WOW SMILE MEDIA Services

WOW SMILE MEDIA Services Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from WOW SMILE MEDIA Services, Media/News Company, Rosville Subdivision, Bibincahan, Sorsogon City, Sorsogon.
(2)

Look: Closing Ceremony of the Basic Life Support and Standard First Aid Training that held from September 16-19, 2025 at...
19/09/2025

Look: Closing Ceremony of the Basic Life Support and Standard First Aid Training that held from September 16-19, 2025 at Gamboa's Orchard Hotel and Resort, Malilipot Albay.


19/09/2025

GOSPEL HOUR RADIO MINISTRY || SEPTEMBER 19, 2025

HOSTED BY: PASTOR OLIVER S. TIRO

19/09/2025

RMN NETWORKS NEWS || SEPTEMBER 19, 2025





DRUG DEN NA-DISMANTLE SA SORSOGON CITY; APAT ARESTADO SA BUY-BUST OPERATIONApat na hinihinalang drug personalities ang n...
19/09/2025

DRUG DEN NA-DISMANTLE SA SORSOGON CITY; APAT ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION

Apat na hinihinalang drug personalities ang naaresto habang isang drug den ang na-dismantle sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sorsogon Provincial Office sa Barangay Pangpang, Sorsogon City, dakong 6:45 ng gabi kahapon, Setyembre 18, 2025.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Police Provincial Drug Enforcement Unit, Sorsogon City Highway Patrol Group, at Sorsogon City Police Station.

Ayon sa mga awtoridad, nasamsam mula sa operasyon ang humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang standard value na โ‚ฑ68,000. Kabilang din dito ang iba't ibang drug paraphernalia, marked money, mga cellphone, at iba pang kagamitan na pinaniniwalaang ginagamit sa ilegal na aktibidad.

Kaugnay nito, kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na Eman, 56, na collector; Win, 47, na vendor; Ric, 40; at Bel, 30.

Samantala, ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

๐Ÿ“ท: PDEA Bicol


MIYEMBRO NG CTG, KUSANG-LOOB NA SUMUKO SA CASIGURAN MPSIsang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang-loob...
19/09/2025

MIYEMBRO NG CTG, KUSANG-LOOB NA SUMUKO SA CASIGURAN MPS

Isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang kusang-loob na sumuko sa Casiguran Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Central, Casiguran, Sorsogon dakong alas-2:00 ng hapon kahapon, Setyembre 18, 2025.

Kinilala ang sumukong indibidwal sa alyas na โ€œRaymond,โ€ 32 anyos, may asawa at magsasaka mula sa Brgy. Fabrica, Barcelona, Sorsogon, at dating kasapi ng NPSRL, KLG-1, SRC 3, BRPC.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Sorsogon 1st PMFC si alyas โ€œRaymondโ€ para sa kaukulang proseso at dokumentasyon.

๐Ÿ“ท: Sorsogon PPO


Trabaho ba ang hanap mo? Si Valiant na ang bahala sayo buddy! ๐Ÿ˜‰๐Ÿ‘‰ Libre na ang pagkain, uniform, at lahat ng legit docume...
19/09/2025

Trabaho ba ang hanap mo? Si Valiant na ang bahala sayo buddy! ๐Ÿ˜‰

๐Ÿ‘‰ Libre na ang pagkain, uniform, at lahat ng legit documents. Plus, siguradong may minimum salary with complete benefits! ๐Ÿ‘

๐Ÿ“ฉ Register now via DM or comment below "how"

HUMIGIT-KUMULANG 9,000 RESIDENTE SA CASTILLA, SORSOGON, MAKIKINABANG SA REHABILITASYON NG FARM-TO-MARKET ROADTinatayang ...
19/09/2025

HUMIGIT-KUMULANG 9,000 RESIDENTE SA CASTILLA, SORSOGON, MAKIKINABANG SA REHABILITASYON NG FARM-TO-MARKET ROAD

Tinatayang aabot sa 9,000 residente ang makikinabang sa isinasagawang rehabilitasyon at pagpapahusay ng Cumadcad to Canjela Farm-to-Market Road (FMR) sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Batay sa isinagawang beneficiary profiling, ang proyekto ay direktang makatutulong sa mga magsasaka at iba pang nakadepende sa agrikultura bilang pangunahing kabuhayan.

Bukod dito, layunin ng profiling na tukuyin ang kasalukuyang kalagayan ng mga benepisyaryo at ang posibleng epekto ng proyekto sa kanilang pamumuhay.

Samantala, ang 4.7 kilometrong kalsada ay bahagi ng mga proyektong ipinatutupad sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP).

๐Ÿ“ท: DA Bicol


๐˜๐จ๐ฎ๐ซ ๐Ž๐ง๐ž-๐’๐ญ๐จ๐ฉ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ž๐ฌFrom medicines and medical equipment to office, laboratory, agricultural, and e...
19/09/2025

๐˜๐จ๐ฎ๐ซ ๐Ž๐ง๐ž-๐’๐ญ๐จ๐ฉ ๐’๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ž๐ฌ
From medicines and medical equipment to office, laboratory, agricultural, and emergency tools โ€” BCVR Prime Enterprise delivers what you need, when you need it.

๐Ÿ’ผ We proudly serve both private and government clients.

๐Ÿ“Œ PhilGEPS Registered
๐Ÿ… PLATINUM Member since 2014

๐Ÿ“ฒ Message us for inquiries, orders, or bulk transactions. Trust experience. BCVR Cares!

SSS SORSOGON, NAGLABAS NG SHOW CAUSE ORDERS SA 7 EMPLOYER SA ILALIM NG RACE CAMPAIGNPitong (7) delinquent employers sa B...
19/09/2025

SSS SORSOGON, NAGLABAS NG SHOW CAUSE ORDERS SA 7 EMPLOYER SA ILALIM NG RACE CAMPAIGN

Pitong (7) delinquent employers sa Bacon, Sorsogon City ang pinadalhan ng Show Cause Orders ng Social Security System (SSS) Sorsogon noong Setyembre 17, 2025 sa ilalim ng kampanyang Run After Contribution Evaders (RACE).

Layunin ng naturang kampanya na hikayatin ang mga employer na tumupad sa kanilang obligasyon sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018 โ€” kabilang dito ang pagrerehistro ng negosyo, pagrereport ng empleyado, at pagbibigay ng nararapat na social security coverage.

Ayon sa SSS, ang mga employer na nabigyan ng show cause order ay may 15 araw lamang upang makipag-ugnayan sa SSS Sorsogon Branch at ayusin ang kanilang pagkakautang. Maari rin silang mag-avail ng installment payment program upang mabayaran ang kontribusyong hindi naipasa.

Kaugnay nito, nagbabala ang ahensya na kapag nabigong tumugon ang mga employer sa itinakdang panahon, mapipilitan ang SSS na magsampa ng kasong legal para sa paglabag sa nasabing batas.

Samantala, patuloy na pinaaalalahanan ng SSS ang mga employer na sumunod sa kanilang mga obligasyon upang matiyak ang kapakanan at seguridad ng kanilang mga manggagawa.

๐Ÿ“ท: PIA Sorsogon

PROVINCIAL MOST WANTED PERSON SA KASONG R**E, NAARESTO SA PUERTO PRINCESA, PALAWANNaaresto ng mga awtoridad ang ika-walo...
19/09/2025

PROVINCIAL MOST WANTED PERSON SA KASONG R**E, NAARESTO SA PUERTO PRINCESA, PALAWAN

Naaresto ng mga awtoridad ang ika-walong Provincial Most Wanted Person ng Sorsogon Police Provincial Office (PPO) sa lungsod ng Puerto Princesa, Palawan kahapon Setyembre 18, 2025, dahil sa kasong r**e in relation to Republic Act 7610.

Ang suspek na si alyas โ€œMario,โ€ 48 taong gulang, ay nadakip sa Purok Bagong Silang, Barangay San Rafael sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Gubat, Sorsogon para sa Criminal Case Nos. 3127 at 3128. Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Bulusan Municipal Police Station, Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), at mga intelligence unit.

Samantala, pansamantalang nasa kustodiya ng PPCPOโ€“Police Station 5 ang suspek para sa dokumentasyon bago iharap sa korte sa Sorsogon.

๐Ÿ“ท: Sorsogon PPO


19/09/2025

OPENLINE || SEPTEMBER 19, 2025

HOSTED BY : JOMAR JESTRE


Address

Rosville Subdivision, Bibincahan, Sorsogon City
Sorsogon
4700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when WOW SMILE MEDIA Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to WOW SMILE MEDIA Services:

Share