Agape&Noah

Agape&Noah ♥️MARICEL ESTRELLADO♥️
(OFW in SAUDI)
(1)

28/04/2026


Long post ahead re: 4Ps

Sa muling paglitaw ng usapin tungkol sa 4Ps, hindi maikakaila ang malaking papel ng media sa paghubog ng opinyon ng publiko—maging tama man o mali ang impormasyon at interpretasyon.
Isa sa mga naunang kumalat na headline ay: “Lifeline Subsidy Rate para sa 4Ps Beneficiaries.”

Sa ganitong framing pa lang, nailalagay na agad sa alanganin ang mga benepisyaryo, nagiging target ng pambabatikos at maling pag-unawa.

Ano ang kulang o mali?

Ang Lifeline Subsidy Rate ay hindi eksklusibo sa 4Ps beneficiaries. Ito ay para sa lahat ng marginalized sectors na may konsumo na hindi lalagpas sa 50 kWh kada buwan. Sa katunayan, hindi rin lahat ng 4Ps households ay kwalipikado, tinatayang 20–30% lamang ang maaaring makapag-avail nito.

Samantala, mas marami pa sa ating mga kababayang kabilang sa senior citizens, Indigenous Peoples (IPs), at iba pang low-income families ang direktang makikinabang.

May mga nagsasabi: “Sana maging 4Ps din ako.”
Karamihan pa sa nagsasabi nito ay may maayos na trabaho, propesyonal, at may regular na kita.

Bakit? Dahil ba sa sinasabi mong “ayuda”?

Para magkaroon tayo ng konteksto:

Kung may tatlo kang anak na nag-aaral (elementarya, junior high, senior high), ang posibleng matatanggap mo kada buwan—kung nasusunod ang lahat ng kondisyon, ay humigit-kumulang:

₱300 (Elementary)
₱500 (Junior High)
₱700 (Senior High)
₱600 (Rice Subsidy)
₱750 (Health at FDS compliance)

Kabuuan: ₱2,850/buwan

At tandaan—conditional ito. Kapag hindi nasunod ang requirements, walang matatanggap.

Gusto mong maging 4Ps beneficiary?

Hindi ito simpleng pagpili. Kailangan mong dumaan sa assessment (gaya ng CBMS), at higit sa lahat—kailangan mong mapabilang sa sektor ng tunay na nangangailangan.

Hindi ito pribilehiyo. Ito ay tulong para sa mga kapos.

“Bigyan na lang ng trabaho.”

Madaling sabihin—pero hindi lahat ay may parehong oportunidad, access, o kakayahan na meron ka.

Kaya nga may mga programang tulad ng 4Ps—upang kahit paano, matulungan silang makatawid sa kahirapan.

At hindi ito walang bunga.

Marami nang 4Ps beneficiaries ang nakapagtapos ng pag-aaral. Ngayon, sila ay mga g**o, inhinyero, social workers—mga taong nagbabayad na rin ng buwis at tumutulong na sa iba.

Isipin mo ‘yan:

Ikaw, bilang taxpayer, naging bahagi ng pagbabago ng buhay nila.
Kaya kaibigan, imbes na husgahan—subukan nating magpasalamat.

Sa kabila ng iyong paghihirap, may pamilyang naiangat, may batang nabigyan ng pagkakataon, at may taong ngayon ay nagbibigay na rin pabalik sa lipunan.

Sa mundong puno ng kahirapan, korapsyon, at kasakiman—
pinili mong maging bahagi ng solusyon.

May napuntahan ang buwis mo.

Hindi perpekto ang programa.
Pero kung may alam kang hindi karapat-dapat—i-report mo.
Maging katuwang ka sa pagpapabuti ng implementasyon nito.

KAPATID, SALAMAT SA TAX MO.
—From a 4Ps Worker

PS ..bago pa ako nag abroad 4ps na kami,at ngayon Isa na rin ako sa nag babayad ng tax.

P**i English nga ng apelyido niyo,katuwaan lng 😁
17/04/2026

P**i English nga ng apelyido niyo,katuwaan lng 😁

When Jeepney driver said oh maluwag pa kaliwaan 😅
16/04/2026

When Jeepney driver said oh maluwag pa kaliwaan 😅

Si Ai tlga saang banda ba ang cute dyan😅Pinagloloko mo tlga ako😂Sabi ko ilugay mo buhok ko hindi yung gawin mo ako mukha...
16/04/2026

Si Ai tlga saang banda ba ang cute dyan😅
Pinagloloko mo tlga ako😂Sabi ko ilugay mo buhok ko hindi yung gawin mo ako mukhang tikbalang😂😂😂 kanino kaya mukha yan,😅

Keep Going🚶
15/04/2026

Keep Going🚶

‼️Awareness ‼️♂️Baka may ganito din kayong nararamdaman,basahin  hangang dulo.*Urticaria* = “pantal” o “hives” sa Englis...
15/04/2026

‼️Awareness ‼️♂️

Baka may ganito din kayong nararamdaman,basahin hangang dulo.

*Urticaria* = “pantal” o “hives” sa English 😊

*Ano ito:*
Ito yung biglaang paglitaw ng mapupula, makati, at medyo nakaumbok na pantal sa balat. Parang kagat ng lamok pero mas malalapad at pwedeng lumipat-lipat ng pwesto. Bawat pantal usually nawawala within 24 hours, pero pwedeng may bagong tutubo sa ibang parte ng katawan.

*Karaniwang sanhi:*
- *Allergy*: pagkain tulad ng hipon, mani, itlog; gamot tulad ng antibiotics o painkillers; kagat ng insekto
- *Physical triggers*: init, lamig, pressure sa balat, pawis, sikat ng araw
- *Infection*: sipon, UTI, o ibang impeksyon
- *Stress*: minsan nakaka-trigger din
- *Walang malinaw na dahilan*: tinatawag na “idiopathic urticaria”

*Dalawang klase:*
1. *Acute urticaria* - tumatagal nang less than 6 weeks. Madalas dahil sa allergy o infection.
2. *Chronic urticaria* - tumatagal nang 6 weeks pataas. Mas mahirap malaman ang sanhi.

*Kailan dapat magpatingin agad sa doktor:*
- Kung may kasamang pamamaga ng labi, mata, dila, o lalamunan
- Nahihirapan huminga o lumunok
- Nahihilo o parang hihimatayin
- Kasabay ng lagnat o pananakit ng kasukasuan

Kasi pwede itong maging senyales ng severe allergic reaction o anaphylaxis.

Papabor din sa'tin ang panahon mag tiwala LNG tayo sa Diyos.
14/04/2026

Papabor din sa'tin ang panahon mag tiwala LNG tayo sa Diyos.

Isang lugar dito sa Saudi na tahimik ..walang gaanong mga  building..makikita mo lang mga bundok na walang mga puno(desy...
14/04/2026

Isang lugar dito sa Saudi na tahimik ..walang gaanong mga building..makikita mo lang mga bundok na walang mga puno(desyerto).

Dati nakikita ko LNG sa libro ngayon kinakain ko na..masarap din nmn pala ang Camel😁
03/04/2026

Dati nakikita ko LNG sa libro ngayon kinakain ko na..masarap din nmn pala ang Camel😁

03/04/2026

At dahil tapos na ang Ramadan,back to reels na nmn tayo😁hello sa mga followers ko🫰

Puro ganyan lang  walang kanin..
25/02/2026

Puro ganyan lang walang kanin..

Address

Gubat
Sorsogon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agape&Noah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Agape&Noah:

Share