10/03/2026
"HINDI BA'T KAYA NGA NATIN SIYA INAMPON PARA BALANG ARAW MAY MAIAALAY TAYO KAY PINUNO?"
Work of fiction
Bata pa lang ako. Madalas na akong makarinig ng usap-usapan mula sa labas.
Sa mga kapitbahay na tsismis with kape ang almusal.
"Kawawa 'yang bata na 'yan, wala siyang kaalam-alam kung anong sikreto ng mag-asawang umampon sa kaniya."
"Inaalagaan siya para lang gawaing pagkain balang araw."
"Hay nako, kawawang bata talaga."
Ilan lang iyan sa mga naririnig ko sa tuwing naglalaro ako sa labas.
Iniiwasan din ako ng mga bata sa labas. Ayaw nilang makipaglaro sa akin dahil ampon daw ako ng mag-asawang aswang.
At bilang bata, hindi ko sila lubos na maunawaan at hindi ko pa noon alam kung ano ba ang ampon.
At kung ano ba ang aswang.
Kaya naman tinanong ko kay Nanay kung ano ba ang ibig sabihin ng ampon at aswang. Pero ang tanging sagot lamang niya sa akin ay: "Huwag na huwag mo silang papansinin, anak. Hindi nila alam ang lumalabas sa bibig nila. Hayaan mo lang sila. Balewalain mo lang lahat ng maririnig mo mula sa kanila.
Ganoon nga ang ginawa ko dahil iyon ang bilin sa akin ni Nanay.
Kaya kahit nakakarinig ako ng mga kung ano-ano mula sa labas ay hinahayaan ko na lang.
Na tila ba, wala akong naririnig.
Palagi ring sinusugod sila nanay at tatay ng mga tao tuwing may nakukunang buntis sa baryo namin. At isinisisi nila iyon sa mga magulang ko.
Kahit wala namang kinalaman sila nanay at tatay sa insidenteng iyon.
Isang gabi, habang mahimbing na kaming natutulog ay biglang nagising si Tatay. May amoy nasusun*g daw.
Nagmadali kaming bumangon at nakita nga naming nasusunog na ang ibang parte ng kusina namin.
Mabilis naman naming naapula ang apoy dahil maraming tubig sa kusina ng panahon na iyon. At hindi pa ganoon kalaki ang sun*g.
"Talagang sinasagad ng mga kapitbahay natin ang pasensya ko! Hindi na makatarungan ito! Balak pa nila tayong sunug*n. Mga walang puso talaga!" galit na sabi ni tatay.
"Mabuti pa, Raul. Umalis nalang tayo dito."
"Hindi, Tasya! Sariling lupa at bahay natin 'to. Bakit tayo aalis dito? Edi para mo na ring pinatunayan na totoo ang ibinibintang nila sa atin. Bakit ba ganiyan ang mga tao ngayon? Porket galing tayo sa Capiz, aswang na agad tayo? Yung mga utak nila ang may problema, hindi tayo."
"Pero hihintayin mo pa ba na mapahamak tayo dito?"
"Basta, walang aalis sa lugar na 'to! Matulog na kayo."
"At ikaw?"
"Dito lang ako magbabantay. Aalamin ko kung sinong may gawa nito sa bahay natin."
Hindi na sumagot noon si Nanay at inaya na akong bumalik sa higaan at muli kaming natulog.
Wala naman ng nangyari ulit na sun*g kaya medyo nakampante na kami.
Pero kapag nagpupunta kami sa palengke, karamihan ng mga tao doon ay iniiwasan kami at kakaiba ang mga tingin nila sa amin.
Tingin na may kasamang panghuhusga at takot.
"Nay, bakit sila ganoon kung makatingin sa atin?"
"Hayaan mo lang sila, Marie. Mapanghusga ang mga taong 'yan. Palabintang pa."
"Ano po ba kasi ang aswang, Nay? Lagi ko po kasing naririnig 'yan sa mga kapitbahay natin. Gusto ko pong malaman ang ibig sabihin non."
"Ang aswang ay pinaniniwalaan nilang halim4w na kumakain ng dug* at laman-l**b ng tao. Maging ng sanggol mula sa sinapupunan ng isang buntis. Pero alam mo naman anak na hindi kami gano'n 'di ba? Karne ng manok, baboy at gulay ang kinakain natin 'di ba?"
"Oo nga po, Nay. Kaya hindi ko rin po alam kung bakit nila kayo tinatawag na ganoon. At ano nga po pala ang ampon?"
Sandaling nanahimik si nanay at tumingin sa kawalan.
"Hindi ka namin totoong anak, Marie. Hindi talaga kami ang mga magulang mo. Matapos kang ipanganak ng nanay mo ay iniwan ka na niya sa akin dahil hindi ka raw niya kayang alagaan dahil nag-aaral pa siya sa kolehiyo."
Bigla nga akong nalungkot at nasaktan sa inamin sa akin ni Nanay.
"Pero kahit hindi ka naman namin totoong anak, mahal na mahal ka namin. Alam mo 'yan."
"Mahal na mahal ko rin po kayo, Nay. Tara na po. Uwi na po tayo. Tutulungan po kitang magluto."
"Teka, nakalimutan kong bumili ng bawang. Dito ka lang ha? Babalik din ako agad."
"Sige po."
NASA COMMENT SECTION ANG LINKS NG PART 2