15/06/2025
BASAHIN: Ang Pagbagsak ng Eroplano ng Air India
Para sa iba, isa lang itong karaniwang balita.
Pero para sa akin, isa itong malalim na paalala kung gaano kahina, kabilis, at hindi inaasahan ang buhay.
Apat na buhay. Apat na kwento. Apat na aral—na yumanig sa aking pananaw tungkol sa oras, layunin, at biyaya ng bawat sandali.
Una:
Isang pamilyang matagal nang nangangarap makalipat sa UK. Paulit-ulit silang nahadlangan—dahil sa responsibilidad, mga aberya, at mahihirap na desisyon.
Sa wakas, nakasakay rin sila sa eroplano… pero hindi na sila nakarating.
At doon ko naisip:
Ang dami nating “balang araw.”
Pero kapag lagi natin itong ipinagpapaliban,
ang “balang araw” ay nagiging “wala na lang.”
Ikalawa:
Isang babae na dapat sana’y kasama sa biyahe.
Na-late. Hindi naka-check in. Paulit-ulit na nakiusap—pero tinanggihan.
Umiiyak sa inis, pakiramdam niya’y pinarusahan siya.
Hanggang sa nalaman niyang ang eroplanong iyon… ay bumagsak.
Minsan, ang pagka-delay ay hindi kamalasan—kundi proteksyon.
Hindi palaging “oo” ang sagot ng Diyos,
dahil may nakikita Siya na hindi natin kayang makita.
At minsan, ang “hindi” Niya… ang dahilan kung bakit tayo buhay pa.
Ikatlo:
Isang lalaking nakaligtas. Nahati sa dalawa ang eroplano, at siya’y napunta sa bahagi na hindi nasunog.
Nanginginig. Gulat. Pero buhay.
Hindi ito basta swerte.
Ito’y layunin.
Naalala ko ang talatang ito:
“May panahon para sa lahat ng bagay, at oras para sa bawat gawain sa ilalim ng langit.” – Eclesiastes 3:1
Hindi pa niya oras.
Ikaapat:
Yaong mga hindi na nakauwi.
May mga pangarap. May pamilya. May mga kwentong hindi na natapos.
Isang huling halik noong umaga—na hindi nila alam, huli na pala.
Isang paalala:
Walang kasiguraduhan ang buhay.
Walang garantiya na tatanda tayo.
Walang katiyakan na may "mamaya."
Ang meron lang tayo ay ang ngayon.
Isang hininga. Isang tibok. Isang pagkakataon.
Kaya habang may ngayon ka pa—
Habang humihinga ka pa, malakas ka pa, may kakayahan ka pa—
Huwag mo itong sayangin.
Huwag mo nang hintayin ang “perpektong panahon.”
Magmahal ka ngayon.
Humingi ng tawad ngayon.
Magpatawad ngayon.
Mangarap ngayon.
Magsalita ngayon.
Dahil ang buhay… hindi palaging may babala.
At minsan… ang “susunod na pagkakataon” ay hindi na dumarating.
CTTO