04/10/2024
"ANG BAYAN NG CANDELARIA"
The Desiccated Capital of the World
"Abay kumpleto na pala dini sa Candelaria eh! May Mcdo, Jollibee at Chowking! " Mga pangkaraniwang naririnig kapag ikaw ay napapadadaan sa bayan ng Candelaria. Halinat ating tuklasin ang bayang ito.
🍁Taong 1878 nang mabuo ang bayan ng Candelaria at mahiwalay sa bayan ng Tiaong at Sariaya ang ilan sa mga barangay na bumubuo ngayon sa Candelaria.
🍁Ang bayan din na ito ang pangalawang bayan sa Quezon na madadaanan pagkatapos ng Tiaong kung iyong babagtasin ang Maharlika Highway papuntang Bicol.
🍁Pumapangatlo ang bayan na ito sa buong probinsya na may pinakamalaking populasyon pagkatapos ng Lucena at Sariaya.
🍁Buhay na buhay din ang komersyo sa kabayanan at natatanging bayan na may malalaking branches ng bangko, supermarket, drugstore, fastfood chain at maging mall. Itinuturing ang bayan na ito na "most commercialized town" sa buong lalawigan.
🍁Bilang pag-alala sa patron na si Nuestra Señora de Candelaria tuwing buwan ng Pebrero nagliliwanag ang kabayanan ng Candelaria sa pagdiriwang ng Candle Festival.
🍁Most Induatrialized Town After Lucena. Narito rin ang malalaking desiccated coconut factories kaya't di maipapagkakaila na ito ang Desiccated Coconut Capital of the World.
Tunay na may maliwanag na bukas sa Candelaria.