20/10/2025
👀Nasa Germany ang jeepney ng Pilipinas bilang simbolo ng kulturang Pinoy para sa Frankfurt Book Fair 2025.
Ang jeepney ng Pilipinas na makikita ngayon sa Germany ay bahagi ng cultural project ng Pilipinas bilang Guest of Honour sa Frankfurt Book Fair 2025 (Frankfurter Buchmesse) — ang pinakamalaking book fair sa buong mundo.Tinawag ang proyekto na “Jeepney Journey”, at inilunsad ito sa Roßmarkt Square, Frankfurt am Main. Ang tunay na jeepney na dinala mula sa Pilipinas ay nagsisilbing mobile art space at cultural symbol para ipakita sa mga Aleman at sa buong mundo ang kultura, sining, at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.