20/08/2026
GCASH AT PSA LAYONG ABUTIN ANG MALALAYONG KOMUNIDAD.
Magkasamang inilunsad ng Philippine Statistics Authority ( PSA) at GCASh ang PSA On- the-GO sa Brgy San Juan Roro, Sorsogon City sa Rehiyon ng Bicol ngayong ika 17 ng Agosto taong kasalukuyan.
Nagsanib pwersa ang PSA, GCASH at ang pamunuan ng nabanggit na barangay sa pagtatayo ng brgy outpost ng Philsys at GCASH sa brgy Hall upang magsilbing station outpost para sa mga nagnanais na magkaroon ng National ID, o kaya sa mga nagnanais na magbukas ng GCAsh account.
Sa tulong ng PSA eVerify ay mas napadali ang pagkuha ng NATIONAL ID ng mga residente ng walang beripikadong ID para makapagbukas ng Digital Wallet account sa loob lamang ng ilang minutong paghihintay.
Pinaalalahanan din ng team ang pagkakaroon ng ligtas na cash less na mga transaksyon, at pag-iingat sa mga kahinahinalang text at links na dumadaan sa mobile phone na huwag ito na basta bubuksan.
Dagdag pa ng GCASH team na tanging sariling cp lamang ang gagamitin sa transaksyon at huwag ibigay ang OTP (ONE TIME PASSWORD) at MPIN (MOBILE PERSONAL IDENTIFICATION NUMBER).
Itinampok din ng nasabing grupo ang iba't ibang serbisyo na pwedeng makuha sa GCASH app at patungkol sa pagiipon sa GSave at paggamit ng Fair Credit tulad ng GLOANS.
Mayroon ding abot-kayang Health at ACCIDENT INSURANCE sa pamamagitan ng GINSURE.
Bukas sa publiko ang GCASH X PSA BARANGAY OUTPOST BRGY. SAN JUAN RORO, simula Agosto 17 hanggang Agosto 20.