04/11/2025
Sabagay, dahil Nung may mga basura sa Manila bay, napapahalagahan Ng mga Basurero Kasi mapagkakaperahan😅. Maganda Kasi Ang Basura sa kanilang paningin.🤣🤣🤣
SENATOR LEGARDA HINDI NAKIKITAAN NG SILBI ANG DOLOMITE BEACH NA GINAWA SA MANILA BAY
Mariing binatikos ni Sen. Loren Legarda ang kontrobersyal na Dolomite Beach sa Manila Bay, kaugnay sa pondong inilaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa nasabing proyekto.
Ayon kay Legarda, simula pa nang itayo ang naturang proyekto ay hindi na niya nakitaan ng kabuluhan ang paglalagay ng dolomite sa dalampasigan ng Maynila.
“Simula pa nang ginawa ‘yung dolomite ay hindi ko nakikita kung anong kahalagahan ‘yan. Bakit natin gusto magka-white sand beach diyan. ‘Yan naman ay artificial at hindi dapat nilipat mula sa Kabisayaan hanggang sa Manila Bay,” wika ng senadora.
Bagaman pabor siya sa mga proyekto ng beautification, iginiit ni Legarda na dapat itong nakabatay sa siyensya at may tunay na benepisyong pangkalikasan.
“Ako sa ngayon sa beautification, okay. Pero ang beautification na ayon sa siyensya. Pero hindi dapat ‘yan ginawa. Pero ‘yan ay isang tuldok lang sa maraming kababalaghan at hindi dapat ginagawa,” dagdag pa niya.