07/10/2025
๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ฌ ๐จ๐ ๐๐
MULING PAGBANGON MULA SA MGA ABO
tampok si Renmar Luis V. Agana ng Bachelor of Science in Information in Technology 1C
Parang anino sa gitna ng liwanagโpinaslang na halaga ng mga matang uhaw. Sa bawat hatol na walang saysay, sumisigaw ang katotohanan na ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa isang papel, kundi sa tapang at sipag ng isang taong may pangarap.
Hindi naging madali ang laban ni Renmar Luis V. Agana, 31 taong gulang, at kasalukuyang naka-enrol sa kursong Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) sa University of Antique (UA) - Main Campus. Lumaki si Renmar sa bayan ng Patnongon. Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa sekondarya sa taong 2010, pero hindi na siya nakatungtong sa kolehiyo pagkatapos nito dahil sa kakulangan ng pantustos.
Para makatulong sa kanyang pamilya, nagdesisyon si Renmar na magtrabaho. Nakapasok siya sa larangan ng Information Technology, at doon iginugol niya ang 12 taon bilang Computer Technician, Senior IT Technician, IT Head, at ICT Assistant/Officer.
Umuukit sa mga pandinig ni Renmar ang mga masasakit na salita tuwing ipinapaalala sa kanya ng iba na wala siyang diplomaโmga salitang tila punyal na dumadarang sa kanyang puso. Madalas siyang maliitin at husgahan na para bang ang kakayahan ng isang tao ay nasusukat lamang sa papel na may pirma.
Nagpursigi siya na kumuha ng mga online at national certificates para patunayan na kaya niyang makipagsabayan sa mga may mga titulo. Sa kabila ng kanyang karanasan, hindi rito natatapos ang noo'y kanyang mga pangarap: nagdesisyon siyang bumalik muli sa pag-aaral.
Bilang ama, estudyante, at tagatustos, araw-araw niyang hinahati ang kanyang oras sa trabaho, pag-aaral, at pamilya. Sa kasalukyan, isa siyang student assistant sa kanilang departamento.
Para kay Renmar, ang muling pagpasok sa paaralan ay hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kanyang buong pamilya na magiging inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon.
โHindi kailanman huli ang lahat para bumangon at mag-aral muli. Ang edukasyon ay sandata na panghabambuhay. Pipilitin mo man, mahirap man, sulit pa rin,โ ani Renmar sa isang interbyu.
Pinatunayan nya sa loob ng 12 taon na pagsisikap na hindi siya kailanman tinalo ng mga taong nanliit at humusga sa kanya. Ang kanyang pagbabalik sa pag-aaral ay hindi lang para sa pagkamit ng diploma, kundi para ipakita sa lahat na walang pangarap na huli kung puspusan mo itong pinaghihirapan. Para kay Renmar, itong tagumpay ay bunga ng pagbangon mula sa kanyang pagkadapa at isang leksyon na nais nyang ipamana sa mga kabataang nangangarap din ng magandang bukas.
Sa bawat pagsubok, may katapangan na nagmumula sa puso. Ang laban ni Renmar ay isang kwento ng walang hanggang pag-asaโisang paalala na sa kabila ng dilim at mga dagok, ang pangarap ay nagsisilbing gabay, bastaโt manindigan ka lamang nang buong tapang at paniwalaan ang sarili nang walang pag-aalinlangan.
Write to HUMANS OF UA 2025-2026
Layout ni Jules Elmer Lamprea