
22/03/2025
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan!
Kudooosss, AFONHIANS!!!!
Project Gabay Sisonians: Aksyon para sa Kinabukasan✨
"Pitong Sabado. Isang Layunin. Dalawampu’t Walong Pangarap."
Sa loob ng pitong Sabado, mula Pebrero 1 hanggang Marso 21, 2024, hindi lang tayo nag-aral—nagsikap tayo, lumaban, at pinatunayan nating kaya natin! 💪📚
Sa bawat pahina ng reviewers, sa bawat tanong at diskusyon, hindi lang talino ang hinasa kundi pati pangarap at determinasyon. Naging tahanan ang bawat session para sa pagkatuto, pagkakaibigan, at pangarap.
Sa dalawampu't walong mag-aaral mula ikalabing-dalawang baitang ng Alejandro F. Oligan National High School, kayo ang buhay na patunay na ang pagsisikap ay may kaakibat na tagumpay.
Mula sa puso ng AFONHS Supreme Secondary Learner Government, isang taos-pusong pasasalamat sa Local Government Unit ng Sison sa pagkilala sa halaga ng edukasyon at pagbibigay ng ganitong pambihirang oportunidad sa mga kabataan. Salamat sa pagbibigay ng patunay na ang edukasyon ay isang puhunan para sa mas magandang kinabukasan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga taong walang sawang sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito:
Sa aming Honorary Chairman, Hon. Danilo C. Uy, maraming maraming salamat po sa inyong malasakit at walang sawang pagsuporta sa edukasyon ng kabataan.
Sa aming Project Adviser, Ma’am Myrna Bell C. Uy, salamat po sa inyong paggabay upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Sa aming Consultants—Eliza O. Rosino, PhD., Maria Cristina D. Padilla, PhD., Gina B. Sevidal, PhD., at Pearly Jean C. Dela Cruz, PhD.—marami pong salamat sa inyong mahalagang ambag sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag-aaral.
Sa aming Project Proponents—Mark Jaybee S. Biano, Gilberto T. Biano, Jr., Cecilia S. Lalata, PhD., at Jonaliza B. Lim—maraming salamat po sa inyong dedikasyon at walang sawang pagsuporta sa programang ito mula umpisa hanggang dulo.
At higit sa lahat, isang taus-pusong pasasalamat sa mga magulang at guardian na gumabay, umalalay, at sumuporta sa kanila mula simula. Kayo ang tunay na bayani sa likod ng kanilang pagsisikap.
Sa bawat estudyanteng nakilahok sa Project Gabay—ito na ang simula ng iyong tagumpay. Ipagpatuloy ang sipag, pananalig, at dedikasyon. Ang pangarap mo, abot-kamay mo na!
Muli, sa ngalan AFONHS SSLG, isang pangakong ito ay hindi magiging huli.
Hangga’t may mga kabataang nangangarap, hangga’t may mga gurong handang umagapay, at hangga’t may mga pusong naniniwala sa edukasyon bilang pag-asa—hindi tayo titigil sa paghahakbang patungo sa mas maliwanag na bukas. 💙💡
✍️: Jasmine M. Serran (SSLG President)
🎨: Jasmine M. Serran (SSLG President)