
01/08/2025
"Ina: Ang Pinak**asakit, Pinak**agandang Papel"
Ang pagiging ina, ay ang sinadyang pagkapira-piraso ng sariling puso
para lang buuin ang wasak na damdamin ng anak.
Kahit paulit-ulit masaktan, kahit hindi maintindihan,
pipilitin niyang ngumiti dahil sa'yo.
Siya ‘yung mag-aayos ng buhok mo kahit pagod,
‘yung babalik sa bahay para kunin ang paborito mong laruan
kahit alam niyang male-late na siya.
Siya ‘yung huhugot ng balahibo sa sarili niyang pakpak
para lang mailagay sa iyo nang sa gayon,
makalipad ka nang mas mataas kaysa sa kaya niya.
Gamit ang huling lakas sa dulo ng isang mahabang araw,
pupunasan niya ang luha sa pisngi mong maliit.
Tahimik siyang luluha kapag natutulog ka na,
pero bukas, lalaban ulit para sa’yo.
Ang isang ina,
ang unang makakakita ng ganda mo kahit sirang-sira ka na.
Siya ang magpapaniwala sa’yo na karapat-dapat ka sa pinak**ainam,
at kahit hindi niya kaya, ibibigay pa rin niya.
Ang pagiging ina, ay pagyakap sa katotohanang
madalas kang nag-iisa sa laban.
Saka mo lang maiintindihan
kung bakit galit si madrasta ni Cinderella,
kung bakit laging malamig ang lugaw ni Mama Bear.
Bakit si Snow White ay nag-iisa sa gubat,
at bakit may sakit si Lola ni Little Red Riding Hood.
Dahil sa totoong buhay,
masyado talagang mahaba ang mga araw ng pagiging ina,
at masyado ring maikli ang mga taon.
Kaya madalas, malamig ang pagkain ng isang ina.
Laging nauuna ang iba bago siya.
Laging nauuna ang “para sa anak ko.”
Pero may liwanag kahit sa pinak**adilim na ulap.
At sa mga araw na halos mawala ka na sa sarili mo,
doon mo makikita ang gintong sinag na sapat para bumangon ka ulit.
Ang halaga ng pagiging ina,
matatagpuan sa halakhak ng anak mong parang musika
na parang agos ng tubig sa ilog,
banayad, totoo, at buhay.
Makikita mo ito sa isang yakap, sa maliit na tinig na nagsasabing:
"Ma, I love you..."
at ramdam mong galing ito sa pinakapuso ng puso nila.
Saka mo lang tunay na mauunawaan
ang lalim ng panalangin ng isang ina,
kapag ikaw na mismo ang lumuhod bilang isa.
Dahil ang titulo ng “Ina”
ay kayang maghatid ng pinak**asarap na ligaya
at pinak**alalim na sakit.
Pero sa lahat ng maari mong maranasan sa mundong ito,
ang magmahal ng isang Ina at maging isang Ina
ang pinak**ataas na biyayang maari mong matanggap.
ARMY WIFE Probinsyanang OFW