HFP- Holy Family Parish, Socorro

HFP- Holy Family Parish, Socorro Parish Activities, Masses and other reminders/ announcement will be posted here

15/07/2025

๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“
๐Œ๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐

๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ง๐๐จ๐ค ๐ง๐  ๐‚๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ง

๐’๐ข๐ฆ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ‘: ๐Ÿ๐Ÿ”-๐Ÿ,๐Ÿ‘-๐Ÿ’,๐Ÿ”-๐Ÿ•๐Ÿ

๐ด๐‘›๐‘” ๐‘Ž๐‘ก๐‘–๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘Žโ„Ž๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘–๐‘›๐‘” ๐ท๐‘–๐‘ฆ๐‘œ๐‘  ๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘Ž๐‘”๐‘š๐‘Ž๐‘š๐‘Ž๐‘”๐‘Ž๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘™๐‘œ๐‘œ๐‘

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š: ๐„๐ฑ ๐Ÿ‘:๐Ÿ-๐Ÿ”/๐Ÿ—-๐Ÿ๐Ÿ

๐„๐›๐š๐ง๐ ๐ก๐ž๐ฅ๐ฒ๐จ: ๐Œ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ:๐Ÿ๐Ÿ“-๐Ÿ๐Ÿ•

Nagsalita si Jesus sa pagkakataong iyon: "Pinupuri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang ikinasiya mo.

Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang gustuhing pagbunyagan ng Anak.

๐๐€๐†๐๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐˜

"Huwag kang lalapit; hubarin mo ang iyong mga sandalyas sapagkat ang lugar na kinatatayuan mo ay banal na lupa" (Exodo3:1-12). Ano ba
ang ibig sabihin ng "banal o sagrado"? Kapag ang isang bagay, lugar o tao ay tinaguriang banal, ibig sabihin ito ay isinantabi para sa Diyos at para sa plano ng Diyos. Ang bundok ng Sinai ay tinawag na banal dahil doon nakipagkita si Yawe kay Moises at tawagin siya para sa isang natatanging misyon: ang ilabas ang mga Israelita mula sa lupain ng pagka-alipin tungo sa lupang pangako at kalayaan. Sa bundok ding ito ibinigay ni Yawe ang Sampung Utos ng Diyos bilang bahagi ng Pakikipagtipan ni Yawe sa mga Israelita: Ako ang magiging Diyos ninyo at kayo ang magiging bayan ko! Sa pagsunod nila sa Sampung Utos at pagiging tapat sa Tipanan magiging banal ang mga Israelita. Ang mag-asawa ay magiging banal sa kanilang katapatan sa isat-isa. Ang Simbahan ay magiging banal sa kanilang katapatan kay Jesus at sa kanyang utos ng pag-ibig. Gusto mo bang maging banal? Maging tapat ka!

Hindi nasusukat sa tagal ang tunay na ugnayan, kundi sa lalim ng samahan at pagmamahal na naipundar sa bawat araw ng tap...
15/07/2025

Hindi nasusukat sa tagal ang tunay na ugnayan, kundi sa lalim ng samahan at pagmamahal na naipundar sa bawat araw ng tapat na paglilingkod.

Salamat, Rev. Fr. Jerick de Leon, sa iyong isang taon ng pagiging pariโ€”isang taon ng pagpapakatao, pag-aalay, at paglalakbay kasama ang Diyos at ang sambayanan ng Parokya Ng Banal Na Mag-anak.

Sa simpleng programang ito, nawaโ€™y nadama mo ang aming taos-pusong pasasalamat at pagmamahal.
Hindi man kami laging makakasama sa bawat misyon, lagi kang kasama sa aming panalangin.

Muli maligayang unang anibersaryo ng iyong pagkapari!๐ŸŽ‰๐ŸŽŠ๐Ÿซถ๐Ÿ’ž๐Ÿ™

๐‡๐ฎ๐›๐ข๐ฅ๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Š๐ซ๐ฎ๐ฌ | ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ-๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐›๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐›๐ข๐ฅ๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Š๐ซ๐ฎ๐ฌ, ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐›๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐šMula sa Pamayanan ng Malu...
15/07/2025

๐‡๐ฎ๐›๐ข๐ฅ๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Š๐ซ๐ฎ๐ฌ | ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ-๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง

๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐›๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐›๐ข๐ฅ๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Š๐ซ๐ฎ๐ฌ, ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐›๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š

Mula sa Pamayanan ng Malualuan, inihatid ang Hubileyong Krus patungo sa Calocmoy Proper โ€” isang tanda ng ating pagkakaisa bilang isang pamayanan na patuloy na lumalakad kasama si Kristo.

Magiliw itong tinanggap ng mga pamayanang kabilang sa Calocmoy Cluster: Calocmoy Riverside, Maragooc, Sintakan, at Sabang.

Sa bawat hakbang ng paghahatid, kasabay ang panalangin at pagninilay, ramdam ang presensya ng Diyos na patuloy na gumagabay sa ating buhay at misyon. Nawa'y magsilbing paalala ang Krus na ito ng pag-asa, pagbabalik-loob, at pagkapit sa Panginoon sa bawat araw.








๐‡๐ฎ๐›๐ข๐ฅ๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Š๐ซ๐ฎ๐ฌ | ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ-๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐งMula sa Parokya ng Banal na Mag-Anak, inihatid ang Hubileyong Krus patungo sa Maluanlua...
15/07/2025

๐‡๐ฎ๐›๐ข๐ฅ๐ž๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Š๐ซ๐ฎ๐ฌ | ๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ฐ-๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง

Mula sa Parokya ng Banal na Mag-Anak, inihatid ang Hubileyong Krus patungo sa Maluanluan Chapel.

Masigla at may pananampalatayang sinalubong ito ng cluster ng mga pamayanan ng Bagsok, Dao, Crossing, Villaroces, Yuyek, at Hanging Bridge sa pamamagitan ng sayaw, panalangin, at nagkakaisang pagtanggap.

Ang Krus ay nagpapaalala sa atin ng biyaya ng paglalakbayโ€”na tayo ay tinipon, pinagpala, at isinugo bilang sambayanang may pananampalataya at pag-asa.






15/07/2025

๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“
๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐

๐’๐š๐ง ๐๐ฎ๐ž๐ง๐š๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ฎ๐ซ๐š

๐’๐ฅ๐ฆ ๐Ÿ”๐Ÿ—: ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ‘๐ŸŽ-๐Ÿ‘๐Ÿ, ๐Ÿ‘๐Ÿ‘-๐Ÿ‘๐Ÿ’

Dumulog tayo sa Diyos upang mabuhay nang lubos.

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š: ๐„๐ฑ ๐Ÿ: ๐Ÿ-๐Ÿ๐Ÿ“๐š

๐„๐›๐š๐ง๐ ๐ก๐ž๐ฅ๐ฒ๐จ: ๐Œ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ:๐Ÿ๐ŸŽ-๐Ÿ๐Ÿ’

At sinimulang tuligsain ni Jesus ang mga bayang ginawan niya ng karamihan sa kanyang mga himala, sapagkat hindi sila nagpanibagong-buhay: "Sawimpalad kayong mga bayan ng Corozain at Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang naganap sa piling ninyo, matagal na sana silang nagsisi nang may abo at sako. Kaya sinasabi ko sa inyo: Mas magiging magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa inyo. At ikaw naman, Capernaum, itataas ka ba sa langit? Hindi, itatapon ka sa kaharian ng mga patay! Sapagkat kung sa S***m nangyari ang mga himalang naganap sa iyo, nananatili pa sana ngayon ang S***m. Kaya sinasabi ko sa inyo: mas magiging magaan pa ang sasapitin ng lupain ng S***m sa araw ng paghuhukom kaysa inyo."

๐๐€๐†๐๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐˜

Sawimpalad kayo mga bayan ng Corozain at Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang naganap sa piling ninyo, matagal na silang nagsisi..." Ang mga himalang ginawa ni Jesus ay hindi lamang "ma-entertain ang mga tao," ang mas malalim na dahilan ay makita nila ang pangangailangan na magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbagong buhay. Ngunit hindi ito nangyari sa Corozain at Betsaida. Naroon ang kalungkutan sa pananalita ng Panginoon, sayang ang pagkakataon na dumating ang Diyos sa pamamagitan ni Jesus subalit hindi nila siya nakilala. Dumating ang pinakahihintay na Mesiyas sa loob ng mahigit na limang-daang taon subalit hindi nila pinansin. Kumatok ang Diyos sa kanilang mga puso subalit nanatiling matigas ang kanilang kalooban. Sa ating buhay, naranasan ba natin ang pagdating ng Panginoon? Ano ang naging tugon natin?

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ซ๐ข, ๐‘๐ž๐ฏ. ๐…๐ซ. Jerick de Leon !Isang taon ng tapat na paglilingkod.Isang taon ng bu...
14/07/2025

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ซ๐ข, ๐‘๐ž๐ฏ. ๐…๐ซ. Jerick de Leon !

Isang taon ng tapat na paglilingkod.
Isang taon ng bukas-palad na pag-ibig.
Isang taon ng pag-oo sa Diyosโ€”araw-araw.

Salamat, Fr. Jerick, sa pagiging ilaw ng pananampalataya at lakas ng aming komunidad.

Sa iyong mga ngiti, yakap, dasal, at tahimik na presensya, naramdaman naming kasama namin ang Diyos.

Patuloy ka naming ipagdarasal sa bagong yugto ng iyong misyon.

Holy Family parishioners love you๐Ÿซถ๐Ÿซถ๐Ÿซถ๐Ÿ’•๐Ÿ’•๐Ÿ’•




14/07/2025
13/07/2025

๐“๐ก๐ž ๐Ž๐ซ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ซ๐ข๐ž๐ฌ๐ญ๐ก๐จ๐จ๐.

"By divine institution, some of the Christian faithful are marked with an indelible character and constituted as sacred ministers by the sacrament of holy orders. They are thus consecrated and deputed so that, each according to his own grade, they may serve the People of God by a new and specific title."

13/07/2025

๐‡๐”๐‹๐˜๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“
๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ

๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐

๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Š๐š๐ญ๐ž๐ซ๐ข ๐“๐ž๐ค๐š๐ค๐ฐ๐ข๐ญ๐ก๐š

๐’๐ฅ๐ฆ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ’: ๐Ÿ๐›-๐Ÿ‘, ๐Ÿ’-๐Ÿ”, ๐Ÿ•-๐Ÿ–

Sa pangalan ng Maykapal, tayo ay tinutulungan.

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐š๐ฌ๐š: ๐„๐ฑ ๐Ÿ:๐Ÿ–-๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐Ÿ

๐„๐›๐š๐ง๐ ๐ก๐ž๐ฅ๐ฒ๐จ: ๐Œ๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ:๐Ÿ‘๐Ÿ’-๐Ÿ๐Ÿ:๐Ÿ

Huwag ninyong isipin na dumating ako para magdala ng kapayapaan sa lupa. Hindi kapayapaan ang dala ko kundi tabak. Dumating akong taglay ang paghihiwalay ng tao laban sa kanyang ama, ng anak na babae sa kanyang ina, ng manugang sa kanyang biyenan. At magiging kaaway ng bawat isa ang kanyang mga kasambahay.

Ang mas nagmamahal sa kanyang ama o ina kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang mas nagmamahal sa kanyang anak kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. At ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagpapahalaga sa kanyang sarili ang siyang mawawalan nito, at ang nawawalan naman ng kanyang sarili ang siyang makakatagpo nito.

Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap na din niya ako; at kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. Kung may tumanggap sa isang propeta dahil propeta ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang propeta; kung may tumanggap sa isang mabuting tao dahil marangal ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang mabuting tao. Kung may magpainom ng malamig na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa alagad ko ito, sinasabi kong hindi siya mananatiling walang gantimpala."

Nang matapos si Jesus sa pagtuturo sa Labindalawa niyang alagad, umalis siya roon para magturo at mangaral sa mga bayan doon.

๐๐€๐†๐๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐˜

Pagkatapos ay iniutos ni Paraon sa buong bayan: Bawat sanggol na lalaking isisilang ng mga Hebreo ay kailangang ihagis sa ilog Nilo, pero pabayaang mabuhay ang mga babae." Bakit iniutos ito ni Paraon? Dahil sa takot! Natatakot siya na dumating ang araw na mas marami pa sa kanila ang mga Hebreo at ang mga ito ay mag-alsa laban sa kanyang pamamahala. Ganito rin ang naramdaman ni Herodes ng ipag-utos niyang patayin ang mga sanggol na dalawang taon pababa sa lahat ng nasasakupang ng Betlehem. Natatakot siya sa propesiya na darating ng "Hari ng mga Judio!" Dahil sa takot ng Russia na kumampi ang Ukraine sa NATO, at humina ang kanyang depensa, sinalakay niya ang Ukraine at milyon-milyon ang lumikas sa mga katabing bansa; libo-libo na ang namatay, kasama na ang mga bata at kababaihan. Dahil sa takot, maraming nakikitang kaaway, at ang kaaway na ito ay dapat puksain sa pamamagitan ng anumang pamamamaraan. Wala nang pakialam sa mga inosenteng mamamayan! Wala nang pagpapahalaga sa kultura ng iba! Hindi na nakikita ang dignidad ng bawat tao. Sila ay kaaway na dapat mawala sa mundong ito.

Address

Socorro

Telephone

+639958165553

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HFP- Holy Family Parish, Socorro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to HFP- Holy Family Parish, Socorro:

Share