PNHS The Riverside Current Digital

PNHS The Riverside Current Digital This is the Official Page of the Digital Arm of The Riverside Current Media, the Official Student Publication of Pangpang National High School.

28/08/2026

WATCH: The Current Matter (2nd Episode)
| Buwan ng Wikang Pambansa

Sa Mundong Puno ng Pangarapni Azalea AldemitaSa mundong puno ng pangarap,minsan, nakapagtataka kung bakit ako’y hindi na...
27/08/2026

Sa Mundong Puno ng Pangarap
ni Azalea Aldemita

Sa mundong puno ng pangarap,
minsan, nakapagtataka kung bakit ako’y hindi na marunong mangarap.

Sig**o nga ang pinakamahirap na bahagi ng paglaki
ay hindi ang pagpili kung anong pangarap ang hahabulin,
kundi ang pagharap sa katotohanang
hindi mo na alam kung ano pa ang gusto mong pangarapin.

Habang ang iba’y abala sa pagguhit ng kanilang kinabukasan,
ako nama’y nakatitig lamang sa isang blangkong papel,
hinihintay ang isang bagay na matagal ko nang hindi matukoy.

Dati, sapat nang tanungin kung ano ang gusto kong maging.
Ngayon, mas mahirap sagutin kung
ano ba talaga ang gusto kong maging.

Marahil, ganito pala ang paglaki,
unti-unting napapalitan ng mga “dapat”
ang mga “gusto ko.”

At sa pagitan ng mga inaasahan, responsibilidad,
at pangarap na tila kailangang magkaroon ng direksyon,
nakalimutan kong tanungin ang sarili:

Kung walang ibang magsasabi kung ano ang dapat kong maging,
ano kaya ang pipiliin kong maging?

Dahil minsan, hindi naman tayo nawawalan ng pangarap.
Napapagod lamang tayong hanapin
ang pangarap na tunay na atin.

26/08/2026

PRESS the bible.

📖

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Badminton girls, municipal meet 2026
25/08/2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Badminton girls, municipal meet 2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Badminton boys, municipal meet 2026
25/08/2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Badminton boys, municipal meet 2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Volleyball girls, municipal meet 2026
25/08/2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Volleyball girls, municipal meet 2026

𝑻𝒖𝒆𝒔𝒅𝒂𝒚 𝑻𝒉𝒐𝒖𝒈𝒉𝒕𝒔 “Ang buhay na inaalay sa bayan ay buhay na hindi nasayang"-Emilio Jacinto Tuwing Martes, ibinabahagi na...
25/08/2026

𝑻𝒖𝒆𝒔𝒅𝒂𝒚 𝑻𝒉𝒐𝒖𝒈𝒉𝒕𝒔

“Ang buhay na inaalay sa bayan ay buhay na hindi nasayang"

-Emilio Jacinto

Tuwing Martes, ibinabahagi natin ang mga kaisipan ng araw upang magbigay-inspirasyon at magbigay-lakas ng loob sa bawat Pangpangnian na patuloy na bumuo ng pag-asa, determinasyon, at positibong pananaw.

Nawa’y maging paalala ang Martes na ito na matuto mula sa bawat hamon at patuloy na sumulong, isang hakbang sa bawat pagkakataon.

𝑴𝒂𝒍𝒊𝒈𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒓𝒕𝒆𝒔!





25/08/2026

WATCH: The Current Matter (1st Episode)
| Bullying

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Volleyball boys, municipal meet 2026
25/08/2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒 | Volleyball boys, municipal meet 2026

PNHS patuloy na nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikani John Michael ChavezPangpang National High School (PNHS) ay p...
25/08/2026

PNHS patuloy na nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

ni John Michael Chavez

Pangpang National High School (PNHS) ay patuloy na nagdiriwang ng huling Lunes ng Wikang Pambansa sa isinagawang programa sa flag raising ceremony kahapon, Agosto 24.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagpaabot ang mga g**o ng paanyaya na magsuot ng katutubong kasuotang Pilipino sa paaralan.

Kabilang sa mga nagsuot ng katutubong kasuotan na ginawadan ng parangal ng lakambini at lakan ay sina Kristine Joy Bais (Baitang 8), Ednalyn Candelasa (Baitang 11), at Zean Odysseus Rafols (Baitang 7).

Nagtanghal naman ang mga miyembro ng Filipino Club na sina Ednalyn Candelasa at Jereme Mission ng Baitang 11 ng isang sayaw.

Address

Pangpang
Sibalom
5713

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNHS The Riverside Current Digital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to PNHS The Riverside Current Digital:

Shortcuts

Share