16/08/2026
"FRIED RICE"
First timer ako dito sa hk 2 months pa lang sa amo. Nag organise ng playdate si amo 3 mga bata kasama mga nanay nila ang inimbita. Dito sila kumain ng lunch kaya naman isang malaking kawali ng sinangag ang niluto ko kasama dalawang alaga ko sa pagkain. Ung fried rice mamasa masa kasi ung sahog na chinese cabbage at zucchini ay nagtutubig. Kaya nagdidikit dikit ang rice hindi siya katulad ng fried rice sa restaurant na naghihiwa hiwalay ang rice. Sa tatlong mommies na bisita at 3 bata ung fried rice lang ang handa namin para sa lunch nila. Ganun ba talaga dito parang ako ung nahihiya na wala manlang hinandang iba si amo yung dilat na fried rice lang talaga para sa mag iinang bisita😔