Spoken word poetry/Nakaka luhang Tula

Spoken word poetry/Nakaka luhang Tula Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Spoken word poetry/Nakaka luhang Tula, Publisher, Silang cavite, Silang.

26/04/2025

"SALAMIN"

Una palang kitang nakita
Ako'y nabighani na
Sa iyong salamin na tumutulong palinawin ang iyong mata
Nguni't akoy nag tataka
Bakit di mo makita ang aking halaga?
Bakit di mo makita ang taong sayo'y may nadarama?
May nagagawa ba talaga ang salamin na iyong dala dala?

Sabe nila na ako'y dapat tumigil na
Sapagkat ako'y nag mumukha ng tanga
Na humahabol sa isang taong wala nam akong pagasa
Umaasa sa isang pangarap na hinahangad na matamasa
Ang pangarap na ika'y makasama

Bawat araw na ika'y nakikita
Ang mga lihim na sulyap, at patagong mga ngiti ang aking nakukuha
Ako'y dimo papansinin,
Tuwing ikay susubukan na kausapin

Bakit di mo makita na ako't nag hihirap na?
Bakit dimo makita ang sakit na nadarama?
Tuwing titignan molang ang aking mensahe,
At di kana rin mag sasalita pa
Pasensya na, ako ba'y makulit na?

Wag ka magalala, isang araw ako'y titigil na
At hindi ko na masasabing mahal kita
Ang masasambit ko nalang ay MINAHAL lang naman kita
Kaya pasensya na kung ayaw muna
Wag ka mangangamba
Lilinawin ko narin ang aking mata
Upang aking makita na ako'y umaasa nalang sa wala
Sa isang imahinasyon na dulot ng akong nadarama

Ako'y nabubuhay sa isang panaginip
Kung saan aking iniisip
Na mahal morin ako katulad ng pagmamahal ko sayo
Ngunit pasensya na
Kailangan ko nang gumising
Kaya paalala lang wag na wag mo sana
Isipin na ang aking nadarama
Ay hindi mawawala
Ng tila parang isang bula

Sapagkat isang araw
Ika'y magigising nalang at makikita mo
Ang iyong nawala
Ang kaisa-isang taong naniniwala
Na isang araw ika'y makukuha

Kaya aking ipapamukha
Sa iyo ang iyong mawawala
Kaya linisin mo ang iyong salamin
Upang iyong makita na
Aking damdamin
Na hindi parang gripo na dadaloy
Ng patuloy-tuloy
Paalam aking sinta
Ako'y gigising na
Mula sa aking pantasya

31/03/2025

"INSPIRATION"

Yung maamo mung mukha,
Yung maganda at
Nagniningning mong mata,
Yung tawa muNg
Nakakarindi sa tenga,
Pero parang isang
Magandang musika,
Iyon ang mga dahilan
Kung bakit gusto kita,
Mandalas masungit ka pero
Pag akin ng nakita,
Ang ngiti mo na minsan mo
Lang ipakita sa iba,
Para na akong Nsa langit sinta,
Yung singkit mong mata
At yung labi mung maganda,
Walang duda nkakaakit talaga,
Idagdag pa yung mahaba
Mung pilik mata,
Grabe tao ka pa ba?
Kase parang sobrang
Perpekto muna,
Matalino ka tapos talentado pa
Kaya Hindi ka taka taka kung sayo'y maraming humanga,
At isa sa iyong taga hanga,
Ay ang sumulat nitong tula,
At oo walang duda ikaw ang
Paksa nang aking pyesang ginawa..

Address

Silang Cavite
Silang
4811

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spoken word poetry/Nakaka luhang Tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category