03/08/2024
Isang magandang babae ang sawang-sawa na sa kanyang buhay bilang isang asawa at gagawin n'ya kahit ano para lang malayo o mahiwalay sa kanyang asawa. Isang umaga nagpunta s'ya sa kanyang ina at sinabing "Mama' pagod na ako sa aking asawa, gusto ko na s'yang mamatay dahil hindi ko na kaya ang kanyang pambabaliwala pero baka usigin naman po ako ng batas kung s'ya ay aking papatayin. Matutulungan n'yo po ba ako?"
Sumagot ang ina; "Oo naman, matutulungan kita subalit may mga bagay kang dapat munang gawin". Nagtanong ang anak, " Ano yung mga bagay na 'yun? Gagawin ko lahat ng 'yun para mawala lang yung asawa ko".
At sumagot ang ina "Ok, una, kailangan mong makipag-ayos at makipagbati sa kanya para walang magsususpetsa na ikaw ang pumatay sa kanya pag s'yay namatay.
Pangalawa, kailangan mong magbihis ng maayos at magpaganda upang mahuhumaling sa iyo ang iyong asawa.
Pangatlo, kailangan mo s'yang alagaan, dapat mabait ka sa kanya at kapuri-puri sa lahat ng oras.
Pang-apat, kailangan mo ng pasensya, bawasan ang selos, dapat mapagmahal ka sa kanya, pakikinggan mo ang mga sinasabi n'ya, rumispeto at dapat palagi kang masunurin sa kanya.
Panglima, gumastos ka ng pera para sa kanya at h'wag kang magagalit kung magbibigay s'ya ng pera para sa kahit na anumang bagay.
At pang anim, h'wag mo s'yang sisigawan subalit papanaigin mo ang kapayapaan at pagmamahal para kung s'ya ay mamamatay walang magsususpetsa sa'yo". At tinanong ng ina ang kanyang anak. "Kaya mo bang gawin lahat ng iyon?".
"Opo" Sagot ng anak at binigyan siya nito ng pulbo. "Buhusan mo ng kaunti ang pagkain ng iyong asawa araw-araw at 'yan ang papatay sa kanya ng dahan-dahan". Pagkatapos niyon ay bumalik na ang babae sa kanilang bahay.
Subalit pagkalipas ng isang buwan ay bumalik ang babae sa kanyang ina. "Mama, ayuko na pong patayin ulit ang aking asawa dahil natututunan ko na po s'yang mahalin ulit. Nagbago na po s'ya at napakalambing po n'yang asawa na higit pa sa iyong maaakala. Tulungan po ninyo ako kung papaano mapatigil ang la*on na papatay sa aking asawa". Pagmamakaawa n'ya sa kanyang ina na puno ng pagdadalamhati sa kanyang boses.
Sumagot ang ina; "H'wag kang mag-alala, ang ibinigay ko sa'yo ay hindi papatay sa iyong asawa. Isa lamang iyong pulbo na luyang dilaw. Alam mo anak, sa totoo lang, ikaw ang la*on na dahan-dahang pumapatay sa iyong asawa dahil sa tensyon, kawalan ng tiwala at respeto. Pero noong nag-umpisa kang pahalagahan at galangin s'ya doon mo nakitang nagbago s'ya at naging mabuting asawa. Anak, ang mga asawa ay hindi talagang likas na masama, sa paraan kung paano sila tratohin ay maaaring 'yun ay kanilang nagiging tugon na positibo o negatibo sa atin".
"The bottom line is as a woman if you can only respect, dedicate, love, care and show commitment to your husband he will always be there 💯 for you".