16/06/2026
SAD TRUTH ABOUT CAMPUS JOURNALISM
Kung hindi ka man nanalo sa NSPC noong nakaraang press conference, congratulations dahil umabot ka sa NSPC. May mga RSPC delegates na nagdasal at nangarap na maabot ang narating mo.
Kung hindi ka man nanalo sa RSPC noong nakaraang press conference, congratulations dahil umabot ka sa RSPC. May mga DSPC delegates na nagdasal at nangarap na maabot ang narating mo.
Kung hindi ka man nanalo sa DSPC noong nakaraang press conference, congratulations dahil lumaban ka sa DSPC. May mga campus journalists na nagdasal at nangarap na magkaroon ng pagkakataong lumaban sa DSPC.
At kung isa ka sa mga campus journalist na hindi man nakalaban sa DSPC ngunit bahagi pa rin ng inyong school publication, congratulations pa rin dahil sumubok ka.
Anuman ang naging outcome ng iyong campus journalism journey, panalo man o hindi, sigurado akong may mga aral kang natutunan, mga karanasang habambuhay mong babaunin, at mga alaalang hindi matutumbasan ng anumang medalya o tropeo.
Dahil ito ang sad truth: may mga estudyanteng nakapagtapos nang hindi man lang sumubok. May mga natakot, nagdalawang-isip, at sumuko bago pa man magsimula. Kaya hanggang ngayon, minumulto pa rin sila ng kanilang mga regrets at what ifs.
Kaya muli, congratulations, dahil isa kang Campus Journalist!
Photo: PIA Leyte