sa laban,
Walang maiiwan, sabay-sabay tayong aarangkada sa ating patutunguhan.
Bitbit ang mga pangarap at tagumpay na matagal nang minimithiβt inaasam,
Hanggang marating natin ang kinabukasang para sa atin ay nakalaan.
π: Rein
π: NC