News PH - Sorsogon

News PH - Sorsogon NEWS PH is a news platform that offers innovative news for every generations who adopted modern tech
(1)

Look | Soreco II in action Power Restoration
10/11/2025

Look | Soreco II in action
Power Restoration

HIGH VALUE TARGET, NABISTO SA BUY-BUST SA IROSIN; SHABU NASAMSAMBumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang umano’y high...
10/10/2025

HIGH VALUE TARGET, NABISTO SA BUY-BUST SA IROSIN; SHABU NASAMSAM

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang umano’y high value target sa operasyon kontra-iligal na droga na isinagawa sa Brgy. San Agustin, Irosin, Sorsogon, nitong Miyerkules ng hapon, Oktubre 9, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Teroy”, 47 anyos at residente ng naturang barangay. Siya ay kabilang umano sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs at matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad.

Sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PDEU/PSOU Sorsogon PPO (lead unit), Irosin MPS, 1st PMFC Sorsogon, at PDEA-Sorsogon, nakuha mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.6 gramo at halagang tinatayang ₱4,080.

Narekober din ang ₱4,000 buy-bust money na ginamit ng poseur-buyer.

Kasalukuyang nakakulong si Teroy sa kustodiya ng Irosin MPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PCOL Alex C. Daniel, Provincial Director ng Sorsogon PPO, magpapatuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa iligal na droga upang mapanatili ang katahimikan at seguridad sa buong lalawigan.

MALAKAS NA ULAN, NAGDULOT NG BIGLAANG BAHA SA GUINOBATAN, ALBAY 🌧️Nagresulta sa biglaang pagbaha ang malakas na buhos ng...
09/10/2025

MALAKAS NA ULAN, NAGDULOT NG BIGLAANG BAHA SA GUINOBATAN, ALBAY 🌧️

Nagresulta sa biglaang pagbaha ang malakas na buhos ng ulan sa Barangay Masarawag, Guinobatan, Albay bandang alas-2 ng hapon ngayong Huwebes, Oktubre 9. Ilang bahagi ng lugar ang pansamantalang nalubog sa tubig dahil sa rumagasang flash flood.

📸: Judith Palacio Rebonquin-Pabelonia

BUNGKARAS EDUKASYON: MGA PROGRAMA SA ILALIM NG 12 B NI MAYOR FULLEROS, NAGHATID NG PAG-ASA SA MGA KABATAANG JUBANGNONSa ...
09/10/2025

BUNGKARAS EDUKASYON: MGA PROGRAMA SA ILALIM NG 12 B NI MAYOR FULLEROS, NAGHATID NG PAG-ASA SA MGA KABATAANG JUBANGNON

Sa unang isang daang araw ng panunungkulan ni Hon. Mayor Botox-Rogel Fulleros, ipinamalas ng Pamahalaang Bayan ng Juban ang tunay na malasakit para sa edukasyon sa pamamagitan ng programang “Bungkaras Edukasyon.” Layunin nitong palawakin ang mga oportunidad sa pag-aaral at matulungan ang mga kabataang Jubangnon na makamit ang kanilang mga pangarap.

Kabilang sa mga pangunahing inisyatibo ang pamamahagi ng libreng school supplies sa mga pampublikong paaralan katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa ilalim ng 7K Kadunungan Program. Sa patuloy na implementasyon ng 7K Kadunungan Mobile Kitchen, umabot sa halos 50,000 masustansyang tinapay ang naipamahagi sa 24 na paaralan. Noong Setyembre 2025, naitala ang 2,101 college scholars at 1,227 senior high school students na tumanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang “Kolehiyo Mo, Iskolar Ko.”

Bilang pagkilala sa kahusayan ng mga estudyante, 37 Latin Honor graduates ang ginawaran ng inisyatibo mula sa lokal na pamahalaan. Nagpahayag din ng buong suporta ang LGU sa DepEd sa pagdiriwang ng Teachers’ Day at sa proseso ng turnover ng mga school sites upang higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon.

Pinagtibay rin ng Sangguniang Bayan ang isang resolusyon na sumusuporta sa Bungkaras Edukasyon Program at ipinasa ang ordinansa upang ma-institutionalize ang Kolehiyo Mo, Iskolar Ko program, na ngayon ay isasama na rin ang mga senior high school students. Bukod dito, inanunsyo ni Mayor Fulleros ang pagsisimula ng scholarship program para sa mga kabataang nagnanais mag-aral ng Medicine at Law, pati na rin ang pagkakaloob ng 50 scholarship slots sa TLC.

Ayon kay Mayor Fulleros, hindi dito nagtatapos ang kanyang pangarap para sa mga kabataang Jubangnon.

BANGKABUHAYAN PARA SA MGA MANGINGISDA!Muling ipinamalas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ang malasakit sa mga man...
09/10/2025

BANGKABUHAYAN PARA SA MGA MANGINGISDA!

Muling ipinamalas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ang malasakit sa mga mangingisda sa pamamagitan ng Kabuhayan Project, kung saan namahagi ng mga bangka sa mga benepisyaryo mula sa Brgy. Somal-ot at Central sa bayan ng Casiguran.

Kasama sa distribusyon si Mayor Minez Hamor na nagpaabot ng pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan sa proyektong tunay na nakatutulong sa mga karapat-dapat at kapus-palad na mangingisda sa kanilang bayan.

Credit Images : SPIO

BAGONG DRUG PERSONALITY, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA MAGALLANESBumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang 26-any...
09/10/2025

BAGONG DRUG PERSONALITY, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA MAGALLANES

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang 26-anyos na mangingisda matapos ang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng Magallanes Municipal Police Station (MPS) katuwang ang PDEA Regional Office 5, sa Sitio Sta. Lourdes, Barangay Behia, nitong Oktubre 8, 2025.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Norman,” residente ng nasabing barangay at itinuturing na bagong drug personality sa ilalim ng Street Level Individual (SLI) classification. Nasakote siya matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Kapalit ng droga ay ang halagang ₱1,000 na buy-bust money na binubuo ng isang tunay na ₱500 bill at isang photocopied replica. Tinatayang may bigat na 0.15 gramo at street value na ₱1,020 ang nasamsam na droga na kasalukuyang isinasailalim sa pagsusuri ng Forensic Unit.

Nasa kustodiya na ngayon ng Magallanes MPS ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PCOL Alex C. Daniel, Provincial Director ng Sorsogon Police Provincial Office, patuloy ang pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa iligal na droga bilang bahagi ng kanilang adhikain na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lalawigan.

BUY-BUST SA SORSOGON CITY, NAGRESULTA SA PAGKAKADAKIP NG HIGH-VALUE DRUG SUSPECTArestado ang isang 56-anyos na lalaking ...
09/10/2025

BUY-BUST SA SORSOGON CITY, NAGRESULTA SA PAGKAKADAKIP NG HIGH-VALUE DRUG SUSPECT

Arestado ang isang 56-anyos na lalaking itinuturing na high-value target sa anti-illegal drugs watchlist matapos ang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Brgy. Macabog, Sorsogon City, nitong Lunes ng hapon, Oktubre 7, 2025.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Buddy,” residente ng naturang lungsod, na nahuling nagbebenta ng limang sachet ng hinihinalang shabu sa isang undercover police operative. Kapalit ng iligal na droga ay ang halagang ₱5,000, na binubuo ng isang tunay na ₱500 bill at siyam na pirasong pekeng ₱500.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Sorsogon Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) katuwang ang Provincial Intelligence Branch at PDEA-Sorsogon. Ayon sa ulat, tinatayang nasa 0.7 gramo ang bigat ng nasamsam na droga na may tinatayang street value na ₱4,760.

Isinagawa naman ang tamang marking at imbentaryo ng mga ebidensya sa presensya ng suspek at mga kinatawan mula sa DOJ, media, at barangay.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

‎𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐅𝐔𝐋𝐋𝐄𝐑𝐎𝐒 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐈𝐓𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐄𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝟏𝟎𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐍𝐆 𝐉𝐔𝐁𝐀𝐍‎‎Tampok sa matagumpay na pagdaraos ng “...
09/10/2025

‎𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐅𝐔𝐋𝐋𝐄𝐑𝐎𝐒 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐈𝐓𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐄𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝟏𝟎𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐍𝐆 𝐉𝐔𝐁𝐀𝐍

‎Tampok sa matagumpay na pagdaraos ng “Ulat sa Bayan: State of Municipality Address” ni Juban Mayor Rogel “Botox” Fulleros nitong Oktubre 8, 2025 sa Juban Municipal Gymnasium ang temang pagkakaisa at sama-samang pagkilos tungo sa Bag-ong Juban.

‎Sa harap ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga punong barangay, uniformed personnel, at mga residente, tinalakay ni Mayor Fulleros ang mga unang tagumpay at inisyatiba ng kanyang administrasyon sa loob ng 100 days sa pamamagitan ng B12 Program — isang hanay ng mga programang nakatuon sa kabuhayan, serbisyo publiko, at pagpapaunlad ng komunidad.

‎Binigyang-diin ng alkalde na ang naturang mga proyekto ay bunga ng direktang pakikipag-ugnayan niya sa mga mamamayan. “Ang B12 program ay sagot sa mga totoong pangangailangan ng ating mga kababayan.

‎Pinuri rin ng alkalde ang suporta ng Governor Edwin ‘Boboy’ Hamor at 2nd District Congressman Manuel ‘Wowo’ Fortes, na kanyang itinuring na katuwang sa pag-abot ng mga adhikain ng bayan.

‎Hindi rin nakalimutan ni Mayor Fulleros ang pasasalamat sa mga department heads, kawani ng LGU, at mga punong barangay.

‎Sa pagtatapos ng kanyang ulat, tiniyak ng alkalde na ang unang 100 araw ay simula pa lamang ng mas masigla at mas inklusibong pamumuno na magdadala sa Juban tungo sa tunay na pagbabago.

Credit Image : Juban MIO


DALAWANG KABATAAN, ARESTADO SA POT SESSION SA BULUSAN, SORSOGONDalawang 18-anyos na lalaki ang naaresto ng Bulusan Munic...
05/10/2025

DALAWANG KABATAAN, ARESTADO SA POT SESSION SA BULUSAN, SORSOGON

Dalawang 18-anyos na lalaki ang naaresto ng Bulusan Municipal Police Station sa isinagawang anti-illegal drugs operation matapos mahuling gumagamit ng hinihinalang ma*****na, alas-9:20 ng gabi noong Oktubre 4, 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Mawi, isang estudyante, at alyas Rene, walang trabaho. Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang concerned citizen tungkol sa dalawang lalaking gumagamit ng ma*****na sa lugar.

Narekober sa kanila ang isang glass tube pipe at isang plastic sachet ng hinihinalang ma*****na na nasa loob ng violet coin purse, na tumitimbang ng humigit-kumulang dalawang gramo at nagkakahalaga ng ₱240.

Ang mga ebidensya ay naimbentaryo sa harap ng mga saksi, habang ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Bulusan MPS para sa dokumentasyon.
Ang operasyon ay isinagawa sa ilalim ng direktiba ni PCOL Alex C. Daniel, Provincial Director ng Sorsogon Police Provincial Office, bilang bahagi ng kampanya kontra ilegal na droga sa lalawigan.

Image credit: SPPO

SEN. CHIZ ESCUDERO, ITINANGGI ANG MGA PARATANG NI DATING DPWH USEC. ROBERTO BERNARDOMariing pinabulaanan ni Senador Chiz...
25/09/2025

SEN. CHIZ ESCUDERO, ITINANGGI ANG MGA PARATANG NI DATING DPWH USEC. ROBERTO BERNARDO

Mariing pinabulaanan ni Senador Chiz Escudero ang mga alegasyon ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw.

Ayon kay Escudero, walang katotohanan ang pagdawit sa kanya sa umano’y maanomalyang flood control projects at mismong si Bernardo ang umamin na hindi siya nagkaroon ng direktang pakikipag-ugnayan sa senador.

“Ito ay isang well-orchestrated plan laban sa Senado at mga miyembro nito, upang siraan ang institusyon at ilihis ang atensyon ng publiko mula sa tunay na mga may sala,” giit ni Escudero.

Binanggit pa ng senador ang kawalan ng pangalan nina Rep. Elizaldy Co at House Speaker Martin Romualdez sa testimonya ni Bernardo, bagay na kanyang pinagdudahan at tinawag na isang “sarswela” para pagtakpan ang tunay na nasa likod ng anomalya.

Dagdag pa niya, maghahain siya ng kaso laban kay Bernardo dahil sa mga umano’y walang basehang paratang.

“Sa loob ng mahigit 27 taon sa serbisyo publiko, ni minsan hindi ako kinasuhan ng korapsyon. Ang rekord ko mismo ang magsisilbing patunay,” ani Escudero, sabay giit na malilinis din ang kanyang pangalan kapag lumabas ang lahat ng katotohanan.

Credit: Sen Chiz Escudero FB

MAYOR MENDOZA, AGAD NAGPAKILOS NG TULONG SA MGA NA-STRANDED SA CASTILLA PORTMabilis na umaksiyon si Mayor B**g Mendoza n...
25/09/2025

MAYOR MENDOZA, AGAD NAGPAKILOS NG TULONG SA MGA NA-STRANDED SA CASTILLA PORT

Mabilis na umaksiyon si Mayor B**g Mendoza ngayong araw matapos personal na inspeksyunin ang Poblacion Port kung saan mahigit 70 cargo trucks at halos 150 pasahero ang na-stranded dahil sa banta ng Bagyong “Opong.”

Kasama sina MDRRMO Edgar Ardales at Konsehal Allan Canon, tiniyak ni Mayor Mendoza na agad maihatid sa ligtas na evacuation center ang mga apektado. Namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng food packs bilang paunang ayuda.

Binigyang-diin ng alkalde na pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon ang kaligtasan ng mga Castillano, lalo na sa gitna ng mga kalamidad. Aniya, patuloy ang kanilang monitoring at koordinasyon upang masigurong handa ang bayan sa posibleng epekto ng bagyo.

‎TURISMO SA SUBIC BEACH, MAS PALALAKASIN SA PAMAMAGITAN NG BAGONG PASILIDAD AT SISTEMA‎‎Malaking pagbabago ang nakatakda...
13/08/2025

‎TURISMO SA SUBIC BEACH, MAS PALALAKASIN SA PAMAMAGITAN NG BAGONG PASILIDAD AT SISTEMA

‎Malaking pagbabago ang nakatakdang ipatupad sa Subic Beach sa bayan ng Matnog bilang bahagi ng plano ni Governor Boboy Hamor na mas mapaunlad pa ang turismo sa lalawigan.

‎Ayon kay Governor Hamor, kabilang sa mga proyekto ang pagtatayo ng docking wharf sa lagoon sa kabilang bahagi ng beach upang mas maging organisado at ligtas ang pag-akyat at pagbaba ng mga turista. Kasabay nito, tatanggalin na rin ang arkela system at ipatutupad ang bagong sistema para sa shuttle services patungo at mula sa Subic Beach.

‎Upang mapanatili ang kaayusan at ganda ng dalampasigan, ilalagay ang mga uniformed cottages, lamp posts, shower areas, at mga ihawan sa kahabaan ng baybayin. Ang mga lokal na residente mismo ang mamamahala at makikinabang sa mga pasilidad na ito, na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan.

‎Bahagi ito ng mas malawak na programa ng pamahalaang panlalawigan para sa pagpapasigla ng turismo sa unang anim na bayan ng Sorsogon: Matnog, Irosin, Bulusan, Gubat, Prieto Diaz, at Donsol.

Address

Sorsogon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News PH - Sorsogon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to News PH - Sorsogon:

Share