28/08/2025
ANG PULOT PUKYUTAN! BOW!
Alam n’yo ba na ang pulot ay higit pa sa natural na pampatamis? Narito ang ilang kapakinabangan:
🌿 Mga Katangian ng Pulot na Nagdudulot ng Pagpapagaling
1. Antibacterial at Antimicrobial -
a Taglay nito ang hydrogen peroxide at iba pang natural enzymes na pumapatay ng mikrobyo.
b Nakatutulong laban sa impeksyon at sugat, kaya ginagamit din sa wound healing.
2. Antioxidant-Rich
a Mayaman sa flavonoids at polyphenols na lumalaban sa free radicals.
b inipigilan nito ang pagkasira ng cells na nagdudulot ng pagtanda at iba’t ibang karamdaman tulad ng kanser at sakit sa puso
3. Pampalakas ng Immune System
a Ang regular na pag-inom ng pulot ay nakatutulong sa pag-boost ng resistensya, kaya’t ito ay preventive laban sa ubo, sipon, at trangkaso.
4. Anti-Inflammatory
a Makababawas ng pamamaga sa katawan at nakatutulong sa mga kondisyon tulad ng arthritis at sore throat.
5. Pangangalaga sa Tiyan (Gut Health)
a May prebiotic effect, pinapakain ang good bacteria sa bituka.
b. Nakabubuti para sa digestion, kabag, at ulcer.
6. Natural na Energy Source
a Mabilis itong nagbibigay ng lakas dahil sa glucose at fructose, ngunit hindi kasing taas ng epekto ng refined sugar.
b Mainam para sa mga mahihina o galing sa sakit.
💡 Maaaring Gamitin sa:
Paghalo sa salabat o tsaang halamang gamot bilang natural na pampalakas.
Panggamot sa sugat o paso bilang pang-ibabaw na lunas.
Bahagi ng pang-araw-araw na nutrisyon sa halip na puting asukal.
Meron din po ba kayong honey sa inyong bakuran! Huwag nyo pausukan ha lalayas ang pukyutan (bees). 🌿💐🦥