Silang trends

Silang trends This is the official page of Silang Trends. This page includes contents of news and awareness about Silang Cavite.

The Goal of this page is to make an impact to every Silang Citizen for their everyday living.

MGA LUGAR SA CAVITE NA POSIBLENG TAMAAN NG โ€˜THE BIG ONEโ€™ SAKALING GUMALAW ANG WEST AT EAST VALLEY FAULT LINE!Ilang bahag...
10/10/2025

MGA LUGAR SA CAVITE NA POSIBLENG TAMAAN NG โ€˜THE BIG ONEโ€™ SAKALING GUMALAW ANG WEST AT EAST VALLEY FAULT LINE!

Ilang bahagi ng Cavite ang posibleng lubhang maapektuhan ng The Big One matapos kumpirmahin ng mga eksperto na tinatahak ng West at East Valley Fault Line ang ilang bayan sa lalawigan.

Ang dalawang aktibong linya ng lindol na ito ay may kakayahang magdulot ng Magnitude 7 o mas malakas pang pagyanig! ๐Ÿ˜ฑ

Ayon sa PHIVOLCS, nagsisimula ang fault system sa Montalban, Rizal, at dumaraan sa mga bayan ng Carmona, Silang, at Calamba. Ilang barangay at subdivision sa mga lugar na ito ang direktang nasa ibabaw o paligid ng fault line.

๐Ÿ“ Mga lugar sa Cavite na nasa paligid ng fault line:

Carmona, Cavite
โ€ข Southwoods Phase 6
โ€ข San Lazaro Leisure and Business Park
โ€ข Carmona Estates
โ€ข Canyon Ranch
โ€ข Moderno Homes

General Mariano Alvarez (GMA), Cavite
โ€ข Tinienta Tiago Compound
โ€ข Barangay Macario Dacon

Silang, Cavite

โ€ข The Beacon Academy
โ€ข Richland Hills Phase 1

Ang huling naitalang paggalaw ng fault line ay noong 1658, at tinatayang nagiging aktibo ito kada 300 taon ยฑ100 taon, kaya may posibilidad na muling gumalaw anumang oras.

Kung muling kikilos ito, posibleng maranasan ng Cavite ang malakas na lindol na maaaring magdulot ng pagguho ng lupa, paglubog ng ilang bahagi ng komunidad, at pagkasira ng mga bahay, kalsada, at gusali.

Source: https://governmentph.com/list-of-barangays-near-the-east-and-west-valley-fault/

โ‚ฑ100,000,000.00 PONDO SA PAMPUBLIKONG OSPITAL SA SILANG, CAVITE, UBOS NA! Ganito na ba kababa ang tingin ni Carranza sa ...
08/10/2025

โ‚ฑ100,000,000.00 PONDO SA PAMPUBLIKONG OSPITAL SA SILANG, CAVITE, UBOS NA!

Ganito na ba kababa ang tingin ni Carranza sa taumbayan? Isang proyektong sanaโ€™y magliligtas ng buhay, ngayon ay mistulang monumento ng katiwalian. Habang ang mga kababayan nating mahihirap ay nag-aagawan sa mga pampublikong k**a at gamot, may mga bulsang tila busog na busog sa pondo ng bayan.

โ‚ฑ100 milyon โ€” pera ng mga mamamayan โ€” ang nawalang parang bula! Dinaig pa nito ang mga โ€œghost projectโ€ na paulit-ulit na binabatikos. Pera na, ospital pa ang ipinagkait sa mga taga-Silang!

Ano ang masasabi mo Silangueรฑo?

Dahil lalong lumalala ang baha sa Bayan ng Silang, Cong. Roy Loyola, balak magdagdag pa ng bilyong pondo para sa River R...
26/09/2025

Dahil lalong lumalala ang baha sa Bayan ng Silang, Cong. Roy Loyola, balak magdagdag pa ng bilyong pondo para sa River Revetment.

Hindi pa man nakaka-rekober ang Bayan ng Silang mula sa pinsalang dulot ng mga naunang flood control projects, muling plano ni Cong. Roy Loyola na maglaan ng panibagong bilyong piso para sa river revetment dahil sa lumalalang pagbaha sa mga kalsada.

Matatandaang bilyon-bilyong pondo na ang inilabas para sa mga proyektong nagresulta sa pagkawasak ng magaganda at likas na anyo ng mga ilog sa Silang. Sa halip na mapabuti ang kalagayan, naging sanhi pa ito ng pagkabara at mas malalang pagbaha na ngayon ay ramdam ng mga residente.

Muli na namang itinutulak ni Loyola ang karagdagang pondo para sa kaparehong proyekto. Marami ang nangangamba na sa halip na solusyon, lalo lamang nitong palalalain ang problema at mauuwi na naman sa walang saysay na paggastos ng kaban ng bayan.

Nananawagan ang publiko ng masusing imbestigasyon at transparency bago muling magbuhos ng pondo, dahil para sa kanila, sapat na ang mga naunang pagkak**ali na patuloy na nagpapahirap sa mga taga Silang.

ISANG LALAKE ANG NAGBIGAY NG TAKOT SA ISANG BARANGAY MATAPOS ITONG MAYABANG NA NAG LABAS NG BARIL Ayon sa mga saksi, isa...
05/09/2025

ISANG LALAKE ANG NAGBIGAY NG TAKOT SA ISANG BARANGAY MATAPOS ITONG MAYABANG NA NAG LABAS NG BARIL

Ayon sa mga saksi, isang lalake kilala bilang si Olen Asas ng Barangay Lucsuhin ang mayabang diumano na naglabas ng kanyang baril sa Barangay Pooc I.

Ang lalaki ay nagpakilala diumanong bagman, at asawa ng sekretarya ng kasalukuyang nakaupong Mayor Ted Carranza.

Dagdag ng mga saksi, siya ang namamahala at nagmamay ari ng sugal na sakla sa naturang araw ng pangyari. Siya din diumano ang namamahala sa mga lupang pinamimili ng kasalukuyang Mayor, at pinagkatiwalaan sa mga ilegal na saklaan.

Nagdala naman ng takot sa lugar ang pangyayari at walang lakas ng loob na magsumbong dahil sa pakilala nitong tauhan at hawak sya ni Mayor Carranza.

๐Ÿ“ฃ RESOLUTION NO. 3882-2025DECLARING A STATE OF CALAMITY IN CAVITEDahil sa matinding epekto ng habagat na pinalakas ng Se...
22/07/2025

๐Ÿ“ฃ RESOLUTION NO. 3882-2025
DECLARING A STATE OF CALAMITY IN CAVITE

Dahil sa matinding epekto ng habagat na pinalakas ng Severe Tropical Storm โ€œCrising,โ€ idineklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ang buong lalawigan sa ilalim ng State of Calamity.

Ang deklarasyong ito ay layuning mapabilis ang pagkilos ng mga ahensya ng gobyerno sa pagbibigay ng agarang tulong, pagsasaayos ng mga nasalanta, at paggamit ng mga pondo para sa kalamidad upang masigurong ligtas at protektado ang bawat Caviteรฑo. ๐Ÿค๐ŸŒง๏ธ

Manatiling alerto at mag-ingat po tayong lahat.


๐Ÿ“ฃ RESOLUTION NO. 3882-2025
DECLARING A STATE OF CALAMITY IN CAVITE

Dahil sa matinding epekto ng habagat na pinalakas ng Severe Tropical Storm โ€œCrising,โ€ idineklara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ang buong lalawigan sa ilalim ng State of Calamity.

Ang deklarasyong ito ay layuning mapabilis ang pagkilos ng mga ahensya ng gobyerno sa pagbibigay ng agarang tulong, pagsasaayos ng mga nasalanta, at paggamit ng mga pondo para sa kalamidad upang masigurong ligtas at protektado ang bawat Caviteรฑo. ๐Ÿค๐ŸŒง๏ธ

Manatiling alerto at mag-ingat po tayong lahat.



๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐“๐„๐ƒ ๐‚๐€๐‘๐‘๐€๐๐™๐€, ๐ˆ๐๐‘๐ˆ๐๐Ž๐Š๐‹๐€๐Œ๐€ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐๐† ๐’๐ˆ๐‹๐€๐๐†, ๐‚๐€๐•๐ˆ๐“๐„ ๐Š๐€๐‡๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐‘๐”๐‹๐ˆ๐๐† ๐€๐๐† ๐’๐”๐๐‘๐„๐Œ๐„ ๐‚๐Ž๐”๐‘๐“ ๐๐€ ๐๐€๐–๐€๐‹ ๐Œ๐€๐”๐๐Ž ๐€...
25/06/2025

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐“๐„๐ƒ ๐‚๐€๐‘๐‘๐€๐๐™๐€, ๐ˆ๐๐‘๐ˆ๐๐Ž๐Š๐‹๐€๐Œ๐€ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐๐† ๐’๐ˆ๐‹๐€๐๐†, ๐‚๐€๐•๐ˆ๐“๐„ ๐Š๐€๐‡๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐‘๐”๐‹๐ˆ๐๐† ๐€๐๐† ๐’๐”๐๐‘๐„๐Œ๐„ ๐‚๐Ž๐”๐‘๐“ ๐๐€ ๐๐€๐–๐€๐‹ ๐Œ๐€๐”๐๐Ž ๐€๐๐† ๐Ÿ๐๐ƒ ๐๐‹๐€๐‚๐„๐‘

Sa kabila ng malinaw na desisyon ng Korte Suprema na hindi maaaring maupo ang second placer sa halalan, iprinoklama ngayong araw, Hunyo 25, 2025, si Gen. Edward โ€œTedโ€ Carranza bilang Mayor ng Silang, Cavite.

Pinangunahan ng Municipal Board of Canvassers ang naturang proklamasyon sa kabila ng umiiral na jurisprudence mula sa Supreme Court na nagsasaad na walang karapatang maupo ang kandidatong pumangalawa sa halalan, kahit pa mapawalang-bisa ang panalo ng naunang nanalo.

Ang hakbang na ito ay itinuturing ng marami bilang isang malinaw na pagsuway at panggigipit sa boses ng mahigit 54,000 Silangueรฑo na malinaw na pinili si Mayor Kevin Anarna noong halalan.

09/05/2025

๐๐€๐๐Ž๐Ž๐‘๐ˆ๐: ๐‘๐ž๐ฌ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ข๐๐ข๐ฌ๐ค๐ฐ๐š๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐Š๐ž๐ฏ๐ข๐ง - ๐…๐€๐Š๐„ ๐๐„๐–๐’! ๐‡๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ฎ๐ฉ๐จ ๐ฉ๐š๐  ๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐จ, ๐…๐€๐Š๐„ ๐๐„๐–๐’!

Ayon sa certification ng COMELEC, wala silang resolusyong inilabas na nagdidiskwalipika kay Mayor Kevin Anarna sa pagtakbo nilang Mayor ng Silang.

Walang katotohanan rin na hindi makakaupo si Mayor Kevin dahil taliwas ito sa mga Supreme Court Decision at DILG legal opinion na nagsasabi na hindi executory ang perpetual disqualification hanggat hindi final ang kaso.

Huwag po tayo magpapaniwala sa FAKE NEWS na ipinapakalat ng mga taong walang pag asa na manalo at umaasa nalang sa pagpapakalat ng fake news at pinekeng resolusyon ng COMELEC.

Ito mismo ang patunay na hindi tapat ang kanilang intensyon, at kung ngayon pa lang ay kaya na nilang magpakalat ng kasinungalingan, paano pa kaya kung sila na ang mamuno?

Supporting links:

1. https://www.inquirer.net/416365/fwd-poll-lawyer-questions-comelecs-rule-denying-cocs-of-dismissed-candidates-with-pending-appeal/
2.https://www.dilg.gov.ph/PDF_File/issuances/legal_opinions/dilg-legalopinions-2024729_dfdd3595a2.pdf
3. https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/1/55912
4. https://batas.org/2024/09/23/g-r-no-205033-june-18-2013-case-brief-digest/

COMELEC Chairman George Garciaโ€™s Interview with Teleradyo: https://www.facebook.com/61571184089450/videos/1895757844545426



07/05/2025
05/05/2025

๐๐€๐๐Ž๐Ž๐‘๐ˆ๐: ๐“๐„๐€๐Œ ๐‚๐€๐‘๐‘๐€๐๐™๐€-๐“๐Ž๐‹๐„๐ƒ๐Ž, ๐‡๐”๐‹๐ˆ-๐‚๐€๐Œ ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐“๐€๐‘๐€๐๐† ๐•๐Ž๐“๐„ ๐๐”๐˜๐ˆ๐๐†!

HULI SA AKTO ang Team Carranza-Toledo habang namimigay ng bigas sa gitna ng campaign period โ€” isang garapal at lantad na anyo ng vote buying! Ang insidente ay nakuhanan ng malinaw na video sa Brgy. Maguyam, kung saan sangkot pa ang dating kapitan ng Barangay Maguyam.

Hindi na nakapagtataka kung bakit desperado ang kampo nina Carranza at Toledo โ€” umaasa na lang sa bigas imbes na sa plataporma. Dahil sa kabastusang ito sa batas, nahaharap sa Diskwalipikasyon sa Commission on Elections (COMELEC) ang buong ticket nina Carranza, Toledo, at kanilang mga konsehal. Ang reklamo ay para sa disqualification base sa malinaw na paglabag sa Omnibus Election Code.

May insurance membership ka rin ba mula kay Mat Toledo? BAWAL YAN! ๐Ÿคฆ๐ŸปAyon sa COMELEC Resolution No. 11104, Sec. 26, ipin...
30/04/2025

May insurance membership ka rin ba mula kay Mat Toledo? BAWAL YAN! ๐Ÿคฆ๐Ÿป

Ayon sa COMELEC Resolution No. 11104, Sec. 26, ipinagbabawal ang pamimigay ng anumang premyo, serbisyo, benepisyo, o ๐ฆ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ sa gitna ng kampanya.

Ito ay itinuturing na vote buying sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Ang sinumang mapatunayang lumabag dito ay maaring patawan ng DISQUALIFICATION bilang kandidato.

Makikita rin sa insurance na ipinamimigay ni Mat Toledo na ang confirmation email at mga benepisyo ay galing sa โ€˜IMS POLITICAL ADSโ€™ email. Isang indikasyon na hindi totoo ang insurance at gagamitin lamang sa eleksyon.

๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—– ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐˜ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ผ๐˜„ ๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ!Alam mo na ba kung saan ka boboto sa darating na halalan?Hanapin ang iyong Polling P...
23/04/2025

๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—– ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐˜ ๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ผ๐˜„ ๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ!

Alam mo na ba kung saan ka boboto sa darating na halalan?

Hanapin ang iyong Polling Place para sa May 12, 2025 National and Local Elections gamit ang Precinct Finder sa https://precinctfinder.comelec.gov.ph.

Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon: ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜ฐ.



16/04/2025

CARRANZA, GINAYA AT NILAIT LAIT ANG AMA NI MAYOR KEVIN ANARNA NA ISANG PWD HABANG NAG SASALITA SA PUBLIKO!!!!!

Isang kahindik-hindik at kahiyahiyang asal ang ipinamalas ni Silang Mayoralty Candidate Ted Carranza sa gitna ng kanyang campaign speech sa Mcdo-Biga noong March 31, 2025.

Habang nagsasalita sa harap ng publiko, ginaya at nilait mismo ni Carranza ang isang Person with Disability (PWD) โ€” ang ama ni Mayor Kevin Anarna โ€” sa pamamagitan ng kilos ng kanyang mga braso na malinaw na nanunuya sa pisikal na kalagayan ng matanda.

Ang ganitong kilos ay hindi lamang bastos at imoral โ€” posibleng ito rin ay paglabag sa batas.

Ayon sa Republic Act No. 7277 o Magna Carta for Disabled Persons, partikular sa Section 39, โ€œany ridicule or vilification against a PWD is strictly prohibited and punishable by law.โ€

Maaari rin itong ituring na paglabag sa COMELEC Fair Election Act at COMELEC Resolution No. 11116, na nagtatakda ng responsibilidad ng mga kandidato na pairalin ang respeto, dignidad, at wastong pag-uugali sa panahon ng kampanya.

Hindi dapat gawing biro ang kapansanan ng sinuman โ€” lalo na mula sa isang taong nag-aambisyong mamuno sa Silang.

Kung ganyan kumilos si Ted Carranza bago pa man mahalal, paano pa kaya kung siya ang maupo sa puwesto?




Address

Silang
4118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Silang trends posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Silang trends:

Share

Category