21/03/2026
CHAPTER 4 :THE SONG WE USED TO LOVE
LANCE POV
Sa gitna ng pagyanig ng container van ramdam ko ang panginginig ni Krissa. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko siya bibitawan. Kahit anong pilit niyang kumawala, kahit gaano pa katulis ang mga salitang ibato niya sa akin, hinding hindi ko na luluwagan ang kapit ko sa kanya.
Masyadong maraming taon ang sinayang ko sa pagtatago. Masyadong maraming gabi ang dumaan na tanging pagsisisi ang kasama ko. Ngayon na nasa bisig ko na siya ulit, sa gitna ng dilim at bagyong ito... tila bumalik ako sa araw na unang beses ko siyang "ninakaw" sa kamatayan.
FLASHBACK
Seven years ago...
Engineering student ako noon, laging nakabaon ang mukha sa mga blueprint at calculations.
Pero may isang "variable" sa buhay ko na hindi ko makuha kuha ang formula, ang babaeng laging nasa tapat ng building namin.
Doon ko siya madalas makita. Nakaupo sa bench o kaya ay naglalakad mag isa. Simple lang siya walang arte, laging may suot na earphones na may mahabang puting kurdon na nakakabit sa cellphone niya.
Minsan, nakikita ko siyang dahan dahang tumatango sa beat ng kung anong kanta ang pinapakinggan niya.
Hindi ko alam ang pangalan niya. Wala siyang ideya na may isang Lance na lihim na nakatingin sa kanya mula sa malayo.
Para siyang isang kanta na paulit ulit kong pinapatugtog sa isip ko payapa, maganda, at tila hindi kayang abutin.
Isang hapon, habang naglalakad ako bitbit ang aking mga plates para sa finals, nakita ko siyang tumatawid sa main driveway.
Nakapikit siya, ninanamnam ang kanta, hindi namamalayan ang isang delivery truck na mabilis na lumiko sa kanto.
Walang "slow motion."
Walang "dramatic music." Isang mabilis na reflex lang.
Nabitiwan ko ang hawak kong drawing tube ang mga plates na pinagpuyatan ko ng tatlong gabi dahil kailangan kong gamitin ang dalawang kamay ko para maabot siya.
Sa isang malakas na hila sa bewang, naisampa ko siya sa sidewalk bago pa man siya masagi ng truck.
Dahil sa pwersa, pareho kaming napaupo sa semento.
Doon ko naramdaman ang panginginig ng mga balikat niya.
"Miss, ayos ka lang?"
tanong ko. Hinihingal ako, hindi dahil sa pagtakbo, kundi dahil sa gulat.
Dahan dahan niyang idinilat ang mga mata niya. Sa sobrang lapit namin, nakita ko ang bawat butil ng pawis sa noo niya.
Nalaglag ang isa niyang earphone at sumabit sa braso ko. Doon ko narinig ang mahinang instrumental ng isang kanta.Tumingin siya sa akin. Walang salita. Walang pakilala.
Isang matagal na titigan lang habang ang mga nagkalat kong plates sa kalsada ay unti unting nadadaanan ng ibang sasakyan.
Doon ko napagtanto... na kahit masira pa ang lahat ng ginawa ko para sa finals, basta nailayo ko siya sa panganib, sulit na 'yun.
noong mga sandaling iyon nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala sya sa pangalan niya. Simula noon ,ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya hangga't nasa tabi ko siya.
Naging mabilis ang sumunod na mga taon. Naging kami. Naging pangarap namin ang isa’t isa. Pero kasabay ng paglago ng aming relasyon ay ang pagguho ng mundo ng pamilya ko.
Namatay si Papa at naiwan kaming lubog sa utang. Nalaman ng mga gahaman na investors ng kumpanya nina Krissa ang tungkol sa utang ng tatay ko, at ginamit nila iyon para ipressure ako.
"Layuan mo si Krissa," banta nila sa akin noon.
"Kapag nalaman ng publiko na ang tagapagmana ng kumpanyang ito ay karelasyon ng isang lalaking baon sa utang ang pamilya, babagsak ang stocks . Sasabihin naming ginagamit mo lang siya para isalba ang sarili mo."
Sasabihin nila sa lahat na ginagamit ko lang si Krissa para isalba ang sarili ko, at dahil doon, mawawalan ng tiwala ang mga bangko at kliyente sa kanya.
Hindi matutuloy ang firm na pinapangarap niya. Pero ang mas masakit na dahilan? Gusto nilang mawala ako sa eksena para maipakasal nila si Krissa sa anak ng isa pang mayamang investor para sa isang malaking business merger.
Ginawa nilang 'business transaction' ang pag-ibig namin. At dahil wala akong kapangyarihan noon, pinili kong magsakripisyo. Iniwan ko siya nang walang salita para manatiling buo ang pangarap niya, kahit ang kapalit noon ay ang pagkadurog ng sa akin.
Doon ko natutunan ang bagsik ng katotohanan. Ang pananatili ko sa tabi niya ang magiging mantsa sa malinis niyang pangalan.
Ayaw kong dahil sa akin, mawala ang lahat ng pinaghirapan niya at mawasak ang architectural firm na pangarap niya bago pa man ito makapagsimula.
Kaya kahit durog ang puso ko, pinili kong ako ang lumayo. Hinayaan ko siyang isiping isa akong duwag na nang iwan nang walang dahilan, kaysa hayaan siyang masira dahil sa akin.
Natakot ako para sa kanya.
Akala ko, ang paglayo ang pinakamainam na paraan para protektahan ang pangalan niya. Hinayaan ko siyang isiping isa akong duwag. Hinayaan ko siyang maniwala na ang lahat ng pangako ko ay kasinungalingan lang.
Pero ngayong nasa harap ko na siya ulit?
Hahayaan ko siyang magalit. Hahayaan ko siyang isumpa ako. Pero hinding hindi ko siya hahayaang makalayo.
Kung kailangan kong maging "stalker" o "kontrabida" sa paningin niya para lang manatili siya sa tabi ko, gagawin ko.
"Lance... bitaw," mahinang utos ni Krissa,
pilit akong tinutulak sa dibdib.
Imbis na lumayo, mas lalo ko siyang idinikit sa akin. Sa dilim ng container van, tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata ang mga matang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang talikuran.
"Hindi, Krissa," bulong ko, ang boses ko ay puno ng determinasyon.
"Pitong taon na akong bumitaw. Ngayon, kahit anong gawin mo, hindi na kita pakakawalan."
Nakita ko ang gulat sa mukha niya.
Alam kong nararamdaman niya ang init ng katawan ko at ang seryosong tono ng boses ko. Alam kong naguguluhan siya kung bakit ang dating "duwag" na Lance ay narito ngayon, tila nanghahamon.
Huwag kang mag alala, Krissa. Masasagot din ang lahat ng tanong mo. Pero sa ngayon, dito ka lang sa tabi ko. Kahit magunaw pa ang mundong 'to sa labas, hinding hindi na mauulit ang pitong taon na wala ka sa piling ko.
To be continued….