
08/10/2025
๐๐จ๐ฆ๐ง ๐๐ก: Kanselado ang klase sa buong probinsya ng Maguindanao Del Sur, kabilang ang bayan ng South Upi bukas, ika-9 ng Oktubre dahil sa patuloy na buhos ng ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nagpapa-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ang kautusan ay alinsunod sa Executive Order No. 023, series of 2025 na nagpapasuspinde ng face-to-face classes sa probinsya.
Ito ay base sa mandato ni Maguindanao Del Sur Governor Hon. Datu Ali Midtimbang. Hinihikayat ng gobernador ang mga residente na mag-ingat.
Samantala, pormal na ina-dopt ng South Upi LGU sa ilalim ng administrasyon ni Hon. Mayor Helen Benito ang nasabing kautusan ngayong gabi.