23/07/2024
MEETING YOU, MY ENGINEER.
I have a boyfriend named Van Axl Smith.
Well, we're in a relationship for almost two years already and to tell you honestly, he's not just my boyfriend, he's also my best friend, my human diary, my food buddy and my knight in shining armor.
I know that we're too young, pero wala na akong ibang gustong makasama sa pagtanda kung hindi siya.
“Love? Next year college na tayo, so anong balak mong kuning course?” I asked.
He smiled. “Engineering love,” he answered.
“So, itutuloy mo pala 'yong propesyon na gusto ni tito, don't worry love, I'm still here to support you.”
“Thank you, love. Pero, ikaw? Itutuloy mo ba 'yong plano mo?”
Alam ko kung anong ibig niyang sabihin.
“Oo love, mag do-doctor ako. Okay lang naman 'yon sa 'yo hindi ba?”
Isa lang kasi ang ibig sabihin nito, na kapag pinili ko ang dream profession ko ay magkakalayo kami.
“Pero love, paano ako? Iiwan mo talaga ako? Hindi ba p'wedeng dito ka na lang? Maraming choices pa naman 'yong nandito eh,” sambit nito at mahahalata mo ang lungkot sa boses niya.
“Pero love? 'Yon ang gusto ko at alam mong 'yon ang pangarap ko. Uuwi rin naman ako rito, bibisitahin kita o 'di kaya ako 'yong bisitahin mo.”
Hindi naman 'to umimik pa, 'di naman ako selfish 'di ba? Gusto ko lang matupad 'yong pangarap ko, hindi lang naman 'to para sa akin, para rin ito sa amin, para sa future naming dalawa.
“Van Axl Smith, I promise that no matter what happen, I'm still yours. 'Di ako maghahanap ng iba kasi ikaw lang 'yong gusto kong makasama habang buhay, at 'yan ang pangako ko sa 'yo.”
“Promise?” nakangiti na nitong tanong.
Nagtatampo 'yong boyfriend ko, ang cute niya talaga.
“Yes po, I love you.” And I hugged him so tight.
'Di na mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi, damn I really love this man.
“I love you more, Trishia Dela Paz Smith,” he said, as he hugged me back.
'Di ko naman maiwasang 'di mapangiti, alam niya talaga kung paano ako pakiligin kahit sa simpleng paraan.
“Para ka talagang sira,”