18/08/2021
*
walang permanente sa ating mundo
lahat nawawala, lahat nagbabago
kalikasan, hayop at maging tayong mga tao
nag-iiba, nagbabago kahit na anong gawin mo.
*
sa nakakabasa at makakabasa
ikaw na ang bahalang humusga
kung ang punto ko dito ay tama talaga
ikaw na ang bahala, ikaw na ang magsalita.
*
matagal ko na kasi iyang napuna
ngayon naisulat sapagkat ako"y abala
marami lang akong inuuna
mga bagay na napakahalaga.