23/09/2025
Harana: Concert for a Cause, Tampok sa 40th Founding Anniversary ng Aemilianum College Inc.
Bilang bahagi ng makasaysayang pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng Aemilianum College Inc., idinaos ang โHarana: Concert for a Causeโ, isang gabi ng musika at pagtulong, na ginanap kamakailan sa nasabing institusyon.
Pinangunahan ng Aidalla Sisters sina Fem, Kaye, at Ivy Aidalla ang programa sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang talento sa pagkanta.
Hindi rin nagpahuli sina Fr. Mandee, Fr. Rey, at Rev. Joerex sa pagbibigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang mala-anghel na tinig, na pumukaw sa damdamin ng mga dumalo. Nagpakitang-gilas din ang mga mag-aaral mula sa College of Law na sina Ate Vitz, Julius, at Pilar Mina, sa kanilang mga makapangyarihang awitin na tumimo sa puso ng bawat tagapakinig.
Kasunod ng mga solo performances, naghatid naman ng masiglang enerhiya ang lokal na bandang Freemind, na pinasigla ang entablado sa pamamagitan ng kanilang mga patok na kanta.
Bilang pagtatapos ng gabi, nagbigay aliw naman si Jan Hebron Ecal, grand finalist ng The Voice Kids Philippines, na lalong nagpasigla at nagpahanga sa mga dumalo sa pamamagitan ng kanyang world-class performance.
Ang Harana: Concert for a Cause ay hindi lamang isang simpleng konsiyerto, kundi isa ring pagkilos para sa kapwa isang patunay na sa loob ng 40 taon, patuloy ang Aemilianum College Inc sa ilalaim ng patron ng paaral na si San Geronimo Emilianni sa pagtataguyod ng kultura ng sining, at serbisyo.