
16/06/2025
"TAPOS NA ANG PANAHONG WALANG PARUSA!" PAMBUBULI SA ISANG PWD SA PAMPASAHERONG BUS, INAKSYUNAN NG DOTr!
Sinuspinde na ang lisensya ng bus driver at kundoktor na hinayaan umanong bugbugin ang isang PWD na pasahero sa loob mismo ng kanilang bus. Paliwanag ni Sec. Vince Dizon, may pananagutan ang driver at bus company. Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente.
Isang person with disability (PWD) ang tinamaan ng mga pasahero sa Epifanio Delos Santos Avenue (Edsa) bus carousel, dahilan upang suspindihin ng Department of Transportation (DOTr) ang lisensya ng bus driver.
Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II, sakay ng bus ang biktima sa Kamuning station, at naganap ang insidente sa paligid ng Buendia station noong Lunes ng umaga, Hunyo 9.
https://newsinfo.inquirer.net/2070545/pwd-mauled-on-edsa-carousel-dotr-suspends-bus-drivers-license