13/12/2025
PNP TAGUMPAY SA ANTI-DRUG DRIVE MATAPOS MAKUMPISKA ANG β±13.6M HALAGA NG SHABU, HVI NAHULI SA CDO
Nakapagtala ng panibagong malaking tagumpay ang Philippine National Police (PNP) sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa ilalim ng pamumuno ni Acting Chief, PNP Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., matapos maaresto ang isang high-value individual (HVI) at makumpiska ang mahigit β±13.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang joint buy-bust operation sa Cagayan de Oro City madaling-araw ng Sabado, Disyembre 13, 2025.
Batay sa ulat, bandang 3:15 ng madaling-araw, nagsagawa ng isang operasyon ang mga operatiba ng Cagayan de Oro Drug Enforcement Unit (CDEU), katuwang ang Cagayan de Oro Intelligence Unit (CIU) at Cagayan de Oro Mobile Force Company (CMFC), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 10 (PDEA-10). Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 41-anyos na lalaki, may asawa at residente ng lungsod, na itinuturing na high-value individual sa ilegal na droga.
Sa isinagawang operasyon, nabawi ng mga awtoridad ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng β±10,000.00, na ibinenta ng suspek sa isang pulis na umaktong poseur-buyer gamit ang pre-recorded buy-bust money. Sa isinagawang follow-up search, nakumpiska pa ang 17 sachets ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na humigit-kumulang dalawang kilo, na may tinatayang street value na β±13.6 milyon.
Narekober din mula sa suspek ang isang Chinese tea bag, android cellphone, digital weighing scale, durabox, pulang eco bag, at ang pre-recorded buy-bust money.
Isinagawa ang tamang inventory, marking, at dokumentasyon ng mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon sa harap ng mga opisyal ng barangay, kinatawan ng media, at ng mismong suspek. Ang buong operasyon ay naitala gamit ang body-worn camera at alternative recording device, alinsunod sa umiiral na mga operational procedure.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng City Drug Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police Office ang suspek, habang ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay isusumite sa PNP Regional Forensic Unit 10 para sa qualitative at quantitative examination. Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165para sa pagsasampa sa korte.
Pinuri ni Acting Chief PNP PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga yunit na nagsagawa ng operasyon at binigyang-diin na nananatiling prayoridad ng PNP ang tuloy-tuloy at intelligence-driven na mga hakbang laban sa ilegal na droga.
βMalinaw po ang ating direktiba, tuloy-tuloy at walang patid ang laban kontra ilegal na droga,β ani PLTGEN Nartatez. βThis operation shows that our police units are serious in going after high-value individuals who threaten our communities. Kapag ganito kalaking droga ang natatanggal sa lansangan, maraming buhay ang naliligtas.β
Dagdag pa niya, ang naturang tagumpay ay patunay ng matibay na pagkakahanay ng PNP sa pambansang bisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang mas ligtas at mas maayos na bansa.
Muling iginiit ng PNP na ang operasyon ay bahagi ng PNP Focus Agenda, na nakapaloob sa adhikaing βBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,β na layong tiyakin na ang pagpapatupad ng batas ay hindi lamang mahigpit at makatarungan, kundi tunay na nararamdaman ng mamamayan.
Tiniyak ng mga awtoridad sa publiko na magpapatuloy ang mga katulad na operasyon habang lalo pang pinaigting ng PNP ang kampanya laban sa mga sindikato ng droga upang maprotektahan ang mga komunidad mula sa panganib ng ilegal na droga.