16/08/2026
Arestado sa entrapment operation ng CIDG Laguna ang incumbent barangay captain ng Brgy. Caliraya sa Lumban, Laguna.
Ayon sa CIDG, dinakip ang kapitan matapos umanong tanggapin ang ₱500,000 marked money bilang down payment sa ibinebentang lupa sa Caliraya. Tax Declaration umano ang ginamit sa transaksiyon kahit may titulo ang lupa na nakapangalan sa ibang may-ari.
Mariing itinanggi ng kapitan ang mga alegasyon at iginiit na lehitimo ang mga dokumentong kanyang hawak. Narekober din umano sa kanya at sa kanyang kasama ang dalawang baril na walang kaukulang papeles.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente.