04/09/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ฝ๐๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐ผ๐๐ฟ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ผ๐
Batay sa temang "Wika at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon" nagsagawa ng simpleng selebrasyon ng Buwan ng Wika ang Southbay Montessori School and Colleges, Inc. Agosto 28.
Nagkaroon ng patimpalak gaya ng paggawa ng Digital Poster (Digister), pagsulat at pagbigkas ng tula (Bigkas), paggawa ng slogan (Sining Galing), pagguhit ng Sining sa Bilao at Abaniko, at Tagisan ng Talino (TNT) na nilahukan ng mga mag-aaral mula pre-elementarya hanggang kolehiyo.
Alinsunod sa Proklamasyon 1041, s. 1997, ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang mula Agosto 1 hanggang 31 na pinangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).
Kinikilala ng tema ng taon na ito ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Hinihikayat din nito ang responsableng paggamit ng AI.
Larawan mula SBMSCI Faculty and Administration