13/08/2025
Habang naglilinis ako ng pader sa taas ng mga bintana namin at nakakakapit sa grills; naisip ko, what if bumigay to?
Sobrang importante na yung kinakapitan naten ay “matibay”.
I realized na talagang dapat kay Lord tayo nakakapit, hindi sa mga bagay ng mundong ito. Yung mga bagay sa mundong ito ay marupok at may hangganan.
Naalala ko yung buhay ko noon, madalas na basis of security ko— savings, trabaho, relationship, talino, skills at kung ano pang meron ako.
Then, sa madaming pagkakataon napatunayan ko na lahat ng meron ako ay pwedeng mawala anytime.
What remained constant and strong— si God.
Hindi ako iniwan ng Lord at alam kong hindi Nya ako kailan man iiwan.
Kapitan mo din sya, hindi ka Nya bibiguin.