20/02/2026
Komportable ka nga.
Pero stagnant ka naman.
Tahimik ang buhay mo.
Walang pressure.
Walang masyadong risk.
Pero aminin mo…
wala ring growth.
Hindi ka napapagod.
Pero hindi ka rin umaangat.
Hindi dahil kulang ka sa potential.
Kundi dahil nasanay ka sa safe.
Sa comfort zone,
hindi ka masyadong nasasaktan.
Pero hindi ka rin masyadong lumalakas.
Diyan ka magaling.
Diyan ka kilala.
Diyan ka kampante.
Pero paglabas mo sa totoong mundo,
iba ang labanan.
Hindi doon panalo ang pinaka-komportable.
Panalo ang pinaka-matibay.
Hindi doon sinusukat kung gaano ka ka-safe.
Kundi kung gaano ka katapang sumubok kahit hindi sigurado.
Ikaw naman…
Gusto mo muna handa ka.
Gusto mo muna may assurance.
Gusto mo muna malinaw lahat bago ka kumilos.
At walang masama doon.
Natural yan.
Pero sa totoo lang,
ang sobrang pag-iingat,
unti-unting nagiging kulungan.
Habang naghihintay ka ng tamang timing,
may ibang mas hindi handa kaysa sayo
ang umaabante na.
Habang iniisip mo kung kaya mo ba,
may ibang mas kulang sa skills
pero mas buo ang loob.
Kaya sila ang nagle-level up.
Ikaw, nananatili.
Mas delikado ang sobrang komportable
kaysa sa sobrang nahihirapan.
Kasi ang nahihirapan, lumalakas.
Ang komportable, nananatili.
Hindi ka lalago sa lugar na hindi ka hinahamon.
Hindi ka titibay sa sitwasyong hindi ka tinutulak.
At minsan,
yung discomfort na iniiwasan mo
ang susi sa version mo na matagal mo nang gustong maabot.
Minsan hindi kulang ang galing mo.
Kulang lang ang tapang mong umalis sa nakasanayan.
Kung gusto mong mag-iba ang resulta,
kailangan mong baguhin ang galaw.
Lumabas ka.
Subukan mo.
Magkamali ka kung kailangan.
Pero huwag kang manatili
sa lugar na comfort zone,
pero pinapaliit ka naman🔥