KaTropa Mo

KaTropa Mo Think of today's memories

Celebrating the spirit of freedom, courage, and patriotism. Happy Philippine Independence Day! 🇵🇭
12/06/2026

Celebrating the spirit of freedom, courage, and patriotism. Happy Philippine Independence Day! 🇵🇭

12/06/2026
08/06/2026

Payout Schedule for:

✅ Pay and Allowances (June 13, 2026)
✅ PNP & INP Pension (June 16, 2026)
✅ Medal of Valor Benefits (June 16, 2026)
✅ Salary Assignment (June 20, 2026)
✅ Pay and Allowances (June 28, 2026)

06/06/2026

Ganito sana

06/06/2026

PNP, NAGBIGAY NG NGITI AT PAG-ASA SA MGA BATANG ATI SA AKLAN

Muling pinatunayan ng Philippine National Police (PNP) na higit pa sa pagpapatupad ng batas ang papel nito sa komunidad matapos maghatid ng tulong at malasakit sa mga batang Ati sa bayan ng Malay, Aklan.

Sa pangunguna ng Malay Municipal Police Station sa ilalim ng Police Regional Office 6 (PRO6), nagsagawa ng outreach activity para sa mga batang kabilang sa komunidad ng mga katutubo sa Barangay Cogon at Boracay Island. Kabilang sa isinagawang programa ang pamamahagi ng school supplies at feeding activity bilang paghahanda ng mga mag-aaral para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan, mga community partners, at iba pang stakeholders, nabigyan ng mahahalagang kagamitan sa pag-aaral ang mga batang Ati upang mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang edukasyon. Nagkaroon din ng feeding program at pamamahagi ng pagkain bilang karagdagang suporta sa kanilang kapakanan.

Ayon kay Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., mahalagang bahagi ng serbisyo ng kapulisan ang pag-abot sa mga komunidad na nangangailangan ng tulong at suporta.

"Ang tunay na sukatan ng serbisyo publiko ay hindi lamang makikita sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kundi pati sa kakayahan nating magbigay ng malasakit sa ating mga kababayan, lalo na sa mga kabataan at mga katutubong komunidad. Sa simpleng pagtulong, naipapakita natin na ang PNP ay katuwang ng mamamayan sa pagbuo ng mas maayos na kinabukasan," ani PGen Nartatez.

Dagdag pa niya, "Kapag nakikita ng mga bata na may mga institusyong handang umalalay sa kanila, mas napapalakas ang kanilang pag-asa at determinasyong magtagumpay sa buhay. Ito ang uri ng serbisyong nais nating maipadama sa bawat komunidad."

Patuloy na isinusulong ng PNP ang mga programang naglalapit sa kapulisan at mamamayan, lalo na sa mga sektor na nangangailangan ng higit na atensyon at suporta. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng organisasyon na gawing mas makatao, inklusibo, at makabuluhan ang serbisyo publiko sa ilalim ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

Address

Cavite
Silang
4118

Telephone

+639982653155

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KaTropa Mo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share