24/09/2025
๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Nanawagan ang San Pablo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lahat ng Punong Barangay at mga opisyal na ipatupad ang pre-emptive evacuation simula Huwebes, Setyembre 25, ganap na 12:00 ng tanghali hanggang Biyernes, Setyembre 26, 8:00 ng umaga.
Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa gitna ng masamang panahon. Pinapaalalahanan din ang mga barangay na agad ipaalam sa kanilang nasasakupan ang evacuation plan at tiyakin ang maayos na koordinasyon sa mga evacuation centers.
โKaligtasan muna bago ang lahat,โ paalala ng CDRRMO habang nananawagan ng ibayong pag-iingat sa lahat ng mamamayan.