23/08/2022
GOITER o BOSYO Ang goiter ay hindi pangkaraniwang sakit. Ganoon pa man, marami na ang may ganitong karamadamn. Subalit hindi lahat ng may sakit na ganito at pamilyar na sa salitang ‘goiter’ ay alam na ang lahat-lahat tungkol dito. Maging ang lunas dito ay hindi alam ng nakararami. Hindi lamang gamot na iniinom at operasyon ang maaaring makapagpagaling sa sakit na ito. Mayroon ding halamang gamot sa goiter na tunay na mabisa.
Ang goiter ay isang karamdamang nagreresulta sa pamamaga ng thyroid gland.Ito ay hugis-paru-paro na nasa may bandang lalamunan. Dahil mayroong pamamaga, lumalaki ang leeg ngisang tao at maaari siyang makaramdam ng hirap sa paglunok at paghinga. Naninikip ang kaniyang lalamunan. Ang karamdaman na ito ay puwede namang mawala sa loob lamang ng isang linggo.
Gayun pa man, kahit pa maaarang tumagal ng isang linggo lamang ang goiter, puwede rin naman itong maging sintomas ng isang malalang sakit. Kaya naman importanteng malaman ang mga paraan kung paano mapagaling ang goiter. Mainam ding magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin para makaiwas sa naturang sakit. Higit sa lahat, para sa pinaka-ligas na pamamaraan, pinakamabuting ma-diskubre ang pinaka-mabisang halamang gamot sa goiter.
Ang thyroid gland ng tao ay gumagawa ng thyroid hormones na kailangan ng katawan. Ang tao ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang klase ng goiter o bosyo depende kung mayroong mga sintomas na dala ng sobra (o kulang) sa paggawa ng thyroid hormones ; at kung ang paglaki nito ay may bukol (o wala). Kung sobrang thyroid hormones ang ginagawa, ang tawag dito ay “hyperthyroidism”, at kung kulang naman ay “hypothyroidism”.
Sa pagkakaroon ng goiter , patuloy pa ring nagtatrabaho ang thyroid gland ng tao – maaaring sapat pa rin ang dami ng nailalabas nitong hormones nguni’t kapos o labis sa nagagawang thyroxine at triiodotyronine. Ang dalawang hormones na ito ay umaagos sa daluyan ng dugo at mahalagang kasangkapan sa pagregula ng metabolism ng katawan. Kailangan din sila upang mapanatiling wasto ang paggamit ng katawan ng fats at carbohydrates. Nasa tama ang temperature ng katawan, at normal ang pagtibok ng puso. Maliban dito, may iba pang maaaring dahilan sa pagkakaroon ng goiter ng isang tao.
Posibleng maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito. Mahalaga ang pagkakaroon ng nga sapat na nutrient sa ating katawan na siya namang makukuha sa ating mga kinakain. Kabilang sa mga nutrients na magandang panlaban sa sakit na goiter ay ang iodine, tyrosine, at antioxidants. Napatunayan na ng mga pag-aaral na ang pangunahing sanhi ng goiter sa mga indibidwal ay ang kakulangan ng iodine sa katawan. Ito ay epekto ng overproduction o di naman kaya ay underproduction ng thyroid hormones na pino-produce ng thyroid glands.
🔹Maging alerto sa mga posibleng maging senyales ng goiter:
- Paglaki ng leeg
- Pagsikip ng lalamunan
- Hirap sa paghinga
- Hirap sa paglunok
- Pag-ubo
- Pamamaos
Mahalagang tandaan na ang mga senyales na nabanggit rito ay ilan lamang sa mga common na signs ng goiter. Makabubuti pa rin ang regular na pag-konsulta sa doktor o di naman kaya ay sa isang endocronologist para sa mas accurate na payo. Ganunpaman, mahalaga na malaman natin kung ano nga ba talaga ang nagiging sanhi ng kondisyon na ito.
🔹Maraming bagay na nagre-resulta sa paglaki ng thyroid gland at narito ang mga pinaka-common:
▪Kakulangan sa Iodine o Iodine Deficiency
Malaki ang papel ng iodine sa production ng thyroid hormones sa ating katawan. Kadalasan ay ang mga seafood gaya ng shell, isda, at maging asin ang source nito. Dapat maging alerto sa hormone-inhibiting food gaya ng repolyo, brocolli, at cauliflower ang mga mayroong iodine deficiency.
▪Pagbubuntis
Ang mga inang nagbubuntis ay kinakikitaan ng paglaki ng leeg dahil sa panahong ito ay bumubuo ang kanilang katawan ng human chorionic gonadotropin o HCG, isang hormone na bahagyang pinapalaki ang thyroid gland.
▪Graves’ Disease
Minsan ang goiter ay resulta rin ng labis na pag-produce ng ating thyroid glands ng thyroid hormones. Kilala rin ito bilang hyperthyroidism. Inaatake ng immune system ang labis na thyroid hormones at ang overstimulation na ito ang nagreresulta sa pamamaga ng thyroid.
▪Hashimoto’s Disease
Gaya ng Graves’ Disease, ito rin ay isang autoimmune disorder ngunit kabaligtaran naman ang nangyayari dito. Halip na sobrang thyroid hormone ang napo-produce ay kulang na thyroid hormones naman ang nagagawa ng mga mayroong Hashimoto’s Disease. Ang overstimulation naman ng thyroid gland mula sa pituitary gland ang nagreresulta sa paglaki ng thyroid.
▪Inflammation
Ang pamamaga ng thyroid ay kilala bilang thyroiditis. Sakit at paglaki ang mga epekto nito sa bahaging ito ng katawan. Resulta naman ito ng over o underproduction ng thyroxine.
Kahit sino ay at risk maka-develop ng goiter. Mas mataas ang tiyansa na magkaroon nito ang mga babae, nagbubuntis, may medical history ng thyroid problem, o di naman kaya ay may iodine deficiency.
🔹SINTOMAS
▪Ang pinaka-mapapansin na sintomas ay ang pagkakaroon ng bukol sa babang parte ng leeg.
▪Kung Hyperthyroidism (isang sakit kung saan sobra ang produksiyon ng thyroid hormone), maaari kang magkaroon ng pagbabawas ng timbang, mataas na heart rate, mataas na blood pressure, kakaibang pagne-nerbiyos, pagtatae, panghihina ng kalamnan, at panginginig ng kamay.
▪Kung Hypothyroidism (isang sakit kung saan kulang ang produksiyon ng thyroid hormone), maaari kang makaramdam ng pananamlay, mabagal na paggalaw o pag-iisip, depression, mababang heart rate, lamigin, hirap sa pagdudumi, mabilis ng pag-akyat ng timbang, at pangingirot o pamamanhid ng pakiramdam sa kamay.
🔹Mga sanhi ng goiter
Bago pa diskubrehin ang halamang gamot sa goiter, dapat munang malamang na ang goiter ay may iba’t-ibang uri. Isa ito sa mga klasipikasyon ng mga sakit na nagdudulot ng pamamaga ng leeg at pamamaga ng thyroid gland. Para maiwasan ang pagkakaroon nito, importanteng malaman ang mga nagiging sanhi ng goiter. Mahalaga ring alam ng isang tao ang paraan ng pag-iwas sa mga sanhing ito. Heto ang ilan sa mga sanhi:
▪Thyroiditis
▪Kakulangan sa iodine
▪Sakit na Grave’s disease
▪Namuong maliliit na bukol o nodules sa thyroid
▪Sakit na Hashimot’s Disease
▪Kanser sa thyroid
Kung mada-diagnose na ikaw ay may sakit na goiter, siguraduhing hind ka na magda-dalawang isip pang kumonsulta sa doktor. Alamin mo na ang klase ng goiter na mayroon ka. Sa anitong paraan, mas mareresetahan ka ng angkop na gamot o operasyon sa iyong sakit. Bibigyan ka rin ng payo ng iyong doktor kung ano ang puwede mong baguhin o idadagdag sa iyong lifestyle.
Maari mo ring maging option ang pagtitiwala sa natural medication. Sa mga susunod na bahagi ng artikulong ito, matutunan mo ang paggamit ng halamang gamot sa goiter. Ngunit bago iyan, dapat mo munang malaman ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin ng isang taong may goiter. Kung sakali namang wala kang ganitong karamdaman ngunit kinakabahan ka na baka ka magkaroon nito, makakatulong sa iyo ang mga tips dito.
🔹Mga dapat at hindi dapat gawin ng taong may goiter
1️⃣Hindi lahat ng gulay ay puwedeng kainin nang marami ng taong may goiter. Ang mga gulay na tinatawag na ‘cruciferous vegetables’ gaya ng broccoli, cauliflower, repolyo, labanos, bok choi at soya ay may taglay na goiterogens na kabilang sa mga nagiging sanhi ng nasabing sakit. Pero huwag mag-alala kung kumakain ng (o isa sa) mga ito. Mas matimba pa rin naman ang mga makukuhang benepisyo mula sa mga gulay na ito. Kailangan lamang na limitahan lamang ang pagkai at huwa naman totally tanggalin sa mga kinakain ang mga ganitong klaseng gulay.
2️⃣Kumonsumo ng pagkaing rich in iodine. Ang sangkap na ito ay nagbibigay panganalaga o proteksiyon sa thyroid gland at epektibong pangontra sa sakit na goiter. Nabanggit na sa artikulong ito na ang kakulangan sa iodine ay isa sa mga pangunahing sanhi ng goiter kay aka kailangang kumonsumo ng mas marami nito. Mabisang halamang gamot ang mga halamang dagat gaya ng kelp at seeweed para sa goiter. Ang isda, maging ang iba pang lamang-dagat gaya ng talangka, hipon at shellfish ay mga mabisa ring pangontra sa goiter. Maging ang mani, pasas at gatas ay nagtataglay ng sangkap na iodine kaya’t mainam ding isama ito sa madalas na kainin at inumin.
3️⃣Makabubuti ang mga pagkaing sagana sa tyrosine. Ano-ano ang mga it? Ito ay iyung mga pagkaing rich in fiber katulad ng wheat, mani, soya at iba’t-ibang soya products. Ang buto ng kalabasa, saging at almond nuts ay sagana rin sa tyrosine. Maging sa mga pagkaing mayaman sa protein katulad ng karne ng baka, itlog at isda, ay may taglay na tyrosine. Perfect example ng tyrosine-rich na pagkain ang salmon. Hind lang ito sagana sa tyrosine, kundi pati sa Omega-3 na nangangalaga sa thyroid gland ng isang tao. Tumutulong din an salmon sa pagtatanggal ng bad cholesterol sa katawan.
4️⃣Damihan pa ang pagkonsumo ng pagkain, inumin at supplements na may Vitamin C at antioxidants. Napakaraming benepisyong makukuha ng ating katawan mula sa Vitamin C. Ganoon din naman sa antioxidant o mga iba pang sustansyang nakatutulong para makaiwas sa damage sa cel gaya ng lycopene, beta carotene, Vitamin E at Vitamin A. Halimbawa ng mga halamang gamot sa goiter na sagana rin sa mga naturang bitamina at antioxidants ang kiwi, bayabas, mangga, pinya at mga citrus fruits.
🔹Mga halamang gamot sa goiter
Para sa maraming Pilipino, kahit pa anong sakit ang dumapo sa katawan, pinaka-mabisa pa rin ang alternative o herbal na panglunas. Halimbawa na lamang sa sakit na ito, marami pa rin ang naniniwala at nagtitiwala sa halamang gamot sa goiter. Ang mga alternatibong medisinang ito ay maiko-konsiderang halamang gamot dahil sa mga pinagmulan ng mga ito o sangkap kung saan at paano ginawa.
✔Apple Cider Vinegar
Ito ay may mababang acid content kaya ito ay lubos na makatutulong sa PH balance ng katawan. Ang natural remedy na ito ay tumutulong din para tumaas ang iodine absorption ng katawan kaya talagang makakaiwas sa goiter.
✔Seaweed o Kelp
Karaniwang itong natatagpuan sa dagat. May angking yaman sa calcium, potassium at magnesium kaya ito ay nakatutulong ng mabuti para mabawasan ang tsansa ng pagkakasakit sa goiter. Ang seaweed o kelp ay puwedeng ihalo sa pagkain o gawing salad na may halong sibuyas at kamatis.
✔Tsaa o grean tea
Ang inuming ito ay may antioxidants na tumutulong na maging mas malusog ang thyroid gland. Mas nagiging mabisa ito kapag iniinom ng 2 beses kada araw.
✔Bawang
Ito ay may kapasidad na magpalakas ng lebel ng glutathione sa katawan ng isang tao na kinakailangan upang maging mas malusog ang kaniyang thyroid gland. Napakabisa rin ng bawang para mabawasan ang pamamaga sa leeg. Ito ay mabisang halamang gamot sa thyroid lalo na kapag ngumuya ng hanggang 3 piraso tuwing umaga. May mga garlic supplements nang maaaring inumin araw-araw para makatulong sa pagpapalusog ng thyroid gland.
Ganunpaman, wala namang dapat ikabahala dahil posible itong maiwasan at isa sa mga pinakasimplent paraan ang ay sa pamamagitan ng ating diet. Narito ang ilang klase ng pagkain na dapat isama sa menu upang bumaba ang risk ng pagkakaroon ng goiter:
✔Kumain ng Mga Pagkaing Mataas ang Iodine
Mahalagang tandaan na mabisang panlaban sa goiter ang iodine. Ito rin ang dahilan kung bakit prone sa pagkakaroon ng goiter ang mga may iodine deficiency. Sa diet nating mga Pilipino ay sagana na tayo sa iodine. Ang mga pinagkukunan nito ay mga lamang dagat, isda, at seaweed.
✔Mataas rin ang iodine content ng mga mani at gatas. Importanteng tandaan na dapat huwag sobrahan ang pag-konsumo ng iodine dahil baka magresulta rin ito sa pagkakaroon ng komplikasyon sa katawan.
✔Kumain ng Pagkaing Sagana sa Tyrosine
Ang tyrosine ay isang amino acid na tumutulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng thyroid gland. Ang mga pagkaing gaya ng mani, soya, at gatas ay kakikitaan ng micronutrient na ito. Makakain rin ito sa mga protein-rich food gaya ng isda, karne, at gatas.
✔Dagdagan ang konsumo ng mga pagkaing mataas ang antioxidants at Vitamin C
Maraming mabuting epekto sa ating katawan ang Vitamin C at isa na riyan ang pagprotekta sa ating thyroid gland. Samantalang ang antioxidants naman ay tumutulong sa paglaban ng ating katawan sa mga free radicals na duma-damage sa ating mga healthy cells. Ang mga prutas gaya ng mansanas at oranges ay mayaman saa Vitamin C!
Ngayong sapat na ang ating kaalaman tungkol sa goiter, simulan na nating dagdagan ang pag-konsumo ng iodine-rich food sa ating diet. Ang goiter-free lifestyle ang best way to start the year!