Zambaleño Tayo

Zambaleño Tayo Para sa Zambales, magtulungan tayo!

𝐙𝐀𝐌𝐁𝐀𝐋𝐄𝐒, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐓 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐑𝐈𝐒𝐌𝐎Nagtipon ang mga Municipal Tourism...
07/10/2026

𝐙𝐀𝐌𝐁𝐀𝐋𝐄𝐒, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐀𝐓 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐑𝐈𝐒𝐌𝐎

Nagtipon ang mga Municipal Tourism Officers, tourism stakeholders, Police Tourist Unit, at tourism partners sa Tourism Legislative Forum sa Castillejos upang talakayin ang mahahalagang hakbang para sa mas ligtas, mas matatag, at mas maunlad na turismo sa Zambales.

Tinalakay ang tourism priorities, Dinamulag 2027, El Niño preparedness, tourist safety, at digital tourism promotion, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng koordinasyon at sama-samang pagkilos ng mga tourism stakeholders.

Layunin ng forum na higit pang palakasin ang pagtutulungan para sa isang ligtas, sustainable, at future-ready na tourism industry sa Zambales.

Ikaw, Ako

𝐑𝐞𝐧𝐨𝐯𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐇𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐢𝐧 𝐈𝐛𝐚, 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐚𝐥𝐞𝐬: 𝐀 𝐌𝐢𝐥𝐞𝐬𝐭𝐨𝐧𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐑𝐞𝐟𝐨𝐫𝐦Ang pagpapatupad ng katarungan ay isang pundam...
06/10/2026

𝐑𝐞𝐧𝐨𝐯𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐇𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐢𝐧 𝐈𝐛𝐚, 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐚𝐥𝐞𝐬: 𝐀 𝐌𝐢𝐥𝐞𝐬𝐭𝐨𝐧𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 𝐑𝐞𝐟𝐨𝐫𝐦

Ang pagpapatupad ng katarungan ay isang pundamental na haligi ng isang maayos at progresibong lipunan. Ang mga institusyon na nangangalaga dito, tulad ng mga korte, ay nangangailangan ng angkop at maayos na mga pasilidad upang masig**o ang epektibo at patas na paglilingkod sa bayan. Sa pangunguna ng Regional Trial Court (RTC) ng Iba, Zambales, isang makabuluhang hakbang ang isinagawa noong Oktubre 5, ang pagbabasbas ng kanilang bagong bihis na Hall of Justice. Ang inisyatibong ito ay hindi lamang isang seremonya kundi isang pagpapatunay ng patuloy na dedikasyon sa pagpapabuti ng mga serbisyong panhukuman para sa mga mamamayan ng Zambales. Ang pagsasaayos ng pasilidad ay isang konkretong manipestasyon ng pagkilala sa kahalagahan ng isang kaaya ayang kapaligiran na nagpapalakas ng kumpiyansa ng publiko sa sistema ng hustisya at nagpapagaan sa trabaho ng mga hukom, kawani, at mga lumalapit para sa katarungan.

Ang pagdalo at pagsuporta ni Gob. Jun Ebdane ,Congw. Doris “Nanay Bing” Maniquiz, katuwang ang DPWH 1st District Engineering Office ay sumasalamin na kung saan ang pamumuno ay dapat aktibong manguna sa pagpapalakas ng mga institusyon na nagsisilbi sa publiko. Ang pagtuon sa mga pasilidad ay nagpapahiwatig ng isang pagkilala na ang paghahatid ng katarungan ay hindi lamang nakasalalay sa husay ng mga tao sa loob ng sistema, kundi pati na rin sa kalidad ng mga kasangkapan at kapaligiran na kanilang ginagamit. Ito ay isang pagpapakita ng pangako na hindi lamang magbigay ng serbisyo, kundi magbigay ng pinakamahusay na posibleng serbisyo.

Ikaw, Ako

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐔𝐑𝐎! 📚❤️Saludo at taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga g**o na patuloy na naglalaan ng ...
05/10/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐆𝐔𝐑𝐎! 📚❤️

Saludo at taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga g**o na patuloy na naglalaan ng oras, sipag, at malasakit upang hubugin ang kaalaman, kakayahan, at kinabukasan ng bawat mag-aaral.

Mabuhay ang lahat ng ating mga g**o! Mabuhay ang Gurong Zambaleño.

Ikaw, Ako

𝐆𝐨𝐯. 𝐉𝐮𝐧 𝐄𝐛𝐝𝐚𝐧𝐞 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐬 𝐄𝐱𝐭𝐞𝐧𝐬𝐢𝐯𝐞 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐑𝐨𝐥𝐥𝐨𝐮𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐚𝐥𝐞ñ𝐨𝐬Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Z...
30/09/2026

𝐆𝐨𝐯. 𝐉𝐮𝐧 𝐄𝐛𝐝𝐚𝐧𝐞 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐬 𝐄𝐱𝐭𝐞𝐧𝐬𝐢𝐯𝐞 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐑𝐨𝐥𝐥𝐨𝐮𝐭 𝐟𝐨𝐫 𝐙𝐚𝐦𝐛𝐚𝐥𝐞ñ𝐨𝐬

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales, sa pamumuno ni Gobernador Jun Ebdane, ay nagsagawa ng malawakang pamamahagi ng tulong medikal, pinansyal, at para sa gastusin sa pag papalibing sa lahat ng mamamayan ng Zambales. Ang makabuluhang inisyatibong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng pamahalaan panlalawigan sa pagbibigay ng napapanahong mga safety nets at maalab na serbisyo publiko sa mga pamilyang dumaranas ng kahirapan. Sa harap ng patuloy na hamon ng buhay, partikular sa aspeto ng kalusugan at pinansyal na seguridad, ang mga hakbang na ito ay nagsisilbing mahalagang suporta, nagpapagaan sa pasanin ng mga nangangailangan, at nagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga nasasakupan nito. Ang pagpapalawig ng ganitong uri ng tulong ay hindi lamang nagpapakita ng empatiya kundi pati na rin ang estratehikong pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad, tinitiyak na walang Zambaleño ang maiiwan sa gitna ng pag-unlad.

𝟑,𝟏𝟎𝟎 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐅𝐄𝐋𝐈𝐏𝐄, 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐓𝐈𝐆-𝟏𝟎 𝐊𝐈𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐂𝐇𝐄 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎Muling naih...
19/09/2026

𝟑,𝟏𝟎𝟎 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐅𝐄𝐋𝐈𝐏𝐄, 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐓𝐈𝐆-𝟏𝟎 𝐊𝐈𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐂𝐇𝐄 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎

Muling naihatid ang dagdag na suporta sa mga pamilyang Zambaleño sa pamamagitan ng Libreng Bigas ng Pangulo sa Bayan ng San Felipe noong Setyembre 16, 2026.

Sa ikatlong tranche ng programa sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF), 3,100 kwalipikadong family heads sa San Felipe ang tumanggap ng tig-10 kilong bigas.

Isinagawa ang pamamahagi sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ni Gobernador Jun Ebdane, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)-Zambales, at Local Government Unit/Municipal Social Welfare and Development Office (LGU/MSWDO) ng San Felipe.

Ikaw, Ako

𝐑𝐃𝐂 𝐈𝐈𝐈 𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑 𝐆𝐎𝐁. 𝐉𝐔𝐍 𝐄𝐁𝐃𝐀𝐍𝐄, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝟏𝐒𝐓 𝐄𝐗𝐄𝐂𝐔𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐓𝐓𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆; 𝐅𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟖 𝐏𝐑𝐈𝐎𝐑𝐈𝐓𝐘 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓𝐒, 𝐓𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐘Pin...
19/09/2026

𝐑𝐃𝐂 𝐈𝐈𝐈 𝐂𝐇𝐀𝐈𝐑 𝐆𝐎𝐁. 𝐉𝐔𝐍 𝐄𝐁𝐃𝐀𝐍𝐄, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝟏𝐒𝐓 𝐄𝐗𝐄𝐂𝐔𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐓𝐓𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆; 𝐅𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟖 𝐏𝐑𝐈𝐎𝐑𝐈𝐓𝐘 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓𝐒, 𝐓𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐘

Pinangunahan ni RDC III Chair Gob. Jun Ebdane ang 1st Executive Committee Meeting ng Regional Development Council III (RDC III) noong Setyembre 16, 2026 sa DEPDev III Office, San Fernando City, Pampanga, kasama ang mga opisyal at Secretariat ng Department of Economy, Planning and Development III (DEPDev III).

Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang Top 30 Priority Projects at tatlong panukalang proyekto para sa Feasibility Study Preparation ng Central Luzon Regional Development Council para sa Fiscal Year 2028.

Kasama rin sa agenda ang Operationalizing Ridge-to-Reef/Watershed Ecosystem Management (R2R/WEM) sa Regional Development and Physical Framework Planning, bilang bahagi ng pagpapalakas ng pagpaplano para sa sustainable at pangmatagalang pag-unlad ng rehiyon.

Masusing sinuri ang mga panukalang proyekto upang matukoy ang kanilang kahalagahan, pangangailangan, at potensyal na ambag sa pag-unlad ng mga lalawigan at komunidad sa buong Gitnang Luzon.

Ikaw, Ako

𝐁𝐌 𝐑𝐔𝐍𝐃𝐘 𝐄𝐁𝐃𝐀𝐍𝐄, 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐏𝐑𝐄𝐏𝐀𝐑𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐒𝐀 𝐙𝐀𝐌𝐁𝐀𝐋𝐄𝐒Binigyang-diin ni Board Member Rundy ...
18/09/2026

𝐁𝐌 𝐑𝐔𝐍𝐃𝐘 𝐄𝐁𝐃𝐀𝐍𝐄, 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐀 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐏𝐑𝐄𝐏𝐀𝐑𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐒𝐀 𝐙𝐀𝐌𝐁𝐀𝐋𝐄𝐒

Binigyang-diin ni Board Member Rundy Ebdane ang mahalagang papel ng mga lokal na mambabatas sa pagpapalakas ng disaster preparedness at resilience ng mga komunidad sa Zambales sa ginanap na 2026 PCL Zambales Chapter Mid-Year General Assembly noong Setyembre 10 sa SBFZ, Olongapo City.

Bilang kinatawan ni Governor Hermogenes “Jun” Ebdane, binigyang-diin ni BM Rundy ang kahalagahan ng maagap at organisadong paghahanda sa harap ng banta ng malalakas na bagyo, storm surge, at lindol, kabilang ang posibilidad ng “The Big One.”

Hinimok niya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na isulong ang mga ordinansang nakabatay sa datos at aktuwal na pangangailangan ng komunidad, gayundin ang agarang paglalaan ng pondo para sa mga kinakailangang kagamitan tulad ng rescue vehicles, early warning systems, at relief goods.

Binigyang-pansin din ang mahalagang papel ng mga ABC at SK Federation Presidents sa pagsusulong ng mga batas at programang nakatuon sa kaligtasan at kahandaan ng bawat barangay.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales ang mas matatag at disaster-resilient na mga komunidad para sa proteksyon ng bawat pamilyang Zambaleño. 🇵🇭💪

Ikaw, Ako

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐈𝐁𝐀! 🎉Isang makabuluhang tagumpay para sa Bayan ng Iba, Zambales ang pagkamit nito ng D...
18/09/2026

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒, 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐈𝐁𝐀! 🎉

Isang makabuluhang tagumpay para sa Bayan ng Iba, Zambales ang pagkamit nito ng Drug-Free Workplace Certification, na pormal na ipinagkaloob matapos ang matagumpay na aplikasyon sa ginanap na 3rd Quarter Regional Peace and Order Council Meeting.

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan ng Iba na mapanatili ang isang ligtas, malusog, responsable, at produktibong workplace para sa mga empleyado nito.

Ikaw, Ako

𝐌𝐀𝐋𝐀𝐒𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐔𝐌𝐀𝐀𝐁𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐙𝐀𝐌𝐁𝐀𝐋𝐄Ñ𝐎, ₱𝟏 𝐌𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐃𝐁𝐀𝐍𝐊Isang malaking tulong sa patuloy na pagtugon s...
17/09/2026

𝐌𝐀𝐋𝐀𝐒𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐔𝐌𝐀𝐀𝐁𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐙𝐀𝐌𝐁𝐀𝐋𝐄Ñ𝐎, ₱𝟏 𝐌𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐃𝐁𝐀𝐍𝐊

Isang malaking tulong sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga Zambaleño ang ipinagkaloob ng Land Bank of the Philippines sa Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamamagitan ng ₱1,000,000 na donasyon.

Ang naturang halaga ay magsisilbing suporta sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan, lalo na para sa mga kababayang naapektuhan ng nagdaang habagat.

Tinanggap ni Gobernador Jun Ebdane ang donasyong tseke noong Setyembre 14, 2026 sa Balin Sambali, Iba, kasama sina Provincial Treasurer Noime Ballesteros, Acting Provincial Budget Officer Ruby D. Roque, at Provincial Accountant Riza N. Farre-Dagun.

Kinatawan naman ng LandBank ang mga Branch Managers na sina Willie B. Cayno ng LBP Iba, Maryjane C. Ros ng LBP Subic, Michelle P. Luna ng LBP Olongapo, Maria Concepcion Regalado ng LBP Subic Argonaut, at Delrie Perol ng LBP Masinloc sa seremonya ng paggawad ng donasyon.

Ikaw, Ako

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎, 𝟑,𝟏𝟎𝟎 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐔𝐈𝐆 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏Muling naipamahagi ang tig-10 kilong bigas sa 3,100...
17/09/2026

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐋𝐎, 𝟑,𝟏𝟎𝟎 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐔𝐈𝐆 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏

Muling naipamahagi ang tig-10 kilong bigas sa 3,100 pamilya sa bayan ng Palauig, Zambales bilang bahagi ng ikatlong tranche ng programang Libreng Bigas ng Pangulo sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).

Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ni Gob. Jun Ebdane, PSWDO-Zambales, at LGU/MSWDO Palauig, patuloy na naihahatid ang tulong at suporta sa mga pamilyang Zambaleño.

Ikaw, Ako

Address

Subic
2209

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zambaleño Tayo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share