27/02/2026
πΎπΌππππππΌ πππππ ππ ππΌ πΎππΎπ ππΌππππππ!
Castilla, Sorsogon β Malaking balita para sa mga Castillano! Ang bayan ng Castilla ay umangat ng 85 spots sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) 2023, mula ika-200 noong 2022 patungong ika-115 ngayong taon. Isang patunay ito na ang pamahalaang lokal, sa pamumuno ni Mayor Isagani B**g Mendoza, ay masigasig na nagtatrabaho para sa progreso ng bayan.
Personal na ipinresenta ni DTI Provincial Director Ma. Lourdes Pancho kasama ang kanyang team at si Jeselyn Ete, business counselor ng Castilla, ang accomplishment report ng Negosyo Center sa tanggapan ng alkalde. Bukod dito, nagbigay rin sila ng update tungkol sa CMCI na taunang ranking ng mga lungsod at bayan sa Pilipinas na binuo ng National Competitiveness Council sa tulong ng USAID.
βMalaking bagay ang pag-angat ng Castilla sa CMCI dahil ipinapakita nito ang kahusayan ng pamahalaang lokal sa pamumuno at pagbibigay ng serbisyo. Ito ay patunay na kaya ng Castilla na makipagsabayan sa mas malalaking bayan at lungsod,β ani Director Pancho.
Nagpasalamat naman si Mayor B**g Mendoza sa lahat ng tumulong sa tagumpay na ito. βHindi lang ito tagumpay ng LGU, kundi tagumpay ng buong Castilla. Sama-sama nating itataas ang antas ng ating bayan. Payt payt sana, ProgresiBONG Castilla!β