mga kwento sa totoong buhay

mga kwento sa totoong buhay manunulat

01/11/2022

Part 1 march 17,1977

Ako si Rose anak ni vacion at anton
At bilang anak gusto kung ibahagi itong kwento ng buhay namin para kapulutan ng aral ng bawat tao.

Taon kung kailan nag simula ang kwento ng pag iibigan ni salvacion at antonio.

At ang kwento ng buhay ng aking ina nagsimula ang lahat ng kwentong buhay mula nung edad 10 taon sya. Kwento ng aking ina ayaw na ayaw daw sa knila ang pamilya ng kanya ama dahil hindi nila matanggap na naging asawa ng lolo ko ang lola ko kaya mula noon hindi tumigil sa pag gawa ng dahilan ang pamilya ng aking lolo upang mapag hiwalay ang lola at lolo ko.
Hanggang dumating ang panahon na nag hihirap na at wala ng makain ang pamilya ng aking ina dahil sa kawalan ng trabaho ang aking lolo sa probinsya ng aking ina kaya napilitan tanggapin ng lolo at lola ko ang alok na trabaho ng pamilya ng aking lolo. At lumuwas ng manila ang aking lolo at dun sabi mag tatrabaho lang dhil sa kahirapan ng buhay pumayag ang aking lola alang alang sa kinabukasan ng ka mga anak nila. Yun ang kwento ng lola ko sa aking ina.at ngyari na ang kinatatakotan ng aking lola ang tuluyan ng hindi sila maalalang balikan ng aking lolo. At iyak ng iyak daw ang lola ko halos hindi na ito kumakain naawa ang aking ina sa mga nakikita nya sa knyang ina. Kaya naman ang akin ina 10 anyos palang sya noong mga panahon nayun subrang close ang aking ina sa aking lolo.mahal na mahal nya ito dhil napaka bait daw na tao at malambing aking lolo at alam nya na mahal na mahal sila ng lolo ko.kaya hindi nya iniisip na magagawang iwan sila ng lolo ko. Naisip ng aking ina na my dahilan kung bakit hindi na ito sumulat kaya gustong sundan ng nanay ko ang kanyang ama. Bukod pa dto isang anak ng mayaman ang lolo ko kaya isa sa dahilan ng hindi pag tanggap nh pamilya ng aking lolo sa lola ko dahil mahirap lang ang aking lola isang hamak na mangingisda lang ang angkan ng aking lola kaya hindi itovmatanggap bilang mapapangasawa oh maging bahagi ng pamilya ng aking lolo. At nag tagumpay ang pamilya ng aking lolo na mapag hiwalay sila ng lola ko. Mula noon hindi nadaw sumulat oh nag paramdam ang aking lolo sa pamilya ng aking ina lumipas pa ng tatlong taon na hindi na sila nakatanggap ng sulat mula sa aking lolo. kaya naisipan ng aking ina sundan sa manila ang kanyang ama. Dun nakipag sapalaran ang aking ina kahit na hindi nya alam kung saan nya hahanapin ang kanyang mam. Masakit din para sa aking lola na umalis ang panganay nyang anak andun ang pag aalala na baka ito ay mapahamak dahil wala syang pwedeng terhan sa manila. Mapilit ang aking ina kaya nag patuloy ang pag alis nito upang hanapin ang kanyang ama sa manila.
At sa edad na 14 nag lakas loob itong bumyahe mag isa para ipag laban nya ang karapatan nya bilang isang anak sa kanyang ama at malaman ang dahilan nito kung bakit hindi na sila inuwian at sinulatan.

Address

Ilocos Norte
Solsona
2900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when mga kwento sa totoong buhay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share