20/07/2026
๐ Pagpapalakas ng Kabuhayan, Pag-unlad ng Pamayanan ๐
Isinagawa ang Turnover of Checks para sa limang (5) Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) na kwalipikado sa Product Diversification Assistance Grant (PDAG). Ang bawat asosasyon ay tumanggap ng โฑ300,000.00 bilang karagdagang pondo upang mapalawak at mapalakas ang kanilang mga proyektong pangkabuhayan.
Ang mga benepisyaryong asosasyon ay:
โ
Nazareth SLPA
โ
ODIS SLPA
โ
One San Juan SLPA
โ
Panlagangan SLPA
โ
Lacaron SLPA
Layunin ng Product Diversification Assistance Grant (PDAG) na suportahan ang mga kwalipikadong SLP Associations sa pagpapalawak at pag-iiba-iba ng kanilang mga kabuhayan upang maging mas matatag, produktibo, at napapanatili ang kanilang pinagkakakitaan.
Binabati namin ang lahat ng mga benepisyaryong asosasyon! Nawa'y magsilbing daan ang tulong na ito tungo sa mas maunlad na kabuhayan at mas maliwanag na kinabukasan para sa kanilang mga miyembro at sa buong komunidad.
๐๏ธJuly 16, 2026
# AntiqueSustainableLivelihoodProgram