11/07/2025
"MONEY CAKE NYA DAPAT YUN..."
May friend ako na lagi ko hnihiraman ng pera na madalas hindi talaga ako mkapagbayad on time. Nagbbusiness pala sya ng mga cake. At sakanya ako nagpagawa ng birthday moneycake para sa 60th birthday ni mama.
Nagbigay ako skanya ng tig 100 pesos worth 2k yun ilalagay sa cake. Pagkachat nya sabi nya "oh akin na to 2k bayad sa pagkautang mo 2 months ago". Sabi ko hindi ngayon kasi bday ni mama plampasin muna namin yung celebration tapos next sahudan tsaka ako magbayad.
Sa surprise namin kay mama, after namin sya kantahan ng happy birthday sabi ko iangat yung happy birthday decor at nagexpect ang lahat na may bubungad na pera pero wala. Hinati narin namin yung cake pero wala talaga.
Chinat ko kagad yung friend ko, seryoso pala talaga sya na yung 2k na dapat sa moneycake ni mama knuha pala talaga kasi over overdue na ako at need daw talaga nya ng pera. Ksalanan ko ba di ako nkapagbayad kagad kaya wala surprise kay mama o mali sya kasi knuha nya yung nakalaan para sa birthday ni mama. Sa palagay niyo tama ba ang ginawa nya?
CTTO: kuya J
Ps Walang kinalaman ang cake pic sa caption may CTTO na po nakichismis lang π€£