21/08/2025
"Hindi ka kailanman magiging tunay na masaya kung palagi mong iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Sa bawat hakbang na ginagawa mo, kung laging nasa isip mo ang opinyon nila—kung tama ba ang pananamit mo, kung sapat ba ang iyong narating, kung tama ba ang desisyon mo—unti-unti mong nawawala ang sarili mong tinig.
Habang pinipilit mong sumunod sa pamantayang itinakda ng lipunan o ng mga taong hindi naman lubos na nakakaintindi sa ‘yo, lalo ka lang nalulugmok sa pagdududa at pangamba. Hindi mo na maririnig ang sarili mong mga pangarap, dahil palaging inuuna ang kagustuhan ng iba kaysa sa kung ano talaga ang makakapagpasaya sa ‘yo.
Tandaan mo, ang buhay mo ay hindi para i-please ang lahat. Kahit anong gawin mo, palaging may masasabi ang tao. Kahit gaano ka kaingat, kahit gaano ka kabait, kahit anong sakripisyo mo—may mga tao pa ring hindi makukuntento. Kaya sa halip na habulin ang validation nila, piliin mong pakinggan ang sarili mong puso. Piliin mong ipaglaban ang kaligayahan mo, kahit hindi ito maintindihan ng iba.
Ang tunay na kaligayahan ay nagsisimula sa pagtanggap sa sarili at sa pagiging totoo sa kung sino ka. Sa sandaling matutunan mong ipagsawalang-bahala ang walang saysay na opinyon, mas malaya mong mararanasan ang buhay na puno ng kapayapaan, pagmamahal sa sarili, at tunay na kasiyahan."
- CLIEFORD-