
07/09/2025
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga batas na nagdedeklara na protektahan ang ilang bahagi ng Tarlac at sa tubig na nakapalibot sa Panaon Island sa Southern Leyte bilang mga protektadong lugar sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System (NIPAS).
Ayon sa RA 12237, ang isasailalim sa NIPAS ay ang Mayantoc at San Jose sa lalawigan ng Tarlac at tatawaging Mt. Sawtooth Protected Landscape. Habang isasailalim naman sa NIPAS Southern Leyte at tatawaging Panaon Island Protected Seascape.