
20/03/2025
Diring-diri ang mga hapon sa babaeng ito noong panahon ng World War 2 sa bansa, nagtitinda ito ng mga gulay at nilalako sa bahay-bahay sa gitna ng giyera, may ketong si Josefina Guerrero, nadadaanan ng babae ang pulutong ng mga sundalong hapon, maging kung saan ang kuta ng mga ito.
Ito ang panahong hindi pa nila nasasakop ang ka-Maynilaan, alerto ang mga Amerikano sa nakaambang ng paglusob ng mga Hapon. Isa pa lang espiya si Josefina ng mga Amerikano, bagamat hirap na sa pagkilos dahil sa hapdi ng ketong, nagawa nitong maglakad ng milya-milya para magbigay ng impormasyon tungkol sa base ng mga Hapon.
Tinatago ni Josefina ang mga impormasyong kanyang nakalap sa kanyang buhok at damit, mga guhit ng mapa, palatandaan kung saan naroon ang pinagkukutuan ng papausbong na imperyo, dahil nga't may amoy na Josefina at diring-diri ang mga sundalong hapon, hinahayaan na lamang nila itong dumaan-daan at magpabalik-balik sa labas ng syudad.
Dahil kay Guerrero, nasukol ang mga Hapon ng mga Amerikano at napulbos ang pulutong, sa paglipas ng mga buwan natalo na rin ang pwersa ng Amerika at tuluyan nang napasailalim ang Pilipinas sa Japan, dito na nalimutan ang kwneto ni Josefina.
Nang lumaya ang Pilipinas noong 1946, doon lamang nalaman ng mundo ang kwento ni Josefina, matapos may ilang sundalo na nagsabing may naalala silang babaeng may ketong na tumlong sa kanila, na dapat ay parangalan. Buhay pa rin noon si Josefina at 'di n'ya akalain na nagmarka pala s'ya sa mga ito. Sinabi n'ya pa na "Kung ang aking buhay ay hanggang doon na lamang, mas gugustuhin kong mamatay na may nagawa sa aking bayan".
Binagyan s'ya ng pagkilala ng Amerika at tumira sa isang center sa Louisiana na nagpapaggaling ng may ketong, gumaling ito makalipas ang sampung taon, paglabas nito sa center dinumog ito ng media at kaliwa't kanan ang pagpaparangal sa Filipina.
Hindi na bumalik pa ng Pilipinas Josefina at naglahong parang bula. Napag-alamang nagpalit pala ito ng pangalan bilang Joey Lomax, nalaman na lamang ito nang mamatay s'ya noong 1996.
Ayon sa mga naging malapit kay Josefina, makalimutan man s'ya ng tao, sana'y hindi ang kanyang nagawa na marapat-dapat lamang na pamarisan ng lahat, na "hindi dahilan ang kapansanan, hindi rason ang pagiging babae at hindi ang pagsuko ang sagot para magkaroon ka ng saysay sa lipunan kahit walang parangal o pagkilala. Hanggat buhay ka, may pag-asa at may magagawa kang makabuluhan na uukit sa bayan." aniya.
Ayon sa Philippine Veterans Affairs Office ng ating bansa, wala ito sa listahan ng mga bayani ng World War 2, wala ni anumang pagkilala na maaaring isa sa dahilan at rason kung bakit ganap na nalimutan at hindi nailagay si Josefina sa ating mga libro.