Sorsogon City District Jail

Sorsogon City District Jail

SCDJ NEWS | In observance of National Crime Prevention Week (NCPW) 2025, the Sorsogon City District Jail (SCDJ) demonstr...
01/09/2025

SCDJ NEWS | In observance of National Crime Prevention Week (NCPW) 2025, the Sorsogon City District Jail (SCDJ) demonstrated its support for the nationwide campaign through the installation of a thematic tarpaulin and the conduct of an awareness-oriented discussion.

This afternoon, Jail Officer 1 Jhon Lloyd G. Dagsil, PDMO, and Jail Officer 1 Marc John B. Belen, Development Officer, installed the official NCPW 2025 tarpaulin at the Waiting Area outside the jail premises.

This year’s theme, “Pinalakas na Pamahalaang Lokal para sa Ligtas na Pamayanan; Pagpapatibay ng mga Programa sa Pag-iwas sa Krimen sa Ilalim ng CSOP”, underscores the strengthened role of local government units and the institutionalization of crime prevention programs under the Community and Service-Oriented Policing (CSOP) system.

Furthering the advocacy, Jail Senior Inspector RICHARD RYAN B. MOLATO, Acting District Jail Warden, along with Senior Jail Officer 4 Jonathan A. Desunia, Assistant District Jail Warden, spearheaded a discussion during the PI&E session held at the SCDJ AVR. The discussion highlighted the importance of proactive community involvement and inter-agency collaboration in crime deterrence and public safety.




Pagtutok vs rekrutment Ng kabataan sa NPA iginiitInilahad ni A***n Ramos, dating lider NPA Guerrilla Front 55, ang pagka...
01/09/2025

Pagtutok vs rekrutment Ng kabataan sa NPA iginiit

Inilahad ni A***n Ramos, dating lider NPA Guerrilla Front 55, ang pagkakakilala niya kay Charisse Bañez alias Nikki — ang kalihim ng CPP Southern Mindanao Regional Committee na naaresto noong Hunyo 2025.

Dating national chairperson ng League of Filipino Students bago niya piniling sumapi sa rebeldeng grupo, ani ni Ramos na narekrut si Nikki noong 2017 para sa "revolutionary integration" at nagdesisyong manatili bilang NPA.

Ang kanyang kwento ay patunay umano sa patuloy na pagrekrut ng mga aktibistang grupo sa mga estudyante para sa armadong pakikibaka. Nanawagan si Ramos na dapat tutukan ng gobyerno ang pagpigil sa ganitong recruitment at bigyan ng mas maayos na direksyon ang kabataan.

Pagtutok vs rekrutment
Ng kabataan sa NPA iginiit

Inilahad ni A***n Ramos, dating lider NPA Guerrilla Front 55, ang pagkakakilala niya
kay Charisse Bañez alias Nikki — ang kalihim ng CPP Southern Mindanao Regional Committee na naaresto noong Hunyo 2025.

Dating national chairperson ng League of Filipino Students bago niya piniling sumapi sa rebeldeng grupo, ani ni Ramos na narekrut si Nikki noong 2017 para sa "revolutionary integration" at nagdesisyong manatili bilang NPA.

Ang kanyang kwento ay patunay umano sa patuloy na pagrekrut ng mga aktibistang grupo sa mga estudyante para sa armadong pakikibaka. Nanawagan si Ramos na dapat tutukan ng gobyerno ang pagpigil sa ganitong recruitment at bigyan ng mas maayos na direksyon ang kabataan.






https://www.facebook.com/share/p/17FTacBQhr/

MGA KAWANI NG SCDJ, NAGSAGAWA NG READ-A-BOOK, FEEDING PROGRAM, AT GIFT GIVING ACTIVITY SA SAN RAMON ELEMENTARY SCHOOL Is...
29/08/2025

MGA KAWANI NG SCDJ, NAGSAGAWA NG READ-A-BOOK, FEEDING PROGRAM, AT GIFT GIVING ACTIVITY SA SAN RAMON ELEMENTARY SCHOOL

Isang makabuluhang Read-a-Book, Feeding Program, at Gift-Giving Activity ang isinagawa ng mga dedikadong kawani ng Sorsogon City District Jail (SCDJ) noong ika-28 ng Agosto 2025 sa San Ramon Elementary School, Bacon West District, Lungsod ng Sorsogon.

Sa pakikipagtulungan ng mga g**o ng San Ramon Elementary School na pinangungunahan ni Ginang Maricel E Diaz, School Principal, naging mas makabuluhan ang programa na kinabibilangan ng storytelling, cognitive games, interactive reading exercises, at ang pamamahagi ng mainit na chicken goto sa mga mag-aaral.

Bukod dito, namigay rin ang grupo ng 60 loot bags bilang bahagi ng gift-giving component ng nasabing aktibidad.

Ang kabuuang benepisyaryo ay mga batang mag-aaral mula sa naturang paaralan, na ngayon ay mas handa at inspiradong harapin ang kanilang pag-aaral.

Naniniwala ang SCDJ na ang tunay na serbisyo ay hindi natatapos sa loob ng mga pader ng piitan. Kailangan din nitong makibahagi sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan sa komunidad.

Dahil sa Barangay Pagkakaisa, hindi ka nag-iisa! 🫡🥰✨





PDL SA SORSOGON, LUMAHOK SA ART PAINTING BILANG BAHAGI NG REHABILITASYON  Isang matagumpay na Art Painting session ang i...
29/08/2025

PDL SA SORSOGON, LUMAHOK SA ART PAINTING BILANG BAHAGI NG REHABILITASYON

Isang matagumpay na Art Painting session ang isinagawa kahapon, Agosto 28, 2025, sa Sorsogon City District Jail na pinangunahan nina JSINSP RICHARD RYAN B MOLATO, Acting Warden, JO1 Marc John B. Belen, Skills Enhancement Officer, at JO1 Ian Jay O. Frando, Development Officer.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) - Sorsogon Chapter, sa pangunguna nina Atty. Lina G. Jimenez, President, IBP Sorsogon, Ginang Nelda S. Razo, at Ginang Eunelle Haspela Gumba, katuwang ang walong Persons Deprived of Liberty (PDL).

Layunin ng naturang programa na itaguyod ang mental health ng mga PDL sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, stress relief, at positibong coping strategies. Isa rin itong hakbang upang hikayatin ang personal na pag-unlad, self-reflection, at bahagi ng kanilang rehabilitasyon at reformation programs.

Pinangunahan ni Ginang Razo ang art therapy sessions kung saan nagsagawa ng mga aktibidad gaya ng pagpipinta at pagguhit.

Ang mga kalahok ay binigyan ng mga materyales at hinikayat na malayang ipahayag ang kanilang damdamin at saloobin sa kanilang likhang-sining. Sinundan ito ng sharing session kung saan ibinahagi ng mga PDL ang kanilang karanasan at pananaw hinggil dito.




SCDJ NEWS | Matagumpay na isinagawa ang unang face-to-face lecture ng “College Education Behind Bars” Class kahapon, Ago...
28/08/2025

SCDJ NEWS | Matagumpay na isinagawa ang unang face-to-face lecture ng “College Education Behind Bars” Class kahapon, Agosto 27, 2025 sa SCDJ AVR.

Pinangunahan ito ng Sorsogon State University (SorSu), katuwang ang 21 PDL na sabik na muling matuto at magsimula ng panibagong yugto sa kanilang buhay sa pamamagitan ng edukasyon.

Layunin ng programang ito na bigyang pag-asa ang mga PDL sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad na makapagtapos ng kolehiyo habang nasa loob ng piitan.

Bahagi rin ito ng kanilang paghahanda sa reintegrasyon sa lipunan —na may sapat na kaalaman at kasanayan upang muling makapamuhay nang produktibo.

Ang klase ay isinagawa sa pormal na pamamaraan sa unang pagkakataon sa loob ng pasilidad, kung saan tinalakay ang mga pangunahing paksa na bahagi ng kanilang kurikulum.




BILANG PAGGUNITA SA ATING MGA BAYANI, NAWA’Y MAGING HUWARAN DIN TAYO NG KABAYANIHAN SA ATING TUNGKULIN. Sapagkat kahit a...
28/08/2025

BILANG PAGGUNITA SA ATING MGA BAYANI, NAWA’Y MAGING HUWARAN DIN TAYO NG KABAYANIHAN SA ATING TUNGKULIN.

Sapagkat kahit ang pinakamaliit na hakbang, kapag ginagawa nang buong puso, tuloy-tuloy, at may layunin, ay maaaring magbunga ng makabuluhang pagbabago sa hinaharap.

JO3 Byron J Sapdoy
Shift Supervisor
Team Delta






=====

Bilang bahagi ng best practices, at alinsunod sa utos ng Jail Warden, lahat ng kawani ay inaatasang maghanda at maghatid ng isang natanging talumpati sa bawat pagpupulong upang mapalago ang propesyonalismo, pananagutan, kumpiyansa sa sarili, at epektibong komunikasyon sa loob ng organisasyon. ✨✨✨

VIRTUAL PI&E, PINAGTUUNAN ANG PAGPAPABUTI NG SERBISYO AT PAGPAPAUNLAD NG PASILIDAD NG PIITANIsinagawa ang isang Virtual ...
28/08/2025

VIRTUAL PI&E, PINAGTUUNAN ANG PAGPAPABUTI NG SERBISYO AT PAGPAPAUNLAD NG PASILIDAD NG PIITAN

Isinagawa ang isang Virtual Personnel Information and Education (PI&E) session noong Agosto 25, 2025 sa SCDJ Activity Area na pinangunahan ni JSINSP RICHARD RYAN B MOLATO, Acting Warden, at SJO3 Rogelio P Diaz Jr, Assistant District Jail Warden.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang lahat ng kawani ng SCDJ. Layunin ng pagpupulong na ito na bigyang-kaalaman ang mga kawani tungkol sa mga mahahalagang usapin gaya ng aplikasyon ng leave, mga kasalukuyang programa, at mga planong makatutulong upang higit pang mapaunlad ang pasilidad ng piitan at serbisyo ng mga jail officers.

Si JO1 Phoebe Shayne P. Barcoma, Custodial Officer, ang nagsilbing emcee ng nasabing pagtitipon, habang nagbigay naman ng isang makabuluhang privilege speech si JO3 Byron J. Sapdoy, Team Delta Shift Supervisor, bilang pagtatapos ng programa.

Sa pamamagitan ng naturang virtual session, naging mas bukas ang talakayan sa pagitan ng pamunuan at mga personnel hinggil sa mga isyung kinakaharap sa pasilidad at mga hakbang upang mas mapabuti ang pamamalakad at kalagayan ng mga residente nito.




𝐒𝐨𝐫𝐒𝐔, 𝐍𝐒𝐓𝐏, 𝐊𝐡𝐚𝐲𝐚𝐡 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥, 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐕𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐞𝐞𝐫𝐬 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐓𝐫𝐞𝐞 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐢𝐧 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐞 𝐂𝐥...
27/08/2025

𝐒𝐨𝐫𝐒𝐔, 𝐍𝐒𝐓𝐏, 𝐊𝐡𝐚𝐲𝐚𝐡 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥, 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐕𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐞𝐞𝐫𝐬 𝐔𝐧𝐢𝐭𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐓𝐫𝐞𝐞 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐢𝐧 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐞 𝐂𝐥𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧

In a united effort to combat climate change and promote sustainable environmental practices, Sorsogon State University's Office of Extension and Training Services (SorSU-OET), the National Service Training Program (SorSU-NSTP), and forty South Korean volunteers from Khayah International organized a tree-planting activity on August 21, 2025, in Sitio Quirino, Barangay Buhatan, Sorsogon City.

The Sorsogon City Environment and Natural Resources Office (CENRO), headed by Mr. Ronando Gerona Jr., supported the activity by providing tree seedlings and participating in the activity. Their involvement, along with the presence of multiple community partners, emphasized the shared responsibility of protecting the environment.

Representatives from the Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Sorsogon and the Sorsogon City Employees Union took part in the initiative. The Barangay Council of Buhatan, led by Hon. Edwin Divina (Punong Barangay, Barangay Buhatan) and Quirino Elementary School (QES), also joined the event, with Ms. Marjorie Gipan (School Principal), teachers, parents, and students, contributing to the cause.

This initiative also aligned with the United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), encouraging cross-cultural collaboration and proactive climate action. By engaging youth and community members alike, the event highlighted the importance of environmental responsibility and the power of collective action in building a more resilient and sustainable future. (SorSU PIO)





𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 🇵🇭Nakikiisa ang Bureau of Jail Management and Penology sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, na may tem...
25/08/2025

𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 🇵🇭

Nakikiisa ang Bureau of Jail Management and Penology sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, na may temang: “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan.”

Ang araw na ito ay pagpupugay sa lahat ng bayani mula sa ating kasaysayan, hanggang sa mga makabagong panahon na patuloy na nag-aalay ng tapang at sakripisyo para sa bayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang halimbawa sa ating lahat upang ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa at paglilingkod.

Mabuhay ang ating mga Bayani! 🫡🇵🇭

𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 🇵🇭

Nakikiisa ang Bureau of Jail Management and Penology sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, na may temang: “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan.”

Ang araw na ito ay pagpupugay sa lahat ng bayani mula sa ating kasaysayan, hanggang sa mga makabagong panahon na patuloy na nag-aalay ng tapang at sakripisyo para sa bayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang halimbawa sa ating lahat upang ipagpatuloy ang diwa ng pagkakaisa at paglilingkod.

Mabuhay ang ating mga Bayani! 🫡🇵🇭


=========
For more updates:

Follow us on FB:


Follow us on Instagram:


Follow us on X:

THE DAILY LOCKUP | Pagpapahalaga sa Positibong Pananaw Photo Comic Dito sa Barangay Pagkakaisa, bawat araw ay pagkakatao...
24/08/2025

THE DAILY LOCKUP | Pagpapahalaga sa Positibong Pananaw Photo Comic

Dito sa Barangay Pagkakaisa, bawat araw ay pagkakataon para maging masaya. ✨✨✨




Address

City Complex, Barangay Cabid-an
Sorsogon
4700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sorsogon City District Jail posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share