Medz Rider Black

Medz Rider Black Travel, Lifestyle, Food and Moto Vlog/ Motorcycles and Cars Enthusiast/ Pure Love and Peace/ To GOD be the GLORY
(1)

Hindi pa naman ganun kalayo ang nararating.May konting progress lang.May kaunting angat.May ilang bagay na na-achieve.Pe...
07/04/2026

Hindi pa naman ganun kalayo ang nararating.

May konting progress lang.
May kaunting angat.
May ilang bagay na na-achieve.

Pero biglang nagbago ang galaw.
Iba na ang tono.
Iba na ang pakikitungo.

Parang ang taas na agad ng tingin sa sarili.
Nakakalimutan minsan...
nasa simula pa lang.

At doon nagiging delikado.

Kasi habang hindi pa solid ang pundasyon,
madaling matibag ang lahat.

Hindi masama maging proud.

Pinaghirapan mo yan.

Pero iba ang proud sa mayabang.

Yung proud, tahimik lang,
tuloy-tuloy sa ginagawa.

Yung mayabang, maingay...
pero minsan kulang pa sa gawa.

Sa totoo lang,
mas magaan kasama ang taong umaangat
na marunong pa ring lumingon at magpakumbaba.

Kasi sa buhay,
hindi lang pag-angat ang mahalaga
kundi kung paano ka umangat.

At kung maaga kang nagbago
dahil sa konting tagumpay,
baka hindi ka pa handa sa mas malaki pang darating.

BOMBAAA! 🏍

And for those who are expecting me to fail over and over Because I do fail butI pray GOD keeps you all alive long enough...
12/03/2026

And for those who are expecting me to fail over and over Because I do fail but
I pray GOD keeps you all alive long enough to see me win.

Not because I want revenge,
but because I want you to witness what FAITH, PATIENCE, and HARD WORK can do.

Some people may doubt your journey,
but GOD sees Every Silent Struggle, Every Prayer, and Every Step you keep taking.

So I’ll keep moving forward Quietly, Trusting GOD's Timing.
And when Victory comes, it will speak louder than every doubt. 🙏✨

Olongapo Subic To Baler Aurora
BOMBAAA! 🏍

Magkakaiba tayo ng sitwasyon.Kung madali para sa’yo ang lahat,hindi iyon sukatan ng husayhindi rin dahilanpara sabayan k...
10/02/2026

Magkakaiba tayo ng sitwasyon.
Kung madali para sa’yo ang lahat,
hindi iyon sukatan ng husay
hindi rin dahilan
para sabayan ka ng iba.

Nauna ka lang sa pinto,
pero hindi ibig sabihin
sarado na para sa kanila.
Isang minuto lang
puwede nang magbago ang mundo.

Hindi tayo pare-pareho ng laban.
Kung marami ka nang nalampasan,
hindi ibig sabihin mahina
ang mga bumitaw.
Isang pahina lang ang nakita mo.

Kung magaan para sa’yo,
mapalad ka.
Pero hindi sila malas.

Kaya dahan-dahan lang
sa pagbitaw ng opinyon
magkakaiba tayo ng sitwasyon.


☝️🙏

Wala tayong pwedeng ipagmayabang sa mundong ito,dahil lahat ng meron tayo ay galing ito sa Diyos.Ang ating buhay,lakas s...
10/02/2026

Wala tayong pwedeng
ipagmayabang
sa mundong ito,
dahil lahat ng meron tayo ay
galing ito sa Diyos.

Ang ating buhay,
lakas sa araw-araw,
karunungan,
at talento.

Kung mayroon man tayong
dapat ipagmalaki,
iyon ay ang kabutihan
at kadakilaan
ng ating Panginoon.


☝️🙏

BOMBAAA!... 🏍

MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT MULA SA AMING PAMILYA... NAWA'Y PAGPALAIN KAYO LAHAT NG ATING MAKAPANGYARIHANG DIYOS...
24/12/2025

MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT MULA SA AMING PAMILYA... NAWA'Y PAGPALAIN KAYO LAHAT NG ATING MAKAPANGYARIHANG DIYOS NA SI HESUS!

BOMBAAA! ☝️☃️❄️🏍

Kapag napili mo na ang daan,’Wag ka nang lilingon sa nakaraan.Ang bawat hakbang, may dahilan,Kahit masakit, may patutung...
27/11/2025

Kapag napili mo na ang daan,
’Wag ka nang lilingon sa nakaraan.
Ang bawat hakbang, may dahilan,
Kahit masakit, may patutunguhan.

Hindi mo kailangang balikan
ang mga luha at alinlangan,
sapagkat sa bawat “paalam,”
may bagong simula sa dulo ng laban.

Ang tibok ng puso’y gabay,
kahit minsan ito’y nangangalay.
Kapag desisyon ay buo na sa isipan,
magtiwala ka sa PANGINOON HESUS ‘yon ang tamang daan.

’Wag matakot sa katahimikan,
sa pag-iisa, o sa kawalan.
Sapagkat laging nasa likod mo ang DIYOS, nasakanya ang tunay na kapayapaan at kasiyahan.



BOMBAAA!!

Tiisin mo na lang,wag ka nang magsalitasapagkat sa mundong ito,ang tahimikmadalas pa ring masisi.Ginawa mo na ang tama,p...
22/11/2025

Tiisin mo na lang,
wag ka nang magsalita
sapagkat sa mundong ito,
ang tahimik
madalas pa ring masisi.

Ginawa mo na ang tama,
pero sa mata ng iba,
ikaw pa rin ang mali.
Kahit ang kabutihan mo,
binabali, binabaliktad,
ginagawang kasalanan.

Kaya’t manahimik ka na lang,
hindi dahil talo ka,
kundi dahil alam mong
hindi mo kailangang patunayan
ang sarili mo
sa mga taong ayaw kang unawain.

Hindi ko kailangang patunayan,ang halaga ko sa mata ng iba.Hindi ko kailangang sumabay,sa agos ng mundo’t uso ng madla.A...
10/11/2025

Hindi ko kailangang patunayan,
ang halaga ko sa mata ng iba.
Hindi ko kailangang sumabay,
sa agos ng mundo’t uso ng madla.

Ang hangad ko’y payapang umaga,
pagmulat ng mata’y may ngiti sa labi,
masaya sa kung nasaan,
kontento sa kung sino ang kapiling.

Hindi ginto o karangyaan
ang sukatan ng tagumpay,
kundi ang damdaming payapa,
at pusong marunong magpasalamat.

Hindi ko kailangang magpanggap,
o ipakita sa mundo ang hindi totoo.
Ang mahalaga’y totoo sa sarili—
masaya, panatag, at buo.

Tahimik lang.Wag mong bigyan ng dahilanpara pag-usapan ka.Galawan mo'y parang aninonandyan, pero ‘di nila makita.Walang ...
27/10/2025

Tahimik lang.
Wag mong bigyan ng dahilan
para pag-usapan ka.

Galawan mo'y parang anino
nandyan, pero ‘di nila makita.

Walang yabang.
Walang sigaw.
Walang paliwanag
kundi puro gawa.

Ang lakas ‘di laging maingay.
Minsan, ang pinakatahimik,
‘yun ang pinaka-delikado.

Kaya habang sila’y abala
sa panghuhusga,
ikaw, abala
sa pagpapanday ng tagumpay mo.

Tahimik ka lang
pero ang resulta.
‘yun ang magiging dagundong
sa katahimikan nila.

☝️🙏

Ang Simula nang Lahat... MASKED RIDER BLACK
10/10/2025

Ang Simula nang Lahat...
MASKED RIDER BLACK

23/09/2025
Social Media has everyone rushing their goals.Remember, Comparison is the Thief of Joy.Focus on your Own Lane, Own Pace,...
09/09/2025

Social Media has everyone rushing their goals.
Remember, Comparison is the Thief of Joy.
Focus on your Own Lane, Own Pace, Own Race.

Address

Subic

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Medz Rider Black posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share