05/10/2025
Bundok Bukilyaok ng San Isidro, Subic, Zambales
Ang Bukilyaok ay sinasabing nagmula sa salitang Ilokano na "Bukil" o patulis na lugar o look π.
Ang Bundok Bukilyaok ay sinasabing napakahiwaga at pinamamahayan at binabantayan noon ng Puting Usa na kung saan kapag ito ay umuungol ng matinis na boses ay may namatay at nakadepende sa boses nito kung bata o matanda ang pumanaw.
Ilan pa sa dagdag na kwento ay ang tangkang pagpatay sa puting usa gamit ang baril, ngunit sa 3 beses na tangka ay hindi pumutok ang baril.
Isa pa sa kwento ng ilang naninirahan sa nayon ay marami daw noong ahas sa bundok at may kwento rin ukol sa higante na minsang nanirahan sa Bundok Bukilyaok kaya isa din sa dahilan bakit laging sinusunog at inaakyat ang bundok tuwing sasapit ang Mahal na Araw.
Sa kasalukuyan ay marami ang nahuhumaling na akyatin ang Bundok para makapagpapawis at dahil na rin sa angking ganda ng tanawin sa paikot ng bundok kung saan matatanaw mo pa ang Look ng Subic, Bundok sa Old Cabalan, Olongapo City at ilang bahagi ng Subic
Noong 2022 ang Pamahalaang Lokal ng Subic, Zambales, sa pangunguna ni Mayor Jon Khonghun, ay nagtalaga ng walong (8) pamanang kultural sa nasasakupan upang pangalagaan, alinsunod sa National Cultural Heritage Act. kabilang sa walo ay ang Bundok Bukilyaok.
Ang mga pamanang kultural na ito ay opisyal na itinaguyod ng Pamahalaang Lokal (LGU) sa pamamagitan ng Sangguniang Bayan Resolution No. 72 na ipinasa noong 2021, at Sangguniang Bayan Resolution No. 54 na inaprubahan noong 2022.
Ang mga pamanang kultural na lugar ng Bundok Bukilyaok sa Barangay San Isidro ay pinangangasiwaan ng Pamahalaang Lokal; Senior Dela Columna, na pagmamay-ari ni Clemente del Carmen at inaalagaan ng pamilyang Tala-Gutierrez-Lacbain sa Barangay Asinan Poblacion.
Ilang pinagkunan:
Headline Zambales Online
Jenny Francisco
Juliet Balboa
Jayson Villaruz
Kung may ilang infos at correction, updates pa PM, Comment lang po β€οΈππ»
w/ Joker Explorer , IRIE VIBE , Aethan Moto