29/06/2025
๐ข๐ฃ๐๐ก๐ฌ๐ข๐ก I ๐๐-๐บ๐ฒ๐ป: ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ง๐ฒ๐ธ๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ, ๐ง๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ผ, ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐๐ฎ
Kamakailan Iamang, isang simpleng panalangin ang naging usap-usapan sa social media. Sa halip na mataimtim na dasal, isang AI-generated prompt ang naibulalas. "Feel free to modify this prayer or tailor it to your specific needs and benefits."
Bagaman nakakatawa sa una, ito nama'y nagpapahiwatig ng mas malalim na usapinโgaano nga ba tayo umaasa sa AI? Ang tanong ngayon, nasa gamit nga ba ang problema o nasa paraan ng paggamit natin nito?
Hindi ito isyu ng kahihiyan lang, kundi isang salamin ng mas malalim na reyalidad, ang unti-unti nating pagsuko sa sariling kakayahang mag-isip, magsalita, at maglikha.
Sa panahon ng Artificial Intelligence, lahat ay puwedeng maging instant. Sagot, sanaysay, iskrip, at kahit panalangin. At sa kagustuhan nating pabilisin ang lahat, ang tunay na proseso ng pagkatuto ay tila hindi na bahagi ng layunin.
Hindi masama ang paggamit ng teknolohiya. Sa katunayan, malaking tulong ang AI sa pananaliksik, pagsusulat, paggawa ng mga inisyatibong datiโy ubos-oras at pagsusuri sa mga deepfake tulad ng misinformation, disinformation, at malinformation. Ngunit kailan pa naging mas katanggap-tanggap ang pumasa kaysa sa matuto? Kailan naging mas mahalaga ang mabilis na awput kaysa sa malalim na pag-unawa?
Ayon sa isang pag-aaral ng Massachusetts Institute of Technology (MIT) may malinaw na epekto ang labis na paggamit ng AI sa utak ng tao. Bumaba ang brain activity, memory recall, at creative thinking ng mga taong umasa sa AI kaysa sa mga gumawa ng sarili nilang sagot. Ngunit sa halip na sabihing "ChatGPT ang may kasalanan," dapat nating amininโtayo ang pumili na tumigil sa pag-iisip.
Hindi bago ang paggamit ng shortcut. Noon pa man, may mga nagsabing sinisira ng calculator ang talino ng kabataan, pero hindi calculator ang naging problemaโkundi ang kawalan ng tamang pagtuturo kung kailan ito nararapat gamitin. Ganyan din ngayon: hindi ChatGPT ang kalaban kundi ang kawalan ng disiplina sa paggamit nito.
Madalas, ang problema ay hindi ang tool kundi ang sistema at kulturang ating ginagalawan. Edukasyon na nakatuon sa grado, trabaho na nakatuon sa metrics, lipunang sobra sa bilis pero kulang sa lalim. Sa ganitong mga kalagayan, natural na mamahalin natin ang mga shortcut. Kayaโt hindi nakapagtataka kung ang ChatGPT ay ginagamit hindi para matuto, kundi para makalusot lamang.
Kung gusto nating mapanatili ang talino sa panahon ng teknolohiya, hindi natin kailangang iwasan ang AIโkailangan natin itong pag-aralan, gamitin nang wasto, at hamunin. Hindi sapat ang tanong na โAno ang sagot dito?โ Mas mahalaga ang tanong na โTama ba ito?โ โNaiintindihan ko ba?โ o โPaano ko ito mas mapabubuti?โ
Sa huli, ang pinakamakapangyarihang teknolohiya ay hindi ang AI kundi ang tao. Ang tunay na katalinuhan ay hindi nasusukat sa bilis ng sagot kundi sa lalim ng pagtanong. Kayaโt AI-men, hindi ito panalangin para ipasa ang trabaho sa makina kundi paalala na may pananagutan pa rin tayong isipin, suriin, at piliin kung paano natin ginagamit ang galing ng teknolohiya.
โ
โ๏ธ Juan Llian Kelly Pasion IV
๐ผ John Benedict Correa
๐ฃ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ง๐ช๐: ๐๐ฏ๐จ ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ธ ๐ข๐ต ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ ๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ธ ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ด๐ถ๐ฎ๐ข๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ญ๐ข๐ฏ๐ฐ ๐๐ช๐จ๐ฉ ๐๐ค๐ฉ๐ฐ๐ฐ๐ญ.
----------------------------------
๐๐ถ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฐ๐ฌ ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ช๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข! ๐-๐ง๐ฐ๐ญ๐ญ๐ฐ๐ธ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ๐ข๐ธ ๐๐ฏ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฆ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ต๐ข๐ข๐ด ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ญ๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฃ๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข'๐ต ๐ฌ๐ข๐จ๐ข๐ฏ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ.
๐ฉ [email protected]
๐ shsangbatingaw.wordpress.com