22/03/2025
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan!
Kudooosss, AFONHIANS!!!!
Project Gabay Sisonians: Aksyon para sa Kinabukasanโจ
"Pitong Sabado. Isang Layunin. Dalawampuโt Walong Pangarap."
Sa loob ng pitong Sabado, mula Pebrero 1 hanggang Marso 21, 2024, hindi lang tayo nag-aralโnagsikap tayo, lumaban, at pinatunayan nating kaya natin! ๐ช๐
Sa bawat pahina ng reviewers, sa bawat tanong at diskusyon, hindi lang talino ang hinasa kundi pati pangarap at determinasyon. Naging tahanan ang bawat session para sa pagkatuto, pagkakaibigan, at pangarap.
Sa dalawampu't walong mag-aaral mula ikalabing-dalawang baitang ng Alejandro F. Oligan National High School, kayo ang buhay na patunay na ang pagsisikap ay may kaakibat na tagumpay.
Mula sa puso ng AFONHS Supreme Secondary Learner Government, isang taos-pusong pasasalamat sa Local Government Unit ng Sison sa pagkilala sa halaga ng edukasyon at pagbibigay ng ganitong pambihirang oportunidad sa mga kabataan. Salamat sa pagbibigay ng patunay na ang edukasyon ay isang puhunan para sa mas magandang kinabukasan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga taong walang sawang sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito:
Sa aming Honorary Chairman, Hon. Danilo C. Uy, maraming maraming salamat po sa inyong malasakit at walang sawang pagsuporta sa edukasyon ng kabataan.
Sa aming Project Adviser, Maโam Myrna Bell C. Uy, salamat po sa inyong paggabay upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Sa aming ConsultantsโEliza O. Rosino, PhD., Maria Cristina D. Padilla, PhD., Gina B. Sevidal, PhD., at Pearly Jean C. Dela Cruz, PhD.โmarami pong salamat sa inyong mahalagang ambag sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag-aaral.
Sa aming Project ProponentsโMark Jaybee S. Biano, Gilberto T. Biano, Jr., Cecilia S. Lalata, PhD., at Jonaliza B. Limโmaraming salamat po sa inyong dedikasyon at walang sawang pagsuporta sa programang ito mula umpisa hanggang dulo.
At higit sa lahat, isang taus-pusong pasasalamat sa mga magulang at guardian na gumabay, umalalay, at sumuporta sa kanila mula simula. Kayo ang tunay na bayani sa likod ng kanilang pagsisikap.
Sa bawat estudyanteng nakilahok sa Project Gabayโito na ang simula ng iyong tagumpay. Ipagpatuloy ang sipag, pananalig, at dedikasyon. Ang pangarap mo, abot-kamay mo na!
Muli, sa ngalan AFONHS SSLG, isang pangakong ito ay hindi magiging huli.
Hanggaโt may mga kabataang nangangarap, hanggaโt may mga gurong handang umagapay, at hanggaโt may mga pusong naniniwala sa edukasyon bilang pag-asaโhindi tayo titigil sa paghahakbang patungo sa mas maliwanag na bukas. ๐๐ก
โ๏ธ: Jasmine M. Serran (SSLG President)
๐จ: Jasmine M. Serran (SSLG President)