19/09/2026
Curifang ES, Lumahok sa DSPC 2026
Batang mamamahayag ipinamalas ang husay sa News Writing at Copyreading and Headline Writing
Aritao, Nueva Vizcaya – Nakibahagi ang Curifang Elementary School sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) noong Setyembre 3–4, 2026, Aritao District I & II. Layunin ng naturang aktibidad na linangin ang kakayahan ng mga kabataang mamamahayag sa iba’t ibang kategorya ng campus journalism.
Dalawang mag-aaral ang kumatawan sa paaralan:
Jeiferson Zander Zarate – News Writing (Elementary English)
Jannah Althea Acosta – Copyreading & Headline Writing (Elementary Filipino)
Sa masusing paggabay ng kanilang g**o-coaches, at sa suporta ng School Head na si Dr. Rogine D. Meria, Principal II, ipinakita ng mga kalahok ang disiplina, tapang, at dedikasyon sa kanilang larangan.
Ang karanasan sa DSPC ay nagbigay sa kanila ng mahahalagang aral sa pagsusulat, kritikal na pag-iisip, pamamahala ng oras, at responsableng pamamahayag. Higit pa rito, pinatibay nito ang pangako ng paaralan sa pagpapaunlad ng Pahayagang Sinafal bilang daluyan ng husay at integridad sa campus journalism.