13/05/2025
π’π£ππ‘π¬π’π‘ | π₯π’π¦ππ¦ π¦π π ππ π§ππ‘ππ
"Tila namimitas ng mga bulaklak, para kang humahawak sa talim ng tinik sa katawan, datapwat maaatim ang inaasam na ganda ng rosas na nagsisilbing pag-asa.β
Sa kasalukuyang resulta ng paghalal sa mga susunod na lider mula lokal hanggang nasyonal na pamahalaan, masasabing kahit papaano, natuto na tayo. Lamang pa rin ang pwersa ng kasamaan at kadiliman, ngunit matatas ang pamumukadkad ng iilang lider na humihimas sa bawat puso ng kasalukuyang henerasyon.
Bakas sa bawat kuko ang tinta na siyang sumisimbulo na sila ay nakaboto na. May mga BOBOtante na hindi man lang tiniyak na ang lumapat na tinta sa kanilang kuko ay mula sa pagboto ng mga tamang kandidato. Aba, talagang bumoto pa ng mga artista na ginawang retirement plan ang gobyerno, mga korap, at mga taong mula sa dinastiya ang pamilya. Mas nakaiinis, may bumoto sa taong huwad at ginamit ang relihiyon upang makapang-abuso.
Sa kabila ng lahat, naniniwala ako na kahit papaano, ay nakagagawa na ng makabuluhang epekto ang boses ng mga laging minamaliit, βdi pinakikinggan, at sinisikil. Naipanalo ng henerasyong laging nasasabihang sensitibo ang mga karapat-dapat na lider. Natuto na ako, kayo, kami, tayoβginagamit natin ang pagiging sensitibo upang maunawaan at matugunan kung ano ang pagkukulang.
Ayon sa GMA News, gaganapin ang pagpoproklama ng mga nanalong senador sa ika-17 ng Mayo. Sa wari koβy dahil sa iresponsableng pagboto ng ibang tao sa kung sino ang kanilang ililigtas sa bahay ni kuya, masasaksihan natin ang sampung Dustin Yu, Michael, at Emilio sa pagpoproklama ng mga nanalong senador. Huwag na tayong magbulag-bulagan, ngunit ganyan lagi ang sistema ng botohan sa Pilipinas, kung sino ang dapat i-evict dahil na-convict, ay siyang pinaglalaanan ng boto.
Naiisip ko pa rin kung gaanong ka-invested na maghintay ang mga Pilipino sa bagong santo papa, umaasa na maihalal si Cardinal Tagle dahil ganong ka-relihiyoso ang ating bansa. Kahit anong turo sa bibliya na huwag magtiwala sa isang kagaya ni Pontio Pilato, ay siya namang patuloy na pagboto sa mga trapo at mga garapal na kandidato. Ganyang kabalimbing ang relihiyosong Pilipino pagdating sa pagboto.
Lagi nating isipin na ang matinong gobyerno ay magsisimula sa tapat at maasahang pagboto. Piliin ang lider na nagpapakita ng kanilang mga napatunayan at plataporma. Maging progresibo ang ating bansa kung ang may hawak sa mga posisyon sa pamahalaan ay may integridad at mapagkatitiwalaan.
Seryoso na ito, hindi na tayo mga batang bumoboto ng tomboy na muse sa klase at mga clout chaser sa SSLG/SELG election. Pag-aralan natin kung sino ang mga kandidato at kung ano ang kanilang plano. Maging mapanuri at matuto na sa mga pilit bumabalik kahit may mga krimen na kahindik-hindik.
Mahihinuha natin na kahit papaano, ay umaangat na rin ang mga prinsipyo at moral ng mga kabataan sa henerasyong ito na siyang nagdulot ng munting tsansa, ngunit dambuhala na pag-asa. Sa dami ng mga huwad at tinik na umaaligid sa inang bayan, mas mamahalin ang rosas na magliliwanag at magdadala ng pagbabago. Bato-bato sa langit, ang matamaan ay huwag magalit, pero siguradong laging may rosas sa mga tinik.
ni Adrian Villaflores
ni Jansen Bautista